Chapter 14: All day with you 2

286 16 0
                                    

*Play! 🎵 Pretty's on the inside🎶

Alice's POV

Nakangiti akong pinagmamasdan si Sir Jerome habang bumibili ng ice cream para sa mga batang kasama nya. Nandito kami ngayon sa park. Nakaupo ako sa isang bench at pinapanood silang magtawanan.

Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhulog sakanya. Oo, gusto ko na si Sir Jerome. Ngayon ko lang na-realize lahat ng ginagawa nya para sakin.

Hindi sya mahirap mahalin at alam ko na kahit papaano ay may pag-asa rin ako sakanya. Pagod na akong maghabol sa mga lalaki, pagod na akong mahalin sila ng paulit-ulit ng walang bumabalik sakin kahit konti.

Gusto ko yung ako naman ang mamahalin, gusto ko ako naman yung aalagaan at iingatan. At nakita ko lahat ng iyon kay Sir Jerome. Mali man pero eto na eh. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Pinagmasdan ko sya na masayang nakikipaglaro sa mga bata. Mahirap paniwalaan na ang isang Jerome Castillo na high profile ay makikita mo na ganito kasaya ng dahil lang sa mga bata.

Napahawak ako sa dibdib ko, "Alam ko malakas ang kabog mo ngayon" Sabi ko na tila kinakausap ang puso ko. "Hindi naman siguro nya ako sasaktan diba?" Tukoy ko kay Sir Jerome na nakikipaglaro parin. "Hindi ko naman siguro ikakamatay kung susubukan kong mag mahal ng tunay at totoo ng kahit isang beses lang." Mahinang sambit ko habang nakahawak parin sa dibdib.

Mahina nga itong puso ko pero hindi ko hahayaang maging bato ito. Alam ko ang limitasyon ko pero hindi ba pwedeng kahit isang beses lang? Kahit isang beses ko lang gamitin ang puso ko. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko, wag ngayon masyado pang maaga Alice.

Naramdaman kong biglang sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako sa may poste katabi nitong inuupuan ko. Huminga ako ng malalim at pina-kalma ang sarili ko. Naiiyak akong tumingin kay Sir Jerome na nakangiti, habang pinapakalma ang sarili ko. Pasikip ng pasikip ang pag-hinga ko.

Jusko, wag naman po ngayon. Napatungo at naramdaman ko ang mga luhang nag-uunahan sa pagbaba. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Napapikit ako biglang manghina ang mga tuhod ko.

"Alice? Okay ka lang?" Ramdam kong may mga kamay ang humawak sa likod ko. Pinilit kong maging normal ang pag-hinga ko. "Shit! What's the matter?" Nag-aalalang sambit ng amo ko. Kalma Alice, please wag naman ngayon.

Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko para maging normal ang pag-hinga ko. Ilang sigundo pa ay naging normal na ang pag-hinga ko. Nakangiti kong tiningala si Sir Jerome. "Hehe. Okay lang ako. Galing ko umakting noh"

"The hell Alice! That's not funny!" Biglang tumaas ang tono ng boses nya kaya natawa ako. Alam ko na ngayon na kahit papaano nag-aalala rin pala sya sakin.

"Gusto ko ng ice cream babe, bilhan moko" Nakangiting sabi ko. Bigla ay nagbago ang reaksyon nya. Ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Then I'll treat you the most delicious ice cream in the world babe." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.

"Ayoko gusto ko yung ordinary lang hehe" Sumimangot naman sya kunwari kaya natawa na naman ako. Hahaha. Ang cute nya. "Stop pouting, it's look like I just wanna kiss you again."

O_O ~Sir Jerome

"What did you say?" Nagtatakang tanong nya at napatigil pa. Bigla ay nag-sink in naman sa utak ko yung sinabi ko. Omygod! Did I say I just wanna kiss him? Waaaah. Ano ba yan Alice. Huhu. Ang awkward na tuloy.

"Hehe. Bili na tayo ng ice cream Sir." Pag-iiba ko ng usapan pero kumunot naman ngayon ang mukha nya. Huhu. Ano na naman nasabi kong mali?

"Cut that freaking Sir on your thought, you can call me Jerome or I will prefer if you can call me Babe" Seryosong sambit nya kaya wala akong nagawa kundi ang sumagot. "Hehe. Jerome nalang Sir, tatawagin nalang kitang babe sa ibang paraan." Nahihiyang sabi ko. Huminga naman muna sya ng malalim bago ulit hawakan ang kamay ko. "Okay."

Ang Girlfriend Kong PangetWhere stories live. Discover now