Chapter 1: Zyril

13.9K 233 7
                                    

ZYRIL's POV

Huminga ako ng malalim bago tinignan ang katabi kong nag-aayos ng sarili niya dahil ngayong araw na ito ang flight niya papuntang California. He needs to go home to manage their business there. Pinapauwi na siya ng Mama niya kaya wala akong magagawa kasi Mama niya na iyon e, kaibigan lang ako, palamunin pa. 

"Smile naman bakla. Aalis na ako oh! Kailangan naka-smile." sabi sa akin ni bakla.

I think, he noticed that I am sad. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. "Mamimiss kita." sabi ko sa kanya.

"Hindi pa nga tayo nakakababa ng taxi, mamimiss mo na agad ako?"

"S'yempre naman." 

"Plastikada ka talaga." biro niya.

Kaya hinampas ko siya sa braso. "Bwisit 'to! Ang sama ng ugali." Inirapan ko siya at napanguso.

"Bait ko kaya, duh!"

"Pero mamimiss talaga kita ng sobra. Sulatan mo ko ah."

"Ano teh? Sinauna? Liham-liham?" tawa ito.

"Message me ba! Tungaw talaga nito." 

"Ah, akala ko old-fashioned ka e."

Napailing na lang ako sa kanya. Madalas kami magbiruan niyan to the point na pag naasar biglang namamalo kaya kawawa siya sa akin dahil ako madalas maasar. Pero pag siya iyong naasar siya, napaka tindi ng bawi dahil na nabunot.

"Hoy! Ano na naman ang iniisip mo?"

Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. "Wala no! Tungaw." 

"Wala raw, sus!" Bigla niya akong sinundot sa tagiliran gamit hintuturo niya.

"Hoy!" 

"Nako! Kilala kita, overthinker ka."

"Baka ikaw, kung ano-ano na iniisip mo sa akin e."

"Weh? Hindi ka nag-overthink?" tanong niya kaya tumaas kilay ko rito.

"Hindi ah! Bakit ako mag-ooverthink na naman? E, okay lang naman ako."

Naningkit mata niya sa akin at para bang kinikilatis niya ako. "Siguraduhin mo lang, teh." sabi niya.

"Oo naman." sabi ko.

He's really concerned about me. No wonder why our friendship becomes solid. He trusts me, and I trust him too. We becomes sisters and I wish na sana totoo talaga na magkapatid kami.

"Don't worry. Hindi ka nag-iisa teh! Wag kang mag-alala kasi nandyan naman iyong mga frienny mo!" paalala niya.

Hindi niya pa na-me-meet in person yung dalawa kong kaibigan dahil puro text and saglit na call lang dahil inilayo sila sa akin ng parents nila at busy rin naman sila sa career nila.

Hirap talaga ng ganitong buhay.

"Kailan ka nila bibisitahin?" 

I shrugged my shoulders. "They are all busy. You know, busy mag si payaman." sabi ko.

"Oo nga pala. I forgot."

Yung dalawa kong kaibigan nakilala ko lang dahil sa isang party ng kaibigan ng Papa ko. Lahat ng mga pumunta sa party'ng iyon, mga galing sa mayaman na pamilya. At doon nagsimula ang lahat. We contacted each other and we hang-out. Sobrang naging masaya ako dahil nakilala ko sila. Pero minsan nakakalimutan namin dahil kung minsan ay busy. 

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon