Chapter 39

1.5K 63 17
                                    

ZYRIL

"I saw you, girl." 

Napatingin ako kay Kevin nang magsalita ito sa gilid ko. Kakauwi lang namin sa kanila at tulog na tulog ang anak ko dahil hindi man lang 'to nagising ng maibaba ko mula sa pagkakarga.

"You saw...what?" tanong ko habang inaasikaso ang anak ko na hubaran ng sapatos.

"I saw you talking to a kid. Is he..."

Napahinto ako sa pagtanggal ng isa pang-sapatos ng anak ko at tumingin kay Kevin. Ngumiti ako rito at tumango ng marangya bago ibalik ang aking atensyon sa pag-aasikaso sa anak ko.

"Oh my ghad!" I know that he gasped with disbelief but also surprised because who knows that our paths would cross instantly?

"Paki-ulit nga girl, are you sure that was..."

Iniayos ko muna ang dalawang sapatos ni Laurrea at medyas sa gilid bago humarap dito. "Oo, sure akong siya iyon, he also even mention one of our maids before."masayang sabi ko.

"Goosssh! Pang-teleserye ang buhay mo, girl. Akalain mo 'yun, kung ang anak mo 'di na isip na bumisita r'on, hindi mo pa sana makikita kuya niyan."

"Alam mo, bakla. Ramdam ko 'yung saya ng makita ko siya. Dati pinag-mamasdan ko lang siya... sila sa social media, mga kuha ng video sa kanila sa TV, tapos ngayon, harap-harapan ko s'yang nakayakap." I said with a teary-eyed.

"I am so happy for you, bhe! Nakita mo na ang mga chikiting mo."

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko nang biglang sumagi sa isipan ko ang  isa pang kaninang nangyari. "Kaso..." 

"Kaso... alin?"

Tumingin muna ako sa kaniya at saka kinagat pareho ang mga labi bago ako tuluyang naiyak sa sakit na nangyari. "My one kid hates me so much. Ayaw niya akong makita. I-Iniwan k-ko raw sila..." sabi ko habang umiiyak. "Lawrence hates me..." I wiped my tears with my both palms.

Naramdaman kong niyakap ako ni Kevin kaya lalo akong naiyak. "Shhh... magigising si Laurrea, bhe. Ayaw ka niyan makitang umiiyak..." malumanay na sabi nito.

"Kasi naman, teh! Kung nakita mo lang kung gaano kagalit sa akin si Lawrence. Para niya talaga akong kinamumuhian kasi umalis ako..."

Umalis siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. "Teh, may reason ka, teh. At saka bata pa siya. S'yempre na brainwash lang 'yun ng mga pumapaligid sa kan'ya. Mababago pa 'yun."

Pinunasan ko mga luha ko at napaupo sa gilid ng kama. Napatingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog. Huminga ako ng malalim bago ko binalik ang atens'yon ko kay Kevin.

"Miss na miss ko na 'yung mga bata. Miss ko na mga kapatid ni Laurrea..."

"Kahit sino namang ina, mamimiss talaga nila mga anak nila na matagal ng nawalay sa kanila. Imagine-in mo, girl, nawalay ka sa anak mo ng pitong taon, hindi mo naman ginusto lahat ng nangyari." 

"Sa Monday... pupuntahan ko siya sa school niya." sabi ko rito.

"Baka magkita kayo ni... Ano..."

Napakagat ako ng labi ko dahil sa sinabi niya. May chance na magkita kami ng tatay nila at hindi malabo 'yun kung siya pa nagsusundo sa mga 'yun.

"Ay! Girl, mukhang malabo. Kasi busy 'yang si Daddy nila, so baka may mga driver naman mga 'yun."

Napa-isip ako sa sinabi niya. "Sabagay, he is a busy person kahit noon pa man but he always finds time naman before but since every weekday pasok ng mga bata, I guess p'wedeng may driver 'yung mga bata."

Tinignan ako ni Kevin sa mata at nagsimula akong tuksuhin. "Pero what if noh! Magkita kayo? Tapos nalaman niya about pa sa only girl niyo. Gagawin mo, girl?" tanong niya 'saka nag-crossed arms.

I shook my head and said, "I can't. Hindi ko siya kayang harapin... Ramdam ko 'yung bigat ng dibdib ko kasi nasasaktan ako..." paliwanag ko.

Nararamdaman kong may namumuo na namang luha sa gilid ng mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan gamit ang daliri ko sa kamay. "I can't still believe that... you know... That he already found someone who could replace me as a mother to my kids."

He rolled his eyes to me and told me, "You know, girl. If he can replace you, replace him too! Sa ganda mo'ng 'yan. Papayag ka na pinalitan ka basta-basta?"

"Hindi naman kasi ganun kadali 'yun, bakla. May pinagsamahan kami 'di ba? Alam mong siya halos lahat ng una sa akin."

"Ikaw nga una, tanong ikaw ba hanggang huli?"

Natahimik ako sa sinabi niya. "Girl, huwag mo siyang isipin. Think about your kids, mas intindihin mo sila kaysa diyan sa Daddy nila! Kaya huwag kang magpapa-apekto r'on kahit anong mangyari, tih!" paliwanag nito.

"Una sa lahat, 'yang gagawin mo ay para sa anak niyo. May rights ka kasi ikaw 'yung mother. Pangalawa, walang karapatan 'yang ex mo na ilayo sa'yo 'yung bata incase na malaman niya na nagkikita kayo nung bata. Pangatlo, girl,  sayang ganda mo, find someone better kung makaka-move on ka na totally sa Daddy ni Laurrea. Kasi kung mahal ka nun, 'di na 'yun maghahanap ng iba, hihintayin ka niya kasi may mga anak kayo."

"Pero kasi 'di ba sabi ko sa'yo, gusto ko maa---,"

"I know that, girl. Tandaan mo, kahit gaano mo kanaisin maayos 'yang relasyon mo sa Daddy nila. Kung ayaw naman ng isa, huwag mo na ipilit, girl. Sinasaktan mo lang sarili mo pag-gan'on. E 'di nabigwasan kita. So gamitin ang utak." sermon nito.

Umupo siya sa tabi ko. "Alam ko, Zy, gusto mo maayos 'yung pamilya niyo. Alam ko rin naman mahal mo 'yung tao. Pero kasi, Zy, alam na'tin that he is now in a relationship. Kalat na kalat sa socmed 'yun ah."

Pinipigilan kong huwag maiyak dahil naalala ko na naman 'yung araw na nakita ko ang mga balita na mayroon siyang ka-date na isang babae. May mga litrato rin sila na naghahalikan sa loob ng kotse, pero hindi ko makita ng malinaw sino 'yung babae. Pero blonde 'yung buhok niya, at ang puti pa.

Walang-wala ako sa kaniya, talo ako.

"Pero if willing naman siyang ayusin lahat, willing ka bang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon?"

Napaisip ako sa sinabi ni Kevin. May point naman siya kung gusto ni Lawrenzo magkabalikan kami, then he will wait, papahanap niya ako, o 'di kaya hihintayin niya ako. Pero hindi e, nakahanap siya habang ako naghihintay sa kaniya na protektahan ako at hanapin man lang ako dahil natatakot akong bumalik... Natatakot ako kasi baka isang araw mawala ako.

Pa'no na mga anak ko?

"Huwag na siguro. Para na lang sa bata gagawin ko. Tama ka naman e, kung mahal niya talaga ako sana sa loob ng pitong taon, pinahanap niya ako, natrace man lang, o 'di kaya hinintay man lang..."

"Pero kasi, Zy, napapaisip din ako sa sinabi ko. Kung magbabago naman siya 'di ba. At saka ayaw mo bang makitang buo kayo? Hindi mo ba minsan na-imagine 'yun?" tanong nito.

"Na-imagine ko s'ympre. 'Yun nga agad una kong naisip ng ipanganak ko si Laurrea. Iniisip ko nga hawak ko kamay n'ya tulad nung nilalabas ko 'yung kambal." I sniffed as my tears began to drop into my eyes.

"Kaya nga hanga ako sa'yo e, kasi pangarap ko rin 'yan, 'yung maging Mommy, 'kala ko nga noon, hindi ko mararanasan kasi accept ko na that no man could love me for who I am. Pero alam mo ba dahil kay Laurrea, parang naging mommy na rin ako. Of course, I was also there when she's still had her umbilical cord kaya thank you, ramdam ko rin pagiging Mommy for a while." sabi nito bago yumakap sa akin.

"Thank you rin kasi you didn't hesitate na tulungan kami."

"Of course, you are my BFF. Ang bff kong shunga-shunga sa pag-ibig. Hope you find a better person."

Yumakap na rin ako pabalik sa kaniya. Siya 'yung taong nand'yan sa tabi ko at kasamang pinalaki si Laurrea. Marami na nga ring nagtatanong kung bakit hindi na lang kami. Ang sagot lang namin ay hindi kami compatible for romantic relationship. Hanggang mag-bff lang talaga kami.

At masaya and thankful ako dahil I have this kind of friends.

This is rare.

_______________









Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon