Chapter 28

1.8K 46 20
                                    


Zyril's POV

"Ang likot-likot na naman ng anak mo sa tiyan mo. Baka pati sa personal malikot din iyan ah." sabi ni Bakla ng mapansin niya akong napapahawak sa tiyan ko habang napapa-aray ng mahina dahil sa sipa ng baby ko.

I chuckled at him. "Ang likot nga e! Akala mo may kalaro sa tyan." natatawa na sabi ko habang hawak-hawak ang tyan ko.

"Laki talaga ng tiyan mo! Malusog siguro itong Godchild kp! Tingin mo?"

Ngumiti ako. "Malusog 'to, sure na sure. Kasi hindi naman ako pinapabayaan sa pagkain-"

"Pero naiistress ka naman."

Napairap na lang ako sa hangin nang maalala kung bakit ako stress. "Ayoko ng isipin iyan. Mabadtrip lang ako ng tuluyan sa kaniya." sabi ko. Ilang araw na akong naghihintay sa pag uwi niya at mga tawag niya pero wala pa rin siyang paramdam. Hindi ko alam, imbis na ma worry ako sa kanya ay naiinis lang ako sa kadahilanang wala pa siyang paramdam! Siguro ay magkasama sila nung impokritang babaeng iyon? Malalagot ka talaga sa akin, Renzo, once na malaman kong nangangaliwa ka!

Fiancée mo na ako pero nakuha mo pang mangbabae!

Agad akong napatingin sa cellphone ko at nakita ang text ni Ivy.

From: Vyvy
Oi! Thank you pala sa regalo niyo! Ngayon ko lang napansin iyong regalo niyo kay Ivan. Thank you bb!

Agad akong napangiti at nagreply.

To: Vyvy
No probs! Next time, ulit! Ingat!

Pumunta kami sa kanila kahapon upang bumisita at para na rin makita ang inaanak ko. Naalala ko tuloy mga sinabi sa akin ni Ivy kahapon nung naroon kami sa kanila...

"Engaged na kayo? Congrats!" nakangiting sabi ni Ivy nang makita niya ang singsing sa kaliwang kamay ko.

"Oo be! Nung birthday ko lang siya nag-propose!"

"Shuta kang babae ka! Engaged na pala kayo ni Renzo."

Napatingin ako kay Bakla. "Hala! Hindi ko ba nasabi sa'yo?"

"Baka may sinabi ka no?"

"Sorry nawala na sa isip ko. Hehehe."

Tagal-tagal na namin magkasama ni Kevin tapos hindi niya pala alam na engaged na ako nung birthday ko pa.

Agad naman akong niyakap ni Ivy. "Sobra akong natutuwa sayo dahil iyong first love mo ay mukhang magiging last mo rin." masayang sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. "Sana nga iyong first niya, last niya. Baka nga maging first lan siya e." may pagka sarkastikong sabi nito. Umirap pa ito sa hangin dahil sa inis kaya napa buntong hininga na lang ako. Hindi ko naman siya masisisi kumbakut ganyan siya umasta.

Humiwalay sa pagkakayakap si Ivy at napatingin sa akin. "Is there something wrong about him?"

"Who's him?" tanong ko.

"Malamang iyong fiance mo. Angalan ako? Her ako no!"

"Wag ka ngang assumera, teh! Wala kang kipay!"

"Ay teh, huwag mo kong ginaganyan. Alam mong madali lang sa akin maglagay ng kipay." Tumaas-taas pa ang kilay nito sa akin at ngumisi.

"Hindi mo naman magawa."

"Humahanap lang ako ng tyempo."

Umirap ako sa kaniya at saka binaling ang tingin kay Ivy. "Nung nakaraang araw pa dapat siya nakauwi pero wala pa rin siya. Ilang araw na ako naghihintay sa kanya, ni hindi ko siya macontact."

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon