Chapter 7

50.5K 1.6K 450
                                    

Wala ako sa sarili nang makasakay sa BMW niya. Batid kong galit pa rin siya dahil hindi niya ako pinapansin, pero mas nangibabaw sa akin ang pangamba nang maisip ko ulit and sinabi ni Luke.



Napailing ako at humawak sa aking sentido. Ipinatong ko ang siko sa bintana ng sasakiyan at pumikit. Nang mapansin kong hindi pa umaandar ang sasakiyan, ay nagmulat ako ng mata at nag-angat ng tingin sa kaniya.



Nakasuot siya ng puting dress shirt na nakatupi hanggang sa kaniyang siko at bukas ang tatlong butones sa itaas. Favorite niya ba 'yun? Ang mga ugat niya sa kamay ay nagiging halata dahil sa paminsan-minsan niyang paghigpit ng hawak sa manibela.



"What's your problem?" I irritably asked.



Pasaring siyang lumingon sa akin at napakurap ako nang salubungin ko ang masama niyang tingin. Ano, pareho kaming iritado?



"What did you do with that moron, huh?" Tanong niya sa mababang tono. Napaawang ang bibig ko para magpaliwanag, pero napako ang tingin ko sa kaniyang mukha. Bakit ba kita naging pinsan? I sighed.



"Nothing.." I finally said.



Sarkastiko siyang nagbuga ng hangin. "Why can I see pain all over your face then? Is it really your first? You're only nineteen and you just gave yourself to him? Is that it, Bernice?" May bahid ng panghuhusga at sakit ang boses niya.



Nanlaki ang aking mga mata at tila piniga ang puso ko. Talagang masasaktan ako dahil hindi mo naman alam ang nangyari sa akin! Fuck, ang bigat sa dibdib na hinuhusgahan ka ng taong wala namang alam sa pinagdaanan mo.



"We didn't screw, Wyatt, for once, maniwala ka naman sa 'kin!" Hindi ko na naitago ang pagkadismaya at sakit dahil sa sinabi niya. "I.. I just needed the help and he came, and I rested there. That's it. Nothing happened and I would never give myself to anyone I don't even love!" I exclaimed. "I don't even owe you an explanation, damn it."



Natigilan siya at nanatiling nakatitig sa akin habang mabigat ang bawat paghinga ko. Nag-iwas ako nang tingin nang maalala ang nangyari sa akin kanina. Bakit ako naiiyak sa tuwing naaalala ko iyon? Ito ba 'yung 'trauma' na sinasabi nila?



Hindi na sumagot si Wyatt. Sa halip ay may inabot siya galing sa backseat at ibinigay sa akin. Nang tumama ito sa akin ay nalanghap ko agad ang pamilyar niyang amoy.



"I'll give you one minute." bigla ay sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya, hindi siya lumingon sa akin at kusang lumabas ng kaniyang kotse. Bago ako pumasok kanina ay napansin kong heavily tinted naman ang sasakyan niya.



Bakit kaya? Dito ba siya nakikipaglandian sa mga babae niya? Bigla tuloy akong nandiri sa sasakiyan niya. This sinful car..

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon