Kabanata IX

3.3K 81 24
                                    

KILL'S POV

"Tama lang ang pagdating niya." Pagsira ng katahimikan ni Ama. Papaalis na sila at sasalubungin si Die.

Madalian akong gumapang palabas, palapit na sana ako sa labasan ng lagusang ito nang makarinig ako ng pagputok sa di kalayuan.

Sh*t! Mahihirapan akong makalabas ng mansyon nito. Die, bakit ngayon ka pa sumugod rito? Sinakto mo pa talaga kung saan tatakas ulit ako.

Napahilamos ako sa aking mukha at lumabas na sa lagusan ng tahimik. Mabuti nalang at walang napadaan na mafia reaper rito.

Napangiti ako nang makita ko ang garahe, mayroong mga armas ang nakalagay rito. Kumuha ako ng isang  M4 at iba pang mga secondary weapon na maari kong magagamit.

Lumabas ako sa garahe at tumingin sa paligid. Walang mafia reapers, kaya senyales na ako'y tumakas na. Tumakbo ako ng tahimik papunta sa kaduluhang gilid na bahagi ng mansyon. Habang papalayo ako, natanaw ko si Die sa gitna ng teritoryo namin.

Napatigil ako at tiningnan siya, ano ang ginagawa niya? Parang mayroong sensor ang isang ito at napalingon siya sa bahagi ko.

Nahuli ako. Hindi maari ito. Kung makikita ako nina Ama rito siguradong di na ako makakalabas talaga ng mansyon.

May biglang pumasok sa isipan ko, sa tingin ko maganda ang planong ito.

Pumunta ako sa pwesto niya, napakunot ang noo niya sa ginawa ko. Nagbigay ako ng tamang distansya sa aming dalawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Habang tinatanong ko siya, pinagmasdan ko ang kabuuan nito, mayroong armas ba itong dala?

Siguro kinumpiska ng mga mafia reapers ang kanyang mga armas.

"Naririto ako para sa misyon ko." Ngayon, ako'y naguguluhan. Misyon? mula kanino?

"Papatayin mo na ako? Sa teritoryo pa ng Lafauci? Hindi ka talaga natatakot eh no?" Komento ko. Hindi niya ako pinansin at tumuon lamang ang pansin niya doon sa pintuan ng mansyon.

Napahawak ako sa bewang ko. "Bakit ayaw mong pumasok sa mansyon? Ikaw ang nagpupumilit sa mga reapers na pumasok, tapos aatras ka kapag papasok ka na sa mansyon?"

Napabuntong hininga nalang ako, ayaw akong sagutin nitong lalaking ito. "Ito, kung susunod ka sa plano ko, pangako ko sayo na pwede mo akong gamitin sa kung anong gusto mo." Napalingon siya sa akin. Ayan lang naman pala ang makakakuha ng atensyon niya.

"Ngunit sa isang kondisyon, sa oras na aatake ka o mayroong pagkakataon na magdadala sa akin sa kamatayan, sarili ko lamang ang susundin ko at wala nang iba." Tumango siya upang hudyat sa akin para ipaliwanag ang plano ko.

Nang maipaliwanag ko sa kanya ang lahat. Walang reaksyon ang nakuha ko sa kanya. "Siguro, papayag ka sa plano ko dahil wala kang nasabi."

Nagmasid kami sa paligid, may mga mafia reapers na nakatingin sa direksyon namin. Hindi pa kumikilos ang mga ito dahil wala pang utos mula kay Ama.

Nagposisyon kaming dalawa, kahit walang armas si Die hinanda niya ang sarili niya sa atake na maari kong gagawin.

Nang sumenyas ako, nagsimula na kaming maglaban ni Die. Binaril ko siya at iniwasan niya naman ito. Inaatake niya ako sa pamamagitan ng martial arts na natutunan niya.

Kailangan makumbinsi namin ang mga mafia reapers na kami ay naglalaban at ako ang pakay ni Die, siyempre sinabayan ko rin ang lakas na pinapakita niya, hindi ako magpapatalo.

Sa huli inagaw ni Die ang M4 mula sa akin at tinutok ito sa direksyon ko. Napansin kong nagposisyon na ang lahat ng mga mafia reapers.

"Handa ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon