Chapter 37

1.6K 49 4
                                    

ZYRIL's POV

"I thought you forgot my name," he chuckled.

I smiled at him and shook my head slowly, and I couldn't believe that now, he was standing before me. "How could I forget you if you always brought me coffee before para lang may kasama kang magkape." I chuckled.

"Yeah, parang kailan lang inaaya kita mag-kape, ngayon may anak ka na. Anong name niyan?" tanong nito.

"Laurrea." sagot ko.

"Ganda ah! Manang-mana sa nanay, maganda rin."

"Nambola ka pa." natatawang sambit ko.

"Super close niyo naman pala, and I didn't even know na kilala n'yo pala ang isa't isa—and I thought at first na baka mailang sa'yo si Zy. Luckily, magkakilala kayo."

"How could I forget her? She's one of the reasons why I am motivated to go to work. Kaya ko nga siya inaaya mag-kape e." he confessed.

"Ahh, pak! Ganda naman pala ni inday! Grabe ka na, Zy!"

Hindi ko alam irereact ko sa sinabi niya. Grabe! Kaya pala halos okay lang sa kaniya kahit na wala akong ilibre sa kaniya.

"Hindi ko lang talaga siya maligawan nun dahil narinig ko na ayaw niyang magkaroon ng kasintahan lalo na't katrabaho, may gusto kasi sa kaniya 'yung isa naming katrabaho, naalala mo pa ba 'yun?"

Napa-isip ako at biglang sumagi sa isip ko 'yung taong madalas nag-o-offer sa'kin na ihatid ako.

"Si Jun?"

"Hindi 'yun, 'yung isa. Hindi ko alam na-diniskartehan ka rin niyang ni Jun ah!" natatawang sabi nito.

"Hilig nya mag-offer na ihatid ako at isakay sa motor niya e madalas ko nga siyang makitang may kaangkas na iba't ibang babae tas iaangkas niya pa ako run?" Hindi siya sumasideline bilang rider, sadyang babaero lang siya dahil balita-balita iyon sa workplace namin.

"HAHAHAHA! Si makati itlog nun e, puro dali lang ng babae, pag-nagsawa sa babae, hanap uli." Napailing to ng bahagya habang nakafocus pa rin sa pagmamaneho.

Papunta na kami sa bahay ni Bakla at ilang oras na lang nandoon na rin kami.

"Sino ba tinutukoy mo kasi? Si Edison?"

"Ayun! Narinig kong binusted mo 'yan e kasi sabi mo 'Ed, wala talaga sa isip ko magpaligaw. Busy ako sa buhay, ayoko muna ng lalaki'."

"At talagang kabisado mo pa ah."

"S'yempre, tumatak na 'yan sa isip ko e. Hinihintay nga kita noon tapos nabalitaan ko ikakasal ka na."

"Grabe, updated ka naman pala sa buhay ng gagang 'yan." sabi ni Bakla.

"Medyo, 'yung lalaki kasi kilala talaga 'yun lalo na't mapera 'yun."

Not gonna lie, mapera talaga si Renzo.  Marami siyang bahay, may iba't ibang negosyo siyang pinatatakbo. Kaya madalas din ako na iinsecure dahil halos babaeng nasa paligid niya e katulad niya ring mapera tapos maganda pa. Laban ko sa mga ganung babae?

"Ayan ba 'yung anak niya?" biglang tanong nito.

"Oo." sagot ko.

"Halata e. Kamukha niya oh. Wala man lang nakuha sa'yo." asar nito.

"Bwisit 'to, ngayon na nga lang kita nakita. Nang-aasar ka pa." umirap ako sa kaniya bago tinignan ang anak kong tulog.

"Anyway, paano ba kayo nagkakilala?" tanong ko kay Bakla.

"Si Motherlu, sa birthday ni Motherlu, 2 years ago. Nandoon siya nalaman ko na 'yung cousin niya is one of the best designer here in the Philippines. E, sakto he works on us, and idol ko cousin niya. Naging mag-close kami." kwento niya.

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon