Chapter 15

42.9K 1.2K 74
                                    

"Thanks for the time." paalam ko kay Luke nang makalabas ako ng kotse niya. Tumango lang siya akin at ngumisi bago bumusina at pinaandar ang mercedes niya.



Bumuntong hininga ako at naglakad papasok, nakakahiya na ako ang nagyaya pero siya ang nag bayad. I mean, babayaran ko naman talaga, pero hindi ako manalo-nalo sa kaniya nang ipilit niyang hindi niya ako hahayaang magbayad. Bakit ba ang tataas ng pride ng mga lalaki.



Naabutan ko si daddy na nagbabasa at nagkakape sa leaving room kahit gabi na. Nagtaas ako ng kilay at lumapit sa kaniya.



"Hey, dad,"



Nag-angat siya ng tingin sa akin at at inalis ang eye glasses niya. "Oh," humalik ako sa pisngi niya at umupo sa kaniyang tabi. "How did your date go?" Tanong niya kaya bigla akong napatingin sa kaniya.



"Dad!" Nagulat ako. "It's a not a date, Luke is just my friend." Sagot ko at isinandal ang ulo sa kaniyang balikat. Ikinawing ko ang aking kamay sa kaniyang braso at ngumuso.



"Really? He's a nice guy." sabi pa niya.



Nanahimik nalang ako at bumuntong hininga. Yes, I was attracted to him in the past but whenever I think of Wyatt, there's no men to match him. Even thoug they do have similarities with each other.



Pareho silang tahimik, palaging nakakunot ang noo, unpredictable, lowkey caring, at marami pa. Pero nasisiguro ko na hinding hindi niya mapapantayan sa puso ko si Wyatt. Luke is just a friend to me and it will remain that way until the end. I only want Wyatt. That cruel man.



It's been five freaking days since Wyatt left Cebu to fly to Manila, and he's not even contacting me. No texts nor calls and update on his ig. Tamad kong binitbit ang maleta ko palabas ng kuwarto para iabot kay kuya Sage. Bukas na ang kasal ni kuya Loren at ngayon ang lipad namin patungong Palawan.



"Why do you look so grumpy?" Tanong ni kuya nang makababa kami ng hagdan.



Umiling lamang ako, "Are we really leaving now? Baka dumating si Wyatt at maiwan dito. " Alalang tanong ko.



"Don't worry, nagsabi siya na didiretso nalang sa El Nido at mauna na tayo." Napahinto ako nang sabihin 'yon ni kuya. Nagsabi siya?



"Kelan niya sinabi?" Tanong ko. Huminto rin siya sa paglalakad at tumingin sa akin.



"Kagabi nag text siya, hindi ka ba minessage?" Balik na tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin. So he messaged kuya? He had the time but he didn't even bother to contact me? Kumunot ang noo ko at nagpatuloy sa paglalakad. Tinawag ako ni kuya Sage pero hindi ko na siya nilingon.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon