Chapter 6: Mall

8.1K 192 15
                                    

Zyril's POV

Nandito kami ngayon sa may Mall. Nagtataka ako dahil parang tagal na nilang magkakilala ni Ivy at nitong may sira sa ulong assistant ni Renzo. Nagtatawanan silang dalawa at panay hampas ni Ivy sa kanya kaya napa-irap na lang ako sa ere. May something.

“Makapag-hampas, akala mo talaga walang bukas. Tsk! Lalandi.” rinig kong sabi ni Haylin at napailing na lang ito.

Biglang pumulupot si Haylin sa braso ko kaya nagtaka ako. “Alam mo, Zy. Nagugutom na ako. Iwanan na kaya natin tong dalawa?” Napaisip naman ako sa sinabi ni Haylin.

“Bigyan natin sila ng space?” 

“Yup, since they looked good to each other and looked at our Ivy.” Napatingin naman ako kay Ivy. “She's smiling at his lame joke and looks at the way she laughs as if there's no tomorrow.” aniya.

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni Haylin tutal gusto kong mag-sama muna silang dalawa. Baka mamaya sila magkatuluyan, edi masaya na siya. Pero sana hindi siya ulit masaktan. Ang ganda-ganda ni Ivy pero lahat ng natitipuhan niya, pinaglalaruan lang siya.  Saklap no? Ganda mo na nga, bait mo na nga, niloko ka pa. Ang kapal ng mukha!

Tapos nakuha pang mangatwiran? Eh, kung umpog kaya sa pader ang mga ganun para matauhan na ang laki ng sinayang nila? Laking sayang kasi isang Ivy na pinakawalan nila.

“Let's go, girl.” Agad akong hinatak ni Haylin papunta sa ibang direksyon, papalayo sa dalawa. Hindi nila kami napansin na lumayo dahil busy sila sa tawanan nila.

Niyaya akong kumain ni Haylin sa isang eat-all-you-can. Hindi na ako umayaw pa dahil gutom na gutom na ako. Konti lang kasi kinakain ko dahil hindi sapat ang kinikita ko sa araw-araw. At saka libre naman ni Haylin eh. Wala na akong pro-problemahin tutal libre naman. This is once in a lifetime because I am not sure if I still have my freedom after the due date that he told me. Dahil for sure, magiging alipin ako ng kumag. Dahil walang-wala talaga ako, hindi ko mabuo ang sampung milyon, isang libo nga, hirap na hirap na ako kitain sa isang araw. Milyon kaya? Hindi barya yun na madaling bayaran. Kakaloka talaga, malapit na akong mabaliw.

“What do you want to eat?” she asked me while holding her plate.

“Maybe this one.” sagot ko at kumuha ng shrimp and crab. Kumuha na rin ako nang mga pang-dessert like slice of cake and cupcakes. Later na iyong ice cream na nakita ko.

Pakabusog muna ako tutal wala pa akong kain-kain na matino. Puro tikim lang kasi kailangan mag-tipid. Nakakainis talaga ang buhay ko ngayon, parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Lakas mantrip ni tadhana, ako pa pinag-tripan. Sinaktan na nga ako, pinaiyak na nga ako, iniwan na nga ako, ngayon mag-kru-krus ulit landas namin? How sucks my life is! Ano bang kasalanan ko nung past life ko at ganito ako paglaruan ng tadhana?

Ano 'yun? Boomerang? Pabalik-balik na sakit? Bwisit! 

Naubos ko na lahat ng kinain ko at kumuha ulit ng panibago. This time, mga dessert naman. Ang sasarap kasi sa mata ng dessert nila. Ice cream with different kinds of flavor, graham balls, cake, leche flan and many more. Hindi pwede kumain dito ang uunti kumain at pabebe. Kasi sayang ang bayad mo rito, 800 pa naman kada tao. Kung hindi ka lalamon ng bongga edi ikaw pa luge.

Agad akong bumalik sa kinauupuan namin at bumalik sa pag-lamon. Sobrang sarap, ang tamis! Parang ang sarap mag-palipas ng mag-damagan dito. 

“Mukha ka pa namang hindi patay gutom sa lagay na iyan.”

Napatingin ako kay Haylin. Kaya na napatigil ako sa pag-lamon. “Gutom na kasi ako.” ngumuso ako sa kanya.

She chuckled. “Go ahead. Eat, it's eat-all-you-can.” 

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon