Chapter 32

1.6K 42 16
                                    

Zyril's POV

Three days have passed but still, no update on where my baby is now. Has he already eaten? Did they feed him? Takaw niya pa naman sa gatas ko. What will they do to my son? Kanino ba ako may atraso?

Tinignan ko ang anak kong dumedede sa akin. Halos wala na siyang madede sa akin dahil ilang araw ko ng napapabayaan sarili ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Wala na ako maiyak. Nanghihina na ako pero need ko magpakatatag dahil may dumedede sa'kin.

Bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko ang pagod na itsura ni Renzo. He got eyebags from searching for his son. He only slept for an hour before he talked again to his assistant and some people who he asked for help.

"Kumain ka na. Nangangayayat ka na." He handed me an eco bag. "I know you love puto and kutsinta. I also brought you milk and lugaw. I know it is hard for you what had—"

"I-I'm sorry." I looked at him with tears in my eyes.

He sat beside me. "Mahal, it's not your—"

"Panong hindi ko kasalanan? Renzo, hindi naman mawawala si Rence kung iningatan ko silang dalawa. Hindi iniwan."

"Mahal, look, it's not your fault. Kinuha siya nung nalingat ka and you have no idea about that. Pinasok na tayo para kunin lang siya. So it's not your faul—"

"Naging pabaya ako, Renzo!" Pagkasabi ko nun bigla ring umiyak si Rein na mukhang nagising dahil sa pagsigaw ko.

Lumungkot ang mukha ni Renzo bago tumayo at nilapag sa side table yung eco bag. Kinuha nga yung upuan na ginagamit ko para sa kambal at nilapit niya iyon sa akin. He sat on that chair and put everything out in the eco bag. Nang mailabas niya na lahat, kinuha niya yung tupperware na may lugaw at binuksan. Kinuha niya rin iyong kutsara na nakabalot ng panyo.

"Eat, mahal."

Hindi ako kumibo. Renzo noticed me so he placed his hand on my legs. "Mahal, kumain na tayo."

"Ikaw na lang. Wala kasi akong gana."

"Favorite mo to, mahal. Tapos may puto pa." 

"Ayoko."

"Mahal, magugutom din si Rein. Please, kumain na tayo." He begged.

Hindi na ako kumibo at tiningnan ang anak kong dumedede pa rin sa akin. He looks exactly like his father when he was a baby. 

"Kain na." Napatingin ako kay Renzo na hawak-hawak ang kutsara. Napatingin ako sa kutsara na hawak niya. "Hinipan ko 'yan." aniya. Binuka ko ang bibig ko at isinubo niya sa akin iyon.

"There. That's good."

Pagkatapos namin kumain ay pinag pahinga na ako ni Renzo. Kinuha niya sa akin si Rein para raw makatulog ako ng maayos. Kahit anong protesta ko ay nag-matigas siya para magpahinga ako. Gusto ko sanang dito lang siya sa tabi ko para hindi ako nababagabag pero walang lumalabas sa bibig ko hanggang makalabas sila ng kwarto.

Umayos ako ng higa habang nakatitig sa kisame. Ang anak ko… Rence? Baby, pasensya na kung naging pabaya ang mommy mo ah. Hindi ako makapag-isip ng maayos kakaalala sayo, kasalanan ko naman nito e kung bakit ka nawawala. Ako lang naman dapat ang sisihin dito.

Unti-unting lumalabo ang mata ko dahil sa luha. Naiiyak lang ako sa mga nangyayari, my baby is missing and it's my fault! Kung naging mapagmasid lang ako at hindi naging kampante sa paligid baka nandito pa si Rence ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Renzo na masama ang tingin sa akin. "You…" unti-unti siya ng lumapit sa akin.

Napaupo ako sa kama at tinignan siya. "Why, m-mahal?" tanong ko kahit na natatakot ako sa awra niya. He looked like he would kill me anytime he wanted!

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon