Chapter 25

1.9K 53 0
                                    


Zyril's POV

“Alam mo na gender niyan?" tanong niya.

Sumubo muna ako ng dala niya bago sumagot. "Oo."

"Kadiri ka, teh! Lunukin mo muna iyan." Inirapan niya ako. 

I chuckled softly as he said that. He is always strict with this one, he really doesn't like it when you talk then your mouth is full.

I swallowed the food and said, "It's actually a baby boy."

"Taray, lalaki. Dapat pogi iyan ah. Kung hindi, hindi ako magiging ninong niyan."

Natatawa akong umirap sa kanya. "Sabagay pogi ng ama niyan. Malamang pogi rin 'yang batang 'yan." dagdag niya pa.

"Ewan ko sa'yo. Nakita mo na ba mukha—”

“Dai! May malaki kayong litrato sa sala. Mukha ka pa ngang bata nun." sabi niya. "Ilang taon ka pa lang dun? Bata mo pa tignan e." tanong niya.

"I was 17 that time."

"Taray, first love na first love ang dating ah. Nandun na ba talaga sa sala 'yun?"

Napaisip ako bigla. Madalas kasi ako magkulong sa kwarto niya at minsan sa garden. "Napansin ko lang iyan nung buntis na ako.” sagot ko.

"Taray ah. Infairness mukhang patay na patay sayo si Renzo." 

"Patay na patay ka dyan. Pinagpalit nga ako sa masuso." Napanguso ako.

Tumawa siya sa sinabi ko. "Sabagay but I don't really think na may intention kang saktan non." He shrugged his shoulders.

"If I didn't go to his house, maybe he would have kept it as a secret. Ayoko naman ng—"

"Maybe oo, maybe hindi. You told me before na narinig mo lang naman but you didn't see it talaga."

Umirap ako rito. "Dai! Rinig ng dalawang tenga ko. Ungol 'yun!" 

"Masarap ba sa tenga ungol ni Renzo?" biglang tanong nito na ikinalaki ng mata ko. Hinampas ko agad ito sa braso dahil sa tanong niya.

"G@go! Klaseng tanong 'yan ah?" 

"'Yan naman iyong squatter mong bunganga. Kalerki! Nauuna na namam mura." Inirapan niya ako.

"Tanong mo kasi, teh! Kwento ko nga sa'yo, 'yung babae lang umu—"

"Gaga! 'Di iyan tinutukoy ko. Diba nag-chukchakan na kayo? Masarap ba—Aray! Bakit namamalo?"

Inirapan ko siya. "Pag-lalaki talaga, bilis-bilis mo." napailing na lang ako saka sumubo ng strawberry shortcake.

"Gaano ka haba ang espada? Nasa dose ba?" 

I choked when he asked me that. "Oi! Kakaloka!" Agad niya akong kinuhaan ng tubig sa pitchel. Inabot niya sa akin iyong baso at agad ko naman itong kinuha upang inumin.

Nang maubos ko iyong tubig sa baso ay tinignan ko ito ng masama. "Bakla, mga tanungan mo ah! Kakaloka ka. Mamamatay pa ako sa'yo ng 'di oras." Inirapan ko siya.

"Tatanong lang e, ito ang damot." Ngumuso ito.

"Maghanap ka ng iyo. Huwag yung akin." 

"Wow! Iyo siya?"

"Oo, nag-propose na nga siya sa akin." sabi ko sabay pakita ng singsing.

Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Napatakip ito ng bibig na gamit ang kanyang dalawang kamay na animo'y nakakagulat talaga iyong balita ko. "Oh.em.g? Seryoso? Ang taray mo girl! Itatali ka na!" kinikilig na sabi niya.

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon