Chapter 13: All day with you

294 17 0
                                    

Alice's POV

Madaling araw palang pero gising na ako. Ewan ko rin ba pero kakaiba ang feeling ko ngayong araw. Off day ko naman ngayon kaya kahit magising sana ako ng 10am ay okay lang. Haaay.

Bumangon ako at nagsimula ng mag-inat. Madilim pa sa labas pero may konting liwanag na pumapasok dito sa kwarto ko mula sa street lights sa labas, 4:30am palang ng madaling araw. Haaaay! Magsisimula na sana akong tumayo ng may mahagip ang mata ko na naka-upo sa may sofa. Agad na nanlaki ang mata ko. Omygod! Don't tell me may multo dun. Madilim ang kwarto ko kaya hindi ko sya masyadong maaninag pero waaaah. Sigurado akong may tao dun.

O_O

Huhuhu. Mag-isa ko lang dito sa bahay kaya imposibleng magkaroon ng tao dun. Napalunok ako dahil sa iniisip ko, pero tao nga ba ang nandun na nakaupo o multo?

Imbis na tatayo ay mabilis akong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Pilit kong pinapatulog ang sarili ko pero hindi ako makatulog. Waaaah. Natatakot naman akong bumangon. Huhu.

Mabilis na tumibok ang puso ko ng may marinig akong yabag ng mga paa na para bang papalapit sakin. Omygod! Huhuhu. Wag naman po. Masyado pa akong bata para sunduin ni kamatayan.

>_<

Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa kumot na bumabalot sa katawan ko. Ramdam kong may umupo sa tabi ko kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Huhuhu.

Naalala ko may lampshade nga pala akong katabi. Dinig kong huminga ng malalim ang kung sino mang tao sa tabi ko. Waaaah. Oo sigurado na akong tao eto. Pero bakit? Sino sya at anong ginagawa nya sa mismong loob ng kwarto ko?

Waaaah. Bahala na, mabilis kong hinablot ang lampshade sa tabi ng kama ko at ipinukpok iyon sa ulo ng---"What the hell!"

O_o ?

Eh?

"S-Sir Jerome?" Mabilis pa sa alaskwatrong napatayo ako at mabilis na kinapa ang switch ng ilaw. Tumambad sa harap ko ang nakakunot noong nilalang na sa tingin ko ay kanina pa ako tinitignan.

*Lunok*

"Hehehe" Tanging reaksyon ko ng makita ang napaka-gwapo nyang mukha. "Did I just wake you up?" Tanong nya.

"Ah hehe, hindi naman kanina pa ako gising hindi lang ako bumabangon dahil sobrang aga pa." Sagot ko. Hindi sya umimik at pinagmasdan lang ako. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hindi komportableng tingin nya. "A-ano nga palang ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko ng usapan. "At papaano ka nakapasok sa dito sa loob ng apartment ko?"

Nanatiling kalmado ang tingin nya at wala akong natanggap na sagot mula sakanya. Napahinga ako ng malalim at idinampi ang palad ko sa noo nya. Agad na inilipat ko ang palad ko sa noo at ibinalik sa noo nya. Omygod! sobrang init nya.

Nagulat sya sa ginawa ko kaya hinawakan nya ang kamay ko at dahan-dahang inilapit sa dibdib nya. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa nya. "Feel my heart beat Alice, it'll be the answer of your questions."

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Hawak nya ngayon ang kamay ko na nakatapat sa mismong puso nya. Ano ang ibig nyang sabihin?

"S-Sir Jerome--"

"I don't understand what I feel. My goddamn heart is being abnormal when you're around." Napangiti sya ng mapait. "The last time I checked it, that woman is the reason why my heart beat faster and now?" Tumawa muna sya bago ulit magsalita "like you stole it from her."

Wala akong masabi, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung may dapat pa nga ba akong sabihin. Hindi ako ganon katanga para hindi malaman ang gusto nyang ipahiwatig.

Ilang sigundo pa ang nakalipas ay bigla nalang syang nawalan ng malay, napasubsob sya sakin kaya wala akong nagawa kundi ang saluhin sya. Haaay! Kung bakit ba naman kasi napadpad 'to sa lungga ko. Kung ano ano tuloy ang sinasabi.

Mabilis ko syang inihiga sa kama ko. Buti nalang at off day ko ngayon, mababantayan ko sya ng maigi. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa may ding-ding 5:20 na pala ng umaga.

Matapos ko syang ihiga ay kinumutan ko sya at dinagdagan ang unan para maging mas komportable sya. Nang matapos ako ay bababa na sana ako para maghanda ng breakfast ng hawakan nya ang kamay ko para pigilan.

"D-Don't leave me" Mahinang sambit nya. Haaay. "Kuha lang ako ng maligamgam na tubig para humupa na yang lagnat mo"

"I--I don't just don't go, please" nanghihinang paki-usap nya kaya wala na akong nagawa kundi ang samahan sya. Tumabi at umupo ako sa sakanya habang nakahiga. Pinagmasdan ko ang mapayapa nyang mukha habang nakapikit. Okay naman pala ang ganitong side nya. Napakabait at hindi masungit. Knowing Sir Jerome ay seryoso syang tao. Yan ang pagkakakilala sa kanya ng iba pero habang tumatagal ay dun mo talaga makikita ang totoong sya. Yung Jerome na mabait, responsable at simpleng tao lang.

Naalala ko tuloy nung kumain kami sa may kanto. Hindi ko akalain na hindi sya maarte. Hindi sya yung mayaman na sosyal, maraming alipores at hindi chickboy.

Hmmm. Hehehe. Alisin natin yung hindi chickboy sa good side nya. Nung una ko syang makilala naalala ko hinalikan nya nga pala nun si Tiffany so definitely chickboy sya. Hehe. Pero grabe yung nangyare samin ni Tiffany. Eh parang syonga naman yun kausap e. Sabi ko lang na hindi ako nagpa-plastic surgery na-insulto na daw sya at hindi lang yun inaway nya pa ako. Haaay. Hindi ko alam ganon pala sya.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ng amo ko sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

O_O

Omygod! Sobra na talaga ang init nya. Mabilis akong bumaba at kumuha ng tubig at towel, kumuha rin ako ng mga gamot at isang pitsel ng tubig. Narinig ko pa syang tinawag ako kanina pero kaylangan ko talagang bumaba para kumuha ng kakaylanganin ko.

Nang maihanda ko na lahat ay inilagay ko silang lahat sa isang tray. Matapos nun ay dahan-dahan akong umakyat sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay pumasok na agad ako ipinatong ko ang mga dala ko sa katabing table ng kama ko.

Tinignan at kinapa ko sya. Pinagpapawisan sya. Hala, baka naman napano na 'to. Mabilis akong umupo sa tabi nya napatingin sa polo shirt nya. Omygod! Huhuhu. Patawarin nyo po ako pero kaylangan ko itong gawin.

Tinanggal ko isa-isa lang botones ng polo shirt nya at tumambad sakin ang isang katawan ng lalaki.

*Lunok*

Bakit paraang pinag-papawisan ata ako. Kinapa ko pa ang noo ko at waaah! May pawis nga. Huhu. Napatingin ako sa may salamit huhuhu. Bakit ako namumula? Hindi naman ako kumain ng samyang ah.

>_<

Naramdaman kong gumalaw sya kaya bumalik sakanya ang paningin ko. "Uhh--what a-are you d-doing Alice?" Bakas sa boses nya na nanghihina sya kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Isang botones nalang ang natitira kaya nung tatanggalin ko na dapat ay pinigilan nya ang kamay ko. "D-Don't"

"Wag matigas ang ulo mo babe, para din to sa future natin." Hindi ko alam kung saan ko yan napulot para sabihin. Pero--omygosh! Did I say future natin? So kasama sya sa future ko ganon. Waaah at ang malala pa tinawag ko syang BABE!

I'm doomed!

Natigil naman sya at hinayaan ang kamay kong tanggalin ang natitirang botones. Pagkatapos nun ay napapikit na ulit sya. Haaay buti naman kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Naglagay ako ng basang towel sa noo nya at pinunasan ang boong katawan nya. Ramdam ko pa na para akong humawak sa maiinit na kaldero. Tss. Dahil kona kaya 'to sa ospital? E mukhang malala na e, baka mamaya makasuhan pa ako ng muder pag namatay 'to dito sa bahay ko.

Nang matapos ako ay nakaramdam ako ng antok. Ang aga ko naman kasing nagising kanina. Haaay. 7am na hindi parin nagigising 'tong amo ko. Nakaluto na rin ako ng almusal sa baba naka prepared na oras na magising sya. Hehe. Humikab ako at talagang gusto ng pumikit ng mata ko.

Napatingin ako sa amo ko na mahimbing na natutulog. Hindi naman siguro masama kung tatabi ako sa kanyang matulog ano? Total sariling kama at kwarto ko naman 'to diba. Hehe. Sapakin ko nalang sya kapag nagising na nagalit sya dahil tumabi ako sakanya. Hehe. Para matuluyan na din. Bwahahaha. Ang sama ko, makatulog na nga.

*Yawn*

Ang Girlfriend Kong PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon