Chapter 2: Meet Alice Ching

695 38 12
                                    


Alice's POV

"MISS ALICE CHING~~" Napabalikwas ako sa inuupuan ko dahil sa lakas ng boses ni GM.

O__O

"Waaaaah~ Yari may sunog ata ang lakas sumigaw ni GM"

"Gaga tawag ka ni General Manager"

"H-Ha?"

"Miss Ching. Oras ng trabaho natutulog ka?!" Halos matanaw ko na yung Lungs ni GM dahil sa sobrang pagkakanganga nya. Grabe.

"Eh Sir napuyat ako eh"

"Ano na naman ba ang pinagkakapuyatan mo? Nakipagkita kana naman siguro sa mga lalaki dun sa kabilang department?"

Nagtaka naman ako. Ang galing ni GM. Paano nya nalaman na nakipagkita ako-----teka hindi naman eh, kay Ronald nga ako nakipagkita at kaninang umaga lang yun, hindi naman kagabi. Sa totoo lang napuyat ako sa speech ko. Huhuhu. Mine-morize ko nga yun e kaya madaling araw na ako natulog.

TT___TT

Naiiyak na naman tuloy ako. Ang malas ko talaga sa pag-ibig.

TT___TT

"Miss Ching nakikinig kaba? Wag kang ngumuso sa harapan ko!"

Ang malas. Malas. Malas. Kaylan kaya ako sweswertehen sa pag-ibig? Nakakainis. Lahat ng office mates ko my love life. Waaah~ tapos ako lang wala.

TT___TT

Mag suicide nalang kaya ako--

"MISS ALICE CHING!!"

O__O

"Y-Y-YES S-SIR"

Napatayo ako sa sobrang gulat at sumaludo na parang sundalo.

"What do you think your doing?"

"S-sorry Sir m-may sinasabi ka ba?"

Hala. Napunta na naman ba ako sa Universe at hindi ko narinig yung sinasabe ni GM.

Huminga ako ng malalim.

.Enhale Exhale.

"Hehehe. Ano ulet yun Ser?"

Umiling lang sa harapan ko si GM. Sino bang iniilingan nya?---Teka--baka naman---

"Hoy Alice pwede bang makining ka kay GM"

Sinamaan ko ng tingin si Yari.

"Bakit ba. Anong pakialam mo?"

"Ano ba Miss Ching!"

*BLAG*

O_O

Hala, dikaya nasirana yung mga folder ni GM? Bigla ba naman daw ibagsak sa harapan ko. Nagulat pa ako dun ah. Akala ko sa mukha ko na nya padadapuhin eh. Grabe si GM.

"Dalhin mo lahat ng ito sa secretarial department. Lahat ng mga files at mahahalagang document ng company ay nanjan. Wag kang patanga-tanga Miss Ching dahil kapag nawala yan lagot kayo sa supervisor. Maliwanag?"

O__O

*__*

Waaaaah~ Kung ganon makikita ko dun si Ronald. Yieeeeh!

"Y-yes sir--"

"GM kung pwede ay ako nalang ang magdadala. Baka pumalpak na naman yang si Alice."

Panira talaga sa buhay ko itong unggoy na Yari na 'to. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Sigurado kaba Mister Chan---"

"Nako GM hayaan mo na yang si Alice. Alam kong kaya nya na yan." Nginitian ko ang mabait na si April. Hihihi. Sya lang talaga ang bespren ko.

Ang Girlfriend Kong PangetWhere stories live. Discover now