Prologo

19.3K 253 34
                                    

Ang Eastern Mafia World ay pinamunuan ng pamilyang Lafauci.

Sila ang kinikilalang pinakamakapangyarihang Mafia Clan sa buong Eastern simula nung insidenteng nangyari sa buong Mafia World.

Wala ni sino man ang nakakatalo sa clan na ito. Sa modernong teknolohiya, reapers, kakayahan at abilidad ng Lafauci tila walang nakakalamang sa kanila. Ang clan na ito ay kayang labanan ang ibang parte ng Mafia World.

Maraming sumubok na sugurin sila ngunit nabigo. Tanging maalis ang clan na iyon sa listahan ng Eastern o mabura sa Mafia World ang kanilang mahahantungan. Nanatili ang Lafauci sa tuktok na di natitibag.

Ang sumunod sa pinakamakapangyarihan ng Eastern Mafia World ay nasa ilalim ng mga Lafauci.

Ito ay ang Ernest Clan, sila ang tinaguriang clan ng dalubhasang mga reapers na kayang makisabay sa Lafauci base sa abilidad at kakayanan. Tanging ang Ernest lamang ang makakapantay sa Lafauci kaya agad na kinuha ng Eastern Mafia Boss ang pagkakataon upang mapalakas pa ang kanilang depensa at opensa.

Ang oportunidad na iyon ay agad na kinuha ng Ernest Clan at ang clan na ito ay nasa ilalim na ng Lafauci kasama ang ibang clan na pinili ng Mafia Eastern Boss sa Eastern.

Ito din ang dahilan kung bakit di natitinag ang Lafauci Clan. Bago man nila'y maharap ang Lafauci dadaan muna sila sa mga clan na handang lumaban para sa pinakamakapangyarihang clan sa Eastern.

Siguradong dadanak ng dugo, ang pinakamakapangyarihan ang mananatiling nakatayo.

Ngunit, dahil sa isang pangyayari na nangyari sa tagapagmana ng Lafauci, ang buong Eastern Mafia World ay nagambala.

Agad na inaksyunan ng Eastern Mafia Boss ang pagsagawa ng solusyon para sa kapakanan ng kanilang tagapagmana, kasama na rin rito ang pagdiskubre at pag-anunsyo na ang Ernest Clan ay isang traydor sa mga Lafauci.

Tila bang naiisip ng ibang clan sa Eastern na unti-unting humihina ang Lafauci dahil sa pangyayaring iyon. Lalo na ang pagkawala ng Ernest sa ilalim nito.

Kaya ginamit nila ang pagkakataong iyon upang sumalakay at pabagsakin ang Lafauci.

Isang napakalaking digmaan ang naganap sa pagitan ng mga sumaliwat na clans sa Eastern at ng Lafauci. Ito ang kauna-unahang pinakamalaking digmaan na nangyari sa buong Mafia World.

Sa huli, ang Lafauci parin ang nanaig.

Marami ang nawala, marami ang dumating.

Dahil sa digmaang iyon, ang Eastern ay nahati sa dalawa: Ito ay ang Mafia at ang Ordinaryo.

Hindi na sakop ng Mafia ang buong Eastern.

Subalit, kahit hindi na sakop ng Mafia ang buong Eastern, ang Eastern Mafia Boss ay gumawa ng paraan upang maipabatid parin na ang Lafauci ay ang pinakamakapangyarihan sa Eastern.

Ang buhay ng Mafia at ng Ordinaryo, di nagtagal ay naipagsama, sa pagsasamang ito, tila bang normal na ang magkabilaang parte sa pagsasalamuha sa isa't isa.

Sa pagbalik ng pamumuno sa buong Eastern, mabusisi na tinitingnan ng Eastern Mafia Boss ang kabuuan.

Dahil ngayon, sigurado siyang wala nang maaring gagambala sa Eastern.

Pero nagkamali siya, dahil ang tagapagmana ng Lafauci ay nagdesisyon sa daang tatahakin nito na muling naggambala sa buong Eastern.

Akala niya'y naayos na niya ito ngunit di niya akalain na ang matagal na niyang tinatago ay bigla na lamang nakatakas at di niya na mahuli ito muli.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now