Chapter 35

56.1K 1.6K 532
                                    

"Tulala ka?" Napapitlag ako nang biglang sumulpot sa aking tabi si Cora. Nang lingunin ko ang mga kasama namin sa loob ay nakita kong busy sila sa pakikipag-usap kay Tatiana. Para silang mga uhaw na nakakita ng tubig kaya nailing ako.



Nilingon ko si Cora at umilin. "Nothing," sagot ko.



Inirapan niya lang ako at bumuntong hininga. Nakatayo kami ngayon sa garden at pinagmamasdan ang mga bulaklak. Si Luke ay nasa sala kasama si kuya at papa. I still feel bad for him, but I really hope that El Nido would help him clear his mind.



"Hindi ako naniniwala. Nasaan nga pala si Wyatt? Hindi mo nagising?" Tanong niya.



Mapait akong ngumiti. "He's gone." Sagot ko na ikinatigil niya.



"Condolence." Mabilis na kumunot ang noo ko at hinampas siys sa braso. "Aw.. I'm just kidding!" Anas niya at sinamaan ako ng tingin.



"Kumatok ka." Utos ko kaya nangunot din ang noo niya.



"What? Naniniwala ka diyan?"



"Basta kumatok ka!" Utos ko kaya wala siyang nagawa kundi kumatok sa lamesang malapit sa amin.



"Oh ayan, okay na? Gusto mo katokin ko lahat ng pinto rito para masaya ka?" Inirapan ko siya at humalukipkip. "Pero nasaan nga siya? Hindi ko siya nakitang umalis, ah?"



Nag-iwas ako ng tingin, hindi ko rin alam. Hindi naman siya nagsabi sa akin. Galit dapat ako sakaniya, ayoko siyang makita kaya nga pinagsarahan ko siya ng pinto kagabi. Pero nang hindi ko siya makita kanina sa kaniyang kuwarto, ay tila mas lalo akong nagalit.



"Ewan ko, wala akong pake." Pagsisinungaling ko. Napahiyaw naman ako nang kurutin niya ako. "Ouch, hey?!" Ang sakit kaya!



"Wala kang pake pero para kang pinagbagsakan ng langit at lupa? hay nako, Lea, sige magmukmok ka diyan." Sabi niya at iniwan ako roon.



Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa likod niya habang nagmamartsa siya papalayo sa akin.



Hindi naman ako nagmumukmok, ah? Gusto kolang tignan 'tong mga bulaklak! Bakit ba kapag natutulala ako ay akala nila lalake kaagad ang iniisip ko? Napairap ako sa hangin at huminga ng malalim. I don't know why my mind is empty but I feel so heavy.



Sa huli ay nagpasiya nalang akong bumalik sa loob at laking gulat ko nang makitang natigilan si Brianna habang nakatitig sa pinto. Naroon si Vergel na unti-unti nawawala ang ngiti habang papasok. Nakatingin din siya kay Brianna at lahat kami ay natahimik.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon