Kabanata XXI

2.3K 57 0
                                    

KILL'S POV

Saktong alas-siyete tumungo na ako sa rooftop. Naririto parin yung mga guro sa paaralan kaya tahimik akong umakyat para hindi mahuli.

Nang makarating ako sa rooftop, nakita ko itong nakatingin sa tanawin mula sa itaas.

"Bakit mo ako pinapapunta rito?" Tanong ko. Lumingon ito sa akin, tumingin ito sa akin na walang ekspresyon.

Kahit kailan ay hindi ko makikita kailanman na magbabago ang ekspresyon ng taong ito.

Lumapit ito sa akin, hinawakan ko ng mabuti ang pistol na hawak ko.

Tumigil ito sa isang metro na distansya sa pagitan namin.

"Narito ako para balaan kita sa mangyayari. Higit ito sa aasahan mo, kung hindi ka handa sa mangyayari marami ang mawawala at mauulit muli ang pagkakamaling nangyari noon." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tumingala siya, dahil sa dilim na nagtatago sa kanya hindi ko makita ng malinaw ang ginagawa nito.

"Kill, hindi lahat ng plano ay nasusunod. Kaya mayroon tayong iba't ibang parte ng plano na siyang tutulong sa atin kapag di nagtagumpay ang mga nauunang plano." Naghakbang ulit siya papalapit sa akin.

"Hindi mo alam ang nangyari noong nakaraang sampung taon, kaya bulag ka sa lahat. Subukan mong imulat ang sarili mo sa katotohanan, yan ang tutulong sayo palabas sa mundong ginagalawan mo." Ano ang pinagsasabi nito? Alam ko ang nangyari noong nakaraang sampung taon, nagkaroon ng kaguluhan dahil sa mga clan na gustong umangkin sa posisyon ni Ama.

"Hindi ako bulag. Alam ko na ika'y isang kalaban simula pa lamang, hinayaan ko na manatili ka sa tabi ko dahil gusto ko malaman ang tunay na layunin mo." Napailing ito.

"Anong gagawin mo Kill kung ako nga ay isang kalaban? Una pa lang sa lahat, alam na natin iyon. Kaya kong umatake sa oras na gusto ko at ubusin lahat kayo." Napangiti ako.

"Sa oras na darating tayo sa panahon na iyon, gagawin ko ang lahat para tapusin ka. Ako'y magwawagi Die." Kahit ilang beses ko na itong sinasabi, at plinaplano parang mayroon sa akin na pumipigil na wag muna ito isagawa dahil mayroon pang mas dapat akong harapin.

"Hihintayin ko ang araw na iyon Kill. Sana sa araw na iyon hindi ka na aatras at magdadalawang isip na atakihin ako ng buong lakas." Tinutok ko ang baril sa kanya at winawagayway.

"Wag kang mag-alala, malalaman mo din ang araw na iyon kung saan ay natapos na kita at ako na ang namumuno na bilang Mafia boss sa Eastern Mafia World." Tumango ito. Ito lang ba ang sasabihin niya? Bakit kailangan niya pa itong sabihin dito sa rooftop ng paaralan?

Teka, isa kaya itong patibong?

Biglang tumunog ang hikaw namin, at narinig namin ang boses ni Soul na hinihingal. "Kill, Die? Nasaan kayo?"

Tumingin ako kay Die bago sagutin si Soul. "Bakit Soul, anong nangyari?"

"Kanina ko pang hinahanap si Death, hindi ko siya makita. Dapat ay magkikita kami nung uwian sa parking lot, ngunit hindi siya sumipot sa kitaan namin. Tumungo ako sa pupuntahan namin pero walang Death akong nakikita." Lumapit ako kay Die at hinila ang kwelyo niya.

"May alam ka ba tungkol rito?" Tiningnan niya lang ako at hindi sumagot sa tanong ko. "Sagot!" Sigaw ko.

"Kill, Die, nasaan kayo? Kailangan nating hanapin si Death baka nasa peligro siya." Binaba ko ang pagkahawak sa kwelyo ni Die.

"Narito kami sa rooftop ng paaralan." Hindi ko binitawan ang pagkahawak sa kwelyo niya.

"Anong ginagawa niyo diyan? Mabuti na rin at nandiyan kayo, kung maari subukan niyong pumasok sa security ng paaralan at hanapin sa cctv kung sino ang kumuha kay Death." Naririnig ko na sumakay si Soul sa sasakyan at pinaandar ito. "Magkita kita tayo sa hotel na pagmamay-ari namin, doon sa huling pinagstayan mo Kill. Kukunin ko ang laptop ni Death at isipin natin ang planong gagawin para mahanap si Death." Pagkatapos nun ay naputol na ang linya ni Soul.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora