PROLOGUE

422K 7.3K 526
                                    

Freezell Series #2

--

PROLOGUE

AWTOMATIKO akong napalingon sa boss ko na kadarating lang ngayon ng opisina. Parang hindi pa siya natutulog o umuuwi sa kanila base sa gulo ng buhok niya maging sa gusot ng polo na suot niya.

"I need my schedule for this day right away," utos niya sa akin sa mababang tono saka na siya tuluyang pumasok ng opisina niya.

Agad kong kinuha ang folder ko na naglalaman ng mga appointment niya para sa araw na ito at pumasok na ng opisina niya . . . pero parang gusto kong magsisi sa ginawa kong pagpasok nang hindi man lamang kumakatok.

Nagpapalit siya ng polo at pantalon! Parang gusto kong kainin na lang ako ng lupa sa mga oras na ito. Hindi ko inaasahan na madadatnan ko siya sa sitwasyon na ito.

Jusko po! Inaamin ko naman na hindi naman ako inosenteng-inosente, pero huwag naman sanang ganito na para akong hinahayaan makanood ng live show.

Agad akong tumalikod dahil sa nakita ko. Nagbibihis lang siya pero tila iba ang dating at epekto nito sa akin kahit na hindi ko gustuhin.

"A–Ahh . . . S–Sir!" halos pasigaw kong kuha ng atensyon niya dala ng kakaibang kaba na bumabalot sa akin ngayon.

"Kanina ka pa riyan?" walang kakaba-kaba niyang tanong habang nakatalikod pa rin ako.

Hindi ko talaga lubos na maisip kung paano siya nakakaakto na parang wala lang na naabutan ko siya sa gan'ong sitwasyon.

"H–Hindi naman po. S–Sir, nakataas na po ba ang pants n'yo? P–Para makaharap na po sana ako."

Parang gusto kong hatakin ang dila ko sa paraan ng pagsasalita ko. Anong nangyayari sa 'kin? Hindi dapat ako naapektuhan nang ganito.

"Why? Gusto mo ba ikaw na ang magtaas nito? Come here, ayos lang sa 'kin," pang-aasar niya at narinig ko pa na sinundan niya iyon ng nakakalokong tawa.

Bakit ba ang kakaiba ng epekto sa akin ng boss ko na ito kahit pa hindi ko pa naman siya nililingon? Idagdag pa na ang boses niya... ay tila laging nang-aakit kahit saang anggulo.

"H–Hindi po, Sir!" halatang gulat na sagot ko sa kaniya.

"I'm just kidding, Ms. Freezell. Sige, makakaharap ka na at nang masilayan mo na ang mukha kong pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan," mayabang na wika sa akin nito.

Unti-unti akong humarap at tumambad sa akin ang isang... isang perpektong hubog na katawan na animo magaling na iskultor ang nagpakapagod na maglilok.

Hindi nakabutones ang suot niyang polo at naka-hipster naman ang pantalon na suot niya, na masasabi kong mas nakapagpapalabas pa lalo ng gandang taglay ng katawan niya. Pambihira!

I mentally shook my head at ibinaling ko sa iba ang paningin ko. Ano ba naman ang mga pinag-iiisip ko. Hindi ko puwedeng pagnasaan ang boss ko. Hindi ko maaaring gawin iyon dahil hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Sa dami nang napag-apply-an ko, dito lang may tumanggap sa akin!

Umayos ka, Avrein! Pambihira ka!

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniy a at parang gusto kong muling magsisi. Ibang-iba talaga ang taglay niyang karisma. Jusko naman!

Hindi ako naaakit. Hindi ako naaakit. Hindi ko naaakit. Hindi ako naaakit—

"Come here, babe let's go to bed—I mean, let's do our business. Give me my schedule," aniya saka naupo sa swivel chair niya habang nakatingin deretso sa mga mata ko.

Sir, bakit mo po ba 'to ginagawa sa akin? Bakit po ba nakakaakit ka? Gusto ko lang naman po sanang magtrabaho nang maayos, pero bakit binibigyan mo po ako ng temptasyon?

I'm Avrein Laiclei Agaña– Freezell and he's Vience Kent Alisser– Montealegre...

MY NAUGHTY BOASTFUL BOSS!

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon