Chapter 4: Kami na?

406 28 8
                                    


Alice's POV

"Ehem, Mr. Castillo san po ba talaga tayo pupunta?"

"To a party"

"What?!" Halos malamon ko na sya ng sinabe nyang party. Siraulo ba sya. Ano naman gagawin namin dun? Kaya nya ba pinasoot sakin 'tong pink na dress na 'to? Ang sikip-sikip pa. Hanep rin 'tong amo ko e.

"Ayaw mo?" Waaaaaah. Ayaw ko? Huhu. Pano yung trabaho ko? Basta-basta nalang akong matatanggal? Ano nalang sasabihin ng mga magulang ko, ni April, ni Yari at mas lalo na si Ronald. Huhuhu. Pag nagkataon na matatanggal ako hindi ko na sya makikita. Waaaah. Ayoko non. Huhu.

TT___TT

"Hehehe. Gusto ko, gusto ko" Sabi ko at tatango-tango pa.

He smirk "Okay then" Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Bago ako bumaba ay pinagbuksan nya pa ako ng pintuan, infairness ah gwapo sya lalo na pag malapitan. Dahan-dahan kunwari akong bumaba.

"Tss, to slow, baka gusto mong buhatin pa kita." Pano ba naman nakatitig lang ako sa kanya habang dahan-dahang bumababa ng kotse.

"Kung pwede lang e" Mahinang sabe ko.

"What did you say?"

"Ah hehe. Wala sabe ko baka napapagod kana gusto mo buhatin kita?" Nakangiting alok ko.

"What the? Siraulo kaba babae?"

"Ha? Hindi ah. Nagaalok lang ako. Kung ayaw mo pwede ka namang tumanggi andamedami pang sinasabe"

"Tss. Tahimik!" Agad ko namang sinara yung bibig ko. Psh. Nakapa-suplado. Buti pa si Ronald, kahit na bihira ko lang syang makausap alam kong mabait sya at hindi nya ako sinisigawan. Huhu. Pero etong amo ko ang bad nya.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay napanganga ako dahil sa ganda ng pinasukan naming resto. 'Wow as in wow' para talaga sa mga susyalin. Waaaaah. Ansarap siguro kumain dyan.

"Close your mouth, stupid" Waaaah. Ano yun? Sabe close your mouth tapos bigla nalang akong hihilain. Tinginan tuloy yung mga tao samin. Ano ba yan. Nakakahiya na sya ah.

"Hey bro, finally dumating ka rin."

"Yeah, Jerome is here"

"Hi Jerome"

"Hi Tiffany" Lumapit yung tinawag nyang Tiffany at hinalikan sya sa labi.

O_O

Sa bigla ko ay hinila ko si Jerome papalayo sa babae. Waaaaah. Ano bang ginagawa nila? Tinignan ako ng masama nung babae. Huhuhu.

"What is your problem?" Bulong sakin ni Jerome. Ako pa daw may problema sya na nga 'tong inilayo ko sa piligro e. Bahala sya sa bahay nya, hindi ko naman sya kaano-ano e, amo ko lang sya.

"Hehe. Wala sige dun kana" Sabe ko at tinulak sya papunta dun sa babae. Muntik pa silang matumba dahil sa lakas ng pagkakatulak ko. Hehe.

"What the?"

"Hey, What is your problem?" Maarteng sabi nung babae. Ngumuso lang ako at hindi sya pinansin. Ano sya feeling close? Ayaw ko ngang kausapin sya baka mahawaan ako nung sakit nya.

"Tss. Tama na nga yan. Let's go" Mabilis akong hinila ni Jerome at umupo kami kasama ang mga barkada nya. Nakanguso parin ako hanggang sa makaupo. Yung babae naman kanina ayun nandun parin. Huh? Bat ayaw nya umalis dun? Ah baka naman nagustuhan nya na yung pagiging security guard. Tama, tama. Hayaan na nga.

"Wag ka ngang ngumuso ang sagwa" Bulong sakin ni Jerome. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Problema mo?"

"May date ka pala bro, who is she?" Tanong nung isang lalaking singkit.

Ang Girlfriend Kong PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon