Chapter 2: Ex

10.2K 238 10
                                    

Zyril's POV

Tahimik lang ako sa loob ng kotse. Kami lang dalawa dito sa kotse na sports car ang datingan. Nasa daan kami papunta sa boss niyang inutangan ng magulang ko. Akala ko nga wala na akong mararanasan na matinding paghihirap at malalampasan ko rin lahat ng nangyayari, hindi pala.

Laki ng utang ng magulang ko, jusko!

"Hindi ako iyong nangutang e ako pa itong magbabayad." inis na sambit ko.

"Nakinabang ka naman sa utang ng magulang mo." 

Inirapan ko siya. "Ni hindi ko nga alam na galing sa utang iyon. Hindi makatarungan iyong pagbabayarin niya ako ng utang ng magulang ko, ni hindi ko nga mahawakan!" katwiran ko.

"Malamang, buhay ka e. At saka na detect namin na iyong kotse mo na niregalo sa iyo ng Papa mo ay galing sa utang. Pasalamat ka pa nga mabait si Boss e."

Nanlaki mata ko sa kanya at pumalakpak sa kanya. "So dapat pagdating ko roon e lumuhod ako at mag thank you?"

Aba! Ayos naman pala kung ganun.

"Ikaw. Kung ano trip mo." masungit na tugon nito.

Na-bwi-bwisit ako kasi ano yun? Siyang kasalanan ng magulang ay siya ring kasalanan ng anak? Bakit hindi naman makatao iyon? Di porke lumalantay sa aking dugo ang pagka-Lee at tatay ko si Mr. Lee e kasalanan ko pa pag-hindi naka-bayad?

"Why is your boss so cruel?" 

"Pasalamat ka nga at sa'yo hindi e."

My eyebrow raised as he said that. "Wow, you want me to say thanks to him for being good-hearted to me? How nice." I said it full of sarcasm. "The fck! Lakas ng tama." Umiling ako.

"Tsk! If you were another person, pretty sure, you're already in jail or on the street being a beggar."

I didn't speak. I just looked on the road outside the car. Ramdam ko ang kabog na nasa loob ng dibdib ko. I'm nervous! I'm afraid of what will happen to me after I face his boss. Pero hindi ko pa nakikita iyong mukha ng lalaking kinauutangan nila Mommy at Daddy because this guy beside me, told me that his boss doesn't want to talk with me. Eh, gusto ko lang naman itanong sa boss niya personally, why my parent's has millions of debt? Feeling ko talaga na i-scam ako kaso itong lalaking 'to na nasa tabi e nagpakita ng proof na malaki utang talaga ng magulang ko. Hindi ko na nga alam kung kaya kong bayaran iyong natitirang kulang-kulang sampung milyon.

Huminto kami sa isang malaking building at bumaba sa kotse. If I am not mistaken, ang building na ito ay galing sa isang sikat na businessman. "Can I ask?"

"Then what is it?"

"Hindi ba ang boss mo mailap sa tao?" Sa pagkakaalam ko kasi sa boss niya ay mailap ito sa ibang tao pero pagdating sa mga ka- business ay hindi naman.

"Yeah. He doesn't want to be chased by women, reporters and other businessmen who want to be his partner."

Tumaas naman ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Wow! With explanation ah." sabi ko.

"Sympre, baka isipin mo babaero boss ko e. Hindi naman siya ganun." aniya.

"Hindi ako judgemental, okay?"

Natawa siya. "Mukha ka ngang nang-huhusga. Advance lang ako."

"Mukha mo ba naman makita ko. Kahusga-husga talaga." malditang tugon ko.

"Grabe naman iyan, sinasabi ko lang. Hindi ko naman sinabing judgemental ka. Advance mo naman." Umiling na lang ito.

I just rolled my eyes and followed him. Tumingin ako ulit sa paligid. Masyadong malaki itong building. I know his boss is very powerful when it comes to business. Sikat ang kompanya nila pero ni isang beses, hindi ko nakita kung sino ang may ari nito. Dahil sabi sa akin ni Daddy, mailap daw ito sa tao at ang kanyang personal assistant lang ang lagi mong makakausap. I felt like he was a monster for being like that. Imagine, you were hiding to your place and avoiding to people because of...what? Are he afraid of something?

Being His Slave [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon