Chapter 7: Use me Alice

320 21 2
                                    

Alice's POV

Tahimik lang akong nakaupo dito sa likod ng kotse habang ang amo ko at si Yari ay nasa harap. Hindi ko alam kung saang lupalop kami pupunta pero naman. Huhuhu. Bakit ba kasi pati si Yari kasama?

TT___TT

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa teka..........."Anong ginagawa natin dito sa company?" Gulat na tanong ko.

*Silence*

Okay fine. Wala akong kausap. Waaaah. Huhu. Galit ba silang dalawa sakin? Ano bang ginawa kong mali?

TT__TT

*Bukas ng pintuan ng kotse*

"Damn! Why are you crying?" Gulat na tanong ng amo ko. Huhu.

"Anong drama yan? Lumipad na naman ba utak mo Alice?" Huhu. Kanina ang bait sakin ni Yari, tapos ngayon ang sungit na naman nya. Parang gusto ko nalang tuloy syang sapakin e. Huhu.

"Tss. That's enough. Halika na." Nagulat ako ng biglang hinila ng amo ko ang kamay ko. Waaaah. Ano 'to HHWW? Holding hands while walking? Ahem.

~~

Yari Chan's POV

Nagulat ako ng hilain nya bigla si Alice sa harap ko. Tsk! Ano ba talagang meron sakanila? Sa totoo lang ay nagtataka na ako, bakit ganon na lamang ang trato nya kay Alice?

Jerome Castillo, is the only son of Castillo's Corporation. She have an older sister pero nasa America, and if I'm not mistaken she have a fiancee.

'So why her? Is he a player? Tsk!'

Tahimik naming tinungo ang opisina kung saan sya nagtatrabaho. May mangilan-ngilan pang mga co-workers ko ang nandito at pauwi na rin.

As we enter to the elevator hindi maalis ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak. Kumunot ang noo dahil sa hindi magandang tanawin. Tsk! Ngayon ko lang naman kasing nakita si Alice na may kahawak kamay.

-__-

"Ahem" Putol ko sa katahimikan at pumagitna sa pagitan nila. Tumingin ako kay sir Jerome na walang emosyon. He just look at me emotionless too.

"We're here!" Sabi nya ng nakatingin parin sakin. Nauna syang lumabas at mabilis na hinila si Alice. Anak ng tokwa. Diba dapat ako gumagawa nun.

"Ano bang ginagawa natin dito?" I ask right after we arrive at his work office.

He just sit on his work table and again look at me seriously. "I should be the one who's asking you that. Why are you still following us?"

"I'm here because of Alice." Sabi ko ng may diin. Kahit hindi ko aminin ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni Sir Jerome. Yes, he's my boss son but cut that. I'm still here because of Alice. Nag-aalala ako sakanya.

"Y-Yari--"

"We're going home Alice." Sabi ko at mabilis na hinila sya. "Teka Yari--"

"Alice is my girlfriend," Napatigil ako dahil sa sinabi nya. "Since last week." Natawa ako dahil sa sinabi nya.

'girlfriend?'

"Sir Jerome, kilala ko po kayo. Hindi si Alice ang tipo ng babaeng magugustuhan nyo. And besides you have a fiancee."

"Y-Yari" Mahinang sabit ni Alice.

Napangiti sya na pinagtaka ko. Bigla ay tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Do you have any proof para sabihin yan Mr. Chan? At saan mo naman narinig na meron nga akong fiancee?" Bigla ay nanlamig ako dahil sa lamig ng boses nya. Napalunok ako bago magsalita.

"Sa C-Chairman"

"My dad. Did he mention you that I cancelled that freaking arrange marriage?" I got froze for a while. Totoo ba ang mga sinasabi nya?

"Pero hindi maganda na gamitin nyo si Alice to prove them na ayaw nyo sa ipapakasal sainyo." He just smirk at tumingin sakin ng seryoso.

"Who do you think you are Mr. Chan? Paano mo nasabi na ang isang katulad ko ay hindi makakagusto kay Miss Ching?"

"Because, b-because she's ug---"

"Because of what?" Kinalampag nya ang lamesa dahilan para matumba ito. "She's ugly? Damn you asshole." Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok nya. Shit!

Napatingin ako kay Alice na may namomoong luha sa mga mata nya. "A-Alice hindi ko sinasad-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na sya ni Sir Jerome palabas.

~~

Alice's POV

Parang anytime babagsak na mga luha sa mata ko. Huhu. Bakit ba ako naiiyak e hindi naman ito ang first time na tawagin akong pangit ng unggoy na Yari na yun. Ilang beses ko na din syang nasusuntok dahil napaka-pakialamero nya. Kung sana umuwi nalang sya at hindi na sumama edi sana hindi sya nasuntok ng amo ko. Huhu. Panigurado masakit yun.

Pero huhu. Bat nga ba ganon yung sinabi kanina ni Yari. Parang ito yung pinakamasakit na pagtawag nya sakin ng pangit ah. Huhuhu. Kung ako pangit sya unggoy malas talaga sya sa buhay ko.

TT__TT

"Are you okay?" Tumango ako at naglakad na ulit. "Alice" Tawag sakin ni Sir Jerome.

"Po?" Magalang na sagot ko.

"Pwede bang tawagin mo akong baby kapag tinatawag kita." Napatunghay ako ng ulo dahil sa sinabi nya. "S-Sir Jerome" Nagtatakang sambit ko.

"Baby" Ulit nya.

"P-Pero Sir--"

"BABY" Napalunok ako ng ipagpilitan nya talaga na tawagin ko syang baby.

"Ah b-baby" Medyo ilang kong tawag sakanya.

"You can call me baby anytime and--"

"Sir Jerome" Seryosong sabi ko na ikinatigil nya. "Sir, bakit ako? Napakaraming magagandang babae dyan na pwedeng maging girlfriend nyo pero bakit patuloy nyo parin akong inaalala. Hindi ako maganda at hindi rin ako matalino. Oo ako ang unang nagtatapat ng pag-ibig ko sa isang lalaki at kahit kaylan hindi pa ako nagkaka-boyfriend pero Sir kahit kaylan hindi ko po ginustong magpagamit." Naiiyak na sabi ko. Natahimik naman sya "Ang dahilan kung bakit ako nandito sa harapan nyo ngayon ay dahil sa ayaw nyo sa ipapakasal sainyo tama po ba?"

"Nung una Alice, nung una. Oo tama ka ayaw ko sa ipapakasal sakin dahil lang sa negosyo. I can make my money Alice but my whole life can't change anymore if I deal with that freaking arrange marriage! You said na hindi ka pa nagkaka-boyfriend---" Pinutol nya ang kanyang sasabihin. Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Pwede bang pag-praktisan mo'ko. And if you're done, when you are big enough na ikaw naman ang tatanggi sa kanila you can throw me like a trash if you like. But for this time, I'll do the honor to use me, use me para makita mo ang kahinaan naming mga lalaki, use me para soon ikaw naman ang hahabulin nila, use me kung yun ang gusto mo. But please do the honor na maging girlfriend ko for the meantime. I don't want to marry a girl na hindi ko pa nakikita at nakikilala." Mabahang sabi nya na ikinatahimik ko.

"Sir Jerome" Mahinang sambit ko habang nakatingin sakanya.

"Please?" He said. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko, gumaan ang kung anong mabigat sa dibdib ko. Tumango ako at ngumiti sakanya "Yes baby." I said and he hug me. Ganito pala ang feeling ng may kayakap ang sarap sa feeling. ^^

~~

Happy vacation everyone. :)
~Vleziaren.

Ang Girlfriend Kong PangetWhere stories live. Discover now