Chapter 17: Sand Castle

265 14 0
                                    

Alice's POV

"Alice" Tawag sakin ni Yari. Napaharap naman ako sakanya. "Bakit?"

"Hindi mo manlang ba ako hihintayin?" Nakapamulsang sabi nya. Nandito na kami ngayon sa Boracay, napaka-refreshing sa pakiramdam kaya nag-aya si April at Prince na maglakad-lakad na muna.

"Hehe. Sige" Sabi ko. Naka-short lang ako at mahabang damit, habang si Yari naman ay naka-short at white sando. Ayaw nga nya kaninang isuot ko itong maiksing short e, sabi ko naman asa beach kami wala sa bahay. Aba ikaw ba naman pasuotin ng jogging pants e.

Naglakad kami ng magkasabay. Hapon na rin kaya may mangilan-ngilan ng bumubuo ng sari-sarili nilang bonfire.

"Omygosh girl look at him." Dinig kong bulong ng isang babae na nakaupo malapit sa tubig.

"Gosh! Ang cute nya. Is he a korean or Chinese?" Sabi naman nung isa.

"Sa tingin ko Japanese." Sabi naman nung kadadating na babae.

Natawa naman ako dahil sa bulungan nila. "Hoy Yari narinig mo yun?" Natatawang tawag ko sakanya. "Huh?"

"Ang alam nila Hapon ka. Hahaha."

Napakunot naman ang noo nya at natigil sa paglalakad. Tinignan nya ang mga babaeng nakatingin sakanya at sabay-sabay silang napatili "Hapon naman talaga ako ah." Mayabang na sabi nya kaya natigil ako sa pagtawa.

"Hoy Yari Chan! Nawawala naba yang utak mo? Intsik ka kaya intsik!!" Tinignan ko ng masama ang mga babaeng walang tigil sa pagtili. Hayst ano ba yan! Si Yari ba ang tinitilian nila? Napasimangot ako. "Oh bakit?"

"Wala. Naisip ko lang wala ba silang taste sa lalaki?" Nakangusong sabi ko habang nakatingin sakanya. Agad naman akong napalayo ng tignan nya ako ng masama. "Hoy Alice kung makapanlait ka dyan akala mo kung sino ka ah"

"Hehe. Wag mag alala gwapo ka naman sa paningin ko. Hehe. Gwapong intsik."

"Sabi ng hindi ako intsik!" Sabi nya na parang bata. Haha.

"Waaaaaaah! Yari gawa tayo nun." Sabi ko at mabilis na hinila sya papunta kila April at Prince na gumagawa ng sand castle.

^O^

"Pasaliiii." Sabi ko at nakiupo sa kanila.

"Bat ngayon lang kayo? Namuti na yung mga mata namin ni Prince sa kakahintay sainyo e." Masungit na sabi ni April at tinapik ang kamay ko ng hahawakan ko na sana yung ginagawa nyang sand castle.

TT__TT

Huhuhu. Bad. "Oh bat ganyan ang itsura mo Prince?" Sabi ko ng nakasimangot syang nakatingin sa castle.

"Iniisip ko kasi yung Prince Charming ko e. Nakakainis ibang prinsesa naman pala ang gusto." Maktol nya habang nakatingin kay April.

Huh? Anong sinasabi nya?

"Hoy Prince wag mo akong isali dyan sa kalokohan mo ah." Mataray at nakataas ang kilay na sabi naman ni April. Teka ako lang ba ang naguguluhan sa mga pinagsasasabi nila?

Sumimangot naman ito at inis na tumayo. Kumuha sya ng maliit na bato at binato sa ginagawang sand castle ni April. Nagulat pa ako ng biglang gumuho yung ginagawa nya.

Waaaah. Huhuhu. Ang bad. Ang ganda pa naman nun.

Parang uusok naman sa galit na tumayo si April at tumingin ng masama kay Prince. Waaah.

"PRINCEEEEE!" Sigaw nya at hinabol ang mabilis na tumakbong si Prince. Pinagtitinginan na tuloy silang dalawa.

Naupo naman ako at balak sanang buo-in ulit ang nasirang sand castle ng unahan akong kumuha ng buhangin ni Yari. Kunot noo ko naman syang tinignan.

"Anong ginagawa mo?"

"Gumagawa ng sand castle, ano pa ba." Tipid na sagot nya. Mabilis nyang kinuha ang maliit na timba at pinuno iyun ng buhangin seryoso syang naka umupo habang kinakalikot ang nakatayong buhangin.

~20 minutes later~

"Waaaaah! Yariii bilib na ako sayo." Pumapalakpak na sambit ko. Hihihi. Hindi ko alam may talent pala syang ganito.

^O^

Maliit lang sya pero ang ganda ng pagkakagawa. Huhuhu. Maduga bat ang galing nyang gumawa nyan. Nag try rin naman ako kaninang gumagawa sya pero lahat nalang ng gagawin ko gumuguho.

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at ibinigay iyon kay Yari, "Dali na picture-an mo ako yieee."

Pumuwesto naman ako sa tabi ng maliit pero magandang sand castle na ginawa nya. Hehe. Balak ko yang gawing profile picture sa facebook. ^^

Ngingiti na sana ako at handa ng magpakuha ng litrato ng may isang maliit na batong sumira dito dahilan para gumuho ang sand castle.

O_O

"Waaaaah. Huhuhu" Naiiyak na sigaw ko hindi pa nga ako nakakakuha ng larawan kasama yun tapos nasira na. Huhuhu. Pano na ngayon yan? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at balak sanang pagbayaran ang kung sino mang pangahas na sumira ng pinaghirapan ni Yari ng matigilan ako sa dalawang paa na nasa harapan ko.

Unti-unti akong napatingala at tumambad sakin ang seryosong mukha ng amo ko.

*Lunok*

"Hi Alice." Bati ni Charles sa likod ni Sir Jerome pero parang wala akong narinig. Napako ang paningin ko sakanya habang nakayuko syang nakatingin rin sakin.

"What are you doing?" Seryoso nyang tanong habang ang mga kamay nya ay nasa bulsa. Bakit feeling ko ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko? Pinagmasdan ko syang mabuti. Naka-floral shirt sya habang nakasuot ang kamay sa puting short nya.

'Oh shit! He's so damn hot'

O_O

Waaaah. Anong sinabi ng utak ko? Pakiulit nga. Huhu.

"A-Ah--"

"Pfffft. Anong ginagawa nyo Alice? Gumagawa ng sand castle?" Biglang tanong ni Charles kaya nabaling sakanya ang atensyon ko. Haaay buti nalang. Kahit papaano may pakinabang rin pala ang pagkamadaldal nya.

"Hehe. Oo" Masayang sabi ko pero naglaho din ang mga ngiti sa labi ko ng mapatingin ako sa nasira ng sand castle. Haaay, sayang.

"Who made that ugly castle? Tsk! It fits on you." Sabi ng amo ko habang nakatingin sakin. Bigla ay parang kumirot naman ang puso ko.

Maganda naman yung ginawa ni Yari ah. Napatingin ako kay Yari na wala paring reaksyon sa nangyayari. Nasira na nga yung pinaghirapan nya wala parin syang comments. Diba dapat nagagalit na sya ngayon?

Nagulat ako ng biglang lumipat sa tabi ko si Yari at sinimulan ulit ang paggawa. Hindi kagaya kanina ay mas seryoso na sya ngayon.

"Y-Yari."

"I'll make another one for you." Seryosong sabi nya. Mabilis ulit nyang kinuha ang maliit na timba. Natawa naman si Jerome sa ginawa ni Yari.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang umupo sa harap ako at hilain ang kamay ko papunta sakanya.

"T-Teka--anong ginagawa mo?"

"I'm making a fvcking sand castle for you to not sad." Sabi nya.

Napahinto naman si Yari at mabilis ding kinuha ang isa ko namang kamay.

O_o ?

Ako lang ba o talagang mahaba na masyado ang hair ko?

Kanina pa ako nakakaramdam ng tensyon sa pagitan nilang dalawa e. Maging si Charles ay natahimik din bigla.

Masama silang nagkatingin kaya napalunok ako. Hehe. Mas okay na ata sakin ang doll house, Oo tama doll house nalang ang sakin.

TT___TT

Ang Girlfriend Kong PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon