Chapter 19: Double Break

227 14 4
                                    

Alice's POV

Hays! Nang-iinis na naman si Yari. Mabilis akong tumayo mula sa buhanginan at iniwan sya.

"Bahala kana sa buhay mo. Wala na akong pakialam sayo. Engot!" Sigaw ko. Narinig ko naman syang tumawa ng malakas kaya mas binilisan ko pa. Nek-nek mo. Dumiretso ako sa tinutuluyan naming hotel.

Pagbukas ko ng pintuan ay wala akong nadatnan maski-isang tao. Magkasama kami ni April sa isang kama pero ng ilibot ko ang paningin ko ay hindi ko sya makita.

Asan na naman kaya si April. Etong mga nakaraang araw halos hindi ko na sya mahagilap. Hays! May problema ata. Lumakad ako papasok at umupo sa magulong kama. Grabe parang dinaanan 'to ng bagyo dahil sobrang gulo. Nagkalat ang mga gamit namin.

Hindi naman siguro nagwala si April diba? Dahil ang pagkakatanda ko matinong babae naman sya. Maganda pa hehe. Swerte ko sa besfriend ko no.

"Wag kang mahiga ng nakakalat ang mga panty at bra mo sa kama." Halos mapabaglikwas ako ng bangon ng biglang may nagsalita. Waaah.

"Anong ginagawa mo dito?!" Mataray na tanong ko. "Hoy intsik, bawal ang lalake dito kaya umalis kana..." Natigil ako at napaisip bigla dahil sa sinabi ko. Lalake? Hehe. Mukha naman syang bakla e kaya okay lang. Pero...

Nang tignan ko sya ay halos mapunit na yung labi nya sa sobrang pagkakangiti. Luh, sira-ulo.

Tinignan ko kung saan sya nakatingin at nanlaki ang mga mata ko. Waaaaaaah. "MANYAK!" Mabilis akong dumampot ng kahit ano at ibinato yun sakanya. Waaaah. Huhuhu. Hindi ko alam na may lahing manyak pala 'tong si Yari.

"ANAK NG TOKWA..." Mabilis kong kinuha yung kumot at itinakip yun sa kalahating mukha ko. Pero waaaaah. Napatigil sya ng tignan kung anong ibinato ko sa kanya.

O_O

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko ng makitang panty at bra ko pala yung naihagis ko sakanya. Waaaaaaah!!!!

Agad akong tumakbo papalapit sakanya at hinablot ang hawak nya. Mabilis ko syang itinulak palabas at isinara ang pinto. Waaaaah. Nakakahiya.

Napadaos-dos ako sa likod ng pintuan dahil sa sobrang kahihiyan. Huhuhu. Naalala ko pa naman yung sinabi nya nung nakaraang nakita nya yung bra ko. Sabi nya nun bakit daw sya magnanakaw ng pambatang bra. Huhuhu. Bad.

~

Time check! 10:45 pm

Hindi ako makatulog huhu. Pabalik-balik lang ako sa pwesto ko dahil hindi talaga ako makatulog. Hays.

Mabilis akong tumayo at nagsuot ng Jacket. Lalabas na muna ako. Maingat kong isinara ang pintuan ng kwarto. Isa pang rason kung bakit hindi ako makatulog ay hanggang ngayon hindi parin bumabalik si April. Nag-aalala na ako. Saan naman kaya sya nagpunta?

Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Waaah. Hindi ko alam na ganito pala kaginaw ang July. Parang may topak naman 'tong si weather eh.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng may matanaw akong kubo. Bigla ay tila tumalbog naman ang puso ko. Waaah. Ang ganda kasi, may mga deam lights sya.

^_^

Maglalakad na sana ako ng biglang tumigil ang mundo ko. Tila nagkaroon ng magnet sa paa ko dahil hindi ako makagalaw. Nakahakbang ang isa kong paa habang ang isa naman ay nanatiling nasa posisyon ko kanina.

Napalunok ako ng magtama ang paningin namin ni Sir Jerome. Ramdam ko ang pagkabigla sa mga mata nya kaya napayukom ako ng mga kamay.

Madilim sa pwesto nila pero kahit na  ganon ay nasisigurado kong si Sir Jerome yun. Hindi ko makita ang kung sino mang babae ang kayakap nya dahil nakatalikod ito sakin.

Parang may kung anong impak sa puso ko ng mabilis yakapin ng babae si Sir Jerome. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

>_<

M-Mali ata na pumunta pa ako dito. Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong sumikip. Pinilit kong humakbang patalikod dahil pakiramdam ko kung lalapit pa ako sa kanila ay makakasira ako ng relasyon.

Nanatili ang paningin ko sa paningin nya. Bumagsak ang mga luha ko ng makita ang ginawa ng babae.

H-Hinalikan nya si Sir Jerome.

>_<

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang panghihina ng buong katawan ko. Huhuhu. Bakit ba ako ganito? Ano bang nangyayare sakin?

Bakit ako umiiyak? Hindi naman kami ng amo ko eh. Huhuhu. Ang bad, feeling ko nasasaktan ako sa nakikita ko.

"ALICE" Dinig kong sigaw ni Sir Jerome.

Napatigil ako sa paghakbang patalikod at muling tumingin sa mga mata nya. Alam kong nasasaktan rin sya sa mga nangyayare. Pilit nyang tinanggal ang pagkakahawak sakanya ng babae at tumakbo ito papunta sakin, pero mabilis akong tumakbo papalayo sakanya.

I'm sorry...

~

Yari Chan's POV

I saw everything! Shit. Pero ang mas ikinagulat ko ay kung sino ang babae. Napayukom ako ng kamao.

Tang*na!

Napamura ako dahil sa mga nangyayare, kahit na madilim ay kilala ko kung sino ang may ari sa likod na yun. Napapikit ako ng madiin.

Nasa likod ako ni Alice habang pinapanood syang nadudurog. Ang sakit sa pakiramdam na yung taong gusto ko ay nasasaktan dahil sa taong gusto din nya.

"Bullsh*t!" Mahinang mura ko. Nakakatanga lang! Parang gusto kong magwala dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Mahal ko si Alice at higit pa sa kaibigan ang turing ko sakanya.

Humakbang sya patalikod kaya napaayos ako ng tayo. Nanatiling nakatingin sya sa harapan kaya hindi ko makita ang mukha nya.

Tumakbo sya at doon nga ay nagulat syang makita ako habang tumutulo ang mga luha nya. Shit!

Mabilis na sumunod si Sir Jerome kay Alice pero pinigilan ko sya. Mabilis akong humarang sa daraanan nya at itinulak sya sa dibdib.

"Give me a way Mr. Chan" Seryosong sabi nya at tangkang lalakad ulit ng suntukin ko sya sa mukha.

Natawa ako ng sarkastiko habang nakatingin sakanya. Sinamaan nya ako ng tingin pero buo ko yung tinanggap.

"What are you doing? GIVE.ME.THE.F*CK.WAY.I.SAID." Matalim ang mga tingin nya sakin pero hindi ako nagpatinag.

"Let her go!" Mahina pero nakayukom ang mga kamay kong sabi. "LEAVE HER ALONE MR. CASTILLO!" Malakas na sigaw ko pero isang suntok ang dumapo sa mukha ko dahilan para mapaupo ako sa lupa. Ramdam ko rin ang biglang pag-ikot ng paligid ko. Shit!

"Don't you dare middle of my life Mr. Chan. Who gave you the permission to say what I'm going to do?" Huminga sya ng malalim at tumingin sakin ng deretso. "I warned you. Stay out!" Sabi nya at mabilis na tumakbo papalayo sakin.

Ang Girlfriend Kong PangetWhere stories live. Discover now