Chapter 6: Yari Chan

334 20 3
                                    

Alice's POV

Napapaisip parin ako hanggang ngayon. Bakit ganon? Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o magiging masaya. Malungkot dahil nalaman ko na lahat tungkol kay Ronald o magiging masaya dahil may boyfriend na'ko.

"Hayyy"

TT___TT

Pero hindi naman talaga kami nung amo ko e. Huhu. Panakip butas lang ako.

TT___TT

Oo panakip butas lang ako, nalaman ko na din ang rason kung bakit naging kami bigla. Huhuhu. Tsaka ko na sasabihin yung rason kapag handa na'ko.

"ALICE!"

"Ay handa"

"Anong handa ang sinasabi mo? Nasisiraan kana naman!!" Naiinis akong tumingin kay Yari, bwisit talaga sya sa buhay ko. "Narinig mo ba yung sinasabi ni GM ha? Nakatulala ka na naman dyan!" Sinamaan ko sya ng tingin. Ugh!!! Patay ka sakin ngayon!

Flashback!!!

"Aliceeeeee!"

"Oo na eto na kaylangan talaga sumigaw?"

*Poink*

"Araaaay aaah!, nakakadalawa kana ah!!!"

"Magiging tatlo yan pag hindi kapa kumilos. Tayo!" Waaaaah. Kahit masakit ang katawan ay pinilit ko paring tumayo. Huhu.

"Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi ha?"

"H-Ha? Wala." Huhuhu. Sorry Yari pero diko pwedeng sabihin.

End of Flashback!!

Hanggang ngayon hindi parin alam ni Yari lahat. Huhuhu. Feeling ko tuloy ang sama kong kaibigan. Kahit naman ganyan yan si Yari comfortable parin ako sa kanya, kababata ko kasi. Tsaka magkaibigan mga parents namin kaya kahit magpatayan na kami minsan sa harap nila wala silang pakialam. Hyst! Badtrip din kong minsan.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko.

"May mga investors tayong dadating mula sa Japan para bisitahin ang property ng Castillo's Corporation."

"Ha? Talaga?" Bigla ay parang nagning-ning ang mga mata ko, "Waaaah. Yari, makakakita na ako hapon" masayang sabi ko pero binatukan nya lang ako. Huhu. Ano bang problema nya?

"Sira, hapon kaya ako. I'm from Japan" Kompyansang sabi nya.

*Poink*

"Araaaay! Para san yun?" Reklamo nya ng ako naman ang bumatok sakanya.

"Adik kana talaga! Intsik ka kaya INTSIK! Chan apelyedo mo Chan!" Malakas kong sigaw sakanya. Napatakip sya ng tenga at maging mga co-workers ko ay napatakip din. Hehehehe. Nakatingin na pala silang lahat samin.

"Peace" ^^V

~~~~

"Huhuhu. Ano bang ginagawa natin dito Yari?"

"Shusssh! Tahimik!" Masungit na aniya. Asa sementeryo lang naman po kami. Ewan ko ba kung anong nakain nito at naisipang dalawin ang Daddy ko. Huhu. "Ayan po Tito, andito na po si Alice."

"Huh? Anong ginagawa mo?"

"Sabihin mona lahat sakanya."

"Ang alin?" Nalilitong sabi ko. Nababaliw na ba sya? Kausapin ba daw ang patay. Waaaaah. Huhu. Pero Daddy ko naman sya.

"Yung sainyo ni Ronald, I heard Sir Jerome last night."

"Waaaaaaah. Oo nga Daddy ang bad ni Ronald. Yung sinasabi ko dati sainyo. Huhuhu. Hindi ko alam ganon para ugali nya. Pero wag ka mag alala Daddy strong na'ko ngayon." Malungkot na sabi ko. Totoo naman kasi ang bad nya. Simula ngayon kakalimutan ko na sya.

Ang Girlfriend Kong PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon