Chapter 14

6.2K 177 30
                                    

Zyril's POV

Bumaba ako at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng pwedeng kainin ngayong araw. Kung tutuusin ay pwede naman ako kumain ng kung anong gusto ko, pwede rin ako umorder sa labas. I don't know why he let me have his money and let me spend what I wanted to eat. Basta huwag lang daw ako kumain sa labas na hindi siya kasama.

All I need to do is to follow his command. At least magiging okay ang pakikisama ko sa kanya for 2 years. Even though all he wants is my body to satisfy his needs. I have no rights to protest since I signed a contract to him that I need to follow ALL of his commands pero ito ako medyo matigas ng ulo but still I cannot break all of it.

Kumuha ako ng instant cup noodles sa pantry and soft drink. Nilagyan ko ng mainit na tubig iyong cup noodles at tinakpan. Kumuha ako ng baso at naglagay ng soft drinks at yelo. I opened the fridge to get the strawberry from Tupperware. I took a seat in the kitchen and took a bite of strawberry while waiting for my cup noodles.

Nang mapansin kong okay na iyong pinaiinit ko ay agad akong kumuha ng tinidor at tumusok ng noodles. Hinipan ko muna iyong noodles bago kainin. 

“Wow! Gutom na gutom ang inday!”

Muntik na akong mabulunan ng may makita akong asungot na naglalakad patungo sa diretsyon ko. Umupo ito tapat ko at binigyan ako ng nakakalokang ngiti.

I raised my eyebrow at him. “Ang sungit naman.” natatawang sabi niya.

“Ikaw ba naman makita ko, sinong hindi mag-iinit ang ulo.” inirapan ko siya.

“Lah! Halos limang buwan na lumilipas pero galit pa rin sa akin. Masama kayang magtanim ng galit sa kapwa.”

“Ewan ko ba pero pag-nakita ko mukha mo, kumukulo na agad dugo ko sayo.” 

“Ganyan talaga pag naglilihi.”

Tumaas ng kilay ko. “Mukha ba akong naglilihi ah?”

Tumawa siya. “Hindi pero kung umasta ka para kang naglilihi. Ganyang ganyan din si Ivy e.” natatawang sabi niya.

Speaking of Ivy. “Musta na kayo?” Pag-iiba ko ng usapan.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. “Okay lang kami. Muntik na nga akong mapatay ng tatay niya e. Kulit din ng kaibigan mo e” natatawang sabi niya.

Kumunot ang noo ko. “Why?” tanong ko. Ang huling balita ko sa kanila e nabuntis niya si Ivy after that ay wala na.

“You know after I got her pregnant. Her dad asked me if I love her daughter. Dadalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko siya ng hindi ko alam e. Kasi, I really don't want her to be pregnant since she's not my type.” napakamot na lang ito ng batok.

“Pero paninindigan mo pa rin siya?”

“Of course, anak ko iyon e. Wala na akong magagawa. Her father wants me to marry her daughter since her daughter is really in love with me. Poging pogi sa akin yung kaibigan mo e. Kaya nagpabuntis.” natatawang sabi niya.

Inirapan ko siya. “Deserve.”

“Mapapadouble kayod ako nito. Tatanggalan niya raw si Ivy ng bank account para matuto sa kalokohan niya e.”

“So alam ni Tito?”

“Aba syempre! Lalaki rin iyon no. Nakakakutob iyon na hindi ko ginusto ang nangyari.” 

Hindi na ako nagsalita. Kumain na lang ako ng noodles. Habang siya naman ay malalim ang iniisip. Napapansin ko iyon dahil nakatingin lang siya sa kawalan.

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon