Kabanata XII

2.8K 71 16
                                    

KILL'S POV

Ngayon, tumakbo na kami.

Kasulukuyang hinahabol na kami ng mga mafia reapers na ito. Wala pa ang nagpapaputok ng baril sa kanila.

Mukhang ayaw ata makuha ang atensyon ng mga mafia reapers ni Die.

Si Soul ang gumagabay sa amin, sabay naming kinasa ang mga baril namin. Mga ilang saglit, magpapaputok na sila.

Sa dulo ng dinadaanan namin mayroong mafia reaper na ang naghihintay roon. Kahit madilim ang eskinita kahit papaano nakikita ko sila.

"Soul, liko!" Sigaw ko. Sumunod naman si Soul, doon na nagsimulang nagpaputok ang mga mafia reapers.

Patuloy lang kami sa pagtakbo dahil ako ang nasa dulo, lumilingon ako sa likuran para tingnan kung nasaan na sila.

Nakaliko na rin sila. Tinulak ko ang mga bagay na nakikita ko papunta sa dadaanan nila.

Mabibigyan kami ng oras para tumakbo papalayo. Kahit naharang namin ang iba, mayroon parin ang nakaksunod sa amin.

Binaril ko ang tubo ng tubig para umagos, dahilan upang madulas ang mga mafia reaper. Lumiko si Soul sa isang eskinita at may nakasalubong kaming babae, agad namang hinila iyon ni Die at nagtago kami sa isang lumang bahay.

Nang makatago kami, narinig namin ang mga yabag ng sumusunod sa amin.

"Nasaan na sila?" Kahit nagtatago kami ngayon, alerto parin kami sa pwedeng mangyayari.

"Baka di pa iyon nakakalayo, maghiwalay hiwalay tayo." Sunod sunod na lumalayo ang mga yabag. Ngunit natigilan kami nang may sumilip sa bahay na tinataguan namin.

Tinutok ko ang pistol sa direksyon ng pintuan ng bahay na ito. Medyo madilim ang kalooban ng bahay tanging ang mga ilaw lang sa labas ang nagbibigay ng kaunting liwanag rito.

Nagsenyas ako kay Death pati kay Soul.

Biglang may putok ng baril sa di kalayuan. Agad na tumakbo ito papunta sa pinanggalingan ng ingay.

Nang masigurado naming wala nang mafia reaper sa labas, nagpahinga kami saglit. Napalingon ako kay Soul.

Yung babae na hinila namin, muntikan ko nang makalimutan.

Teka, nilapit ko ang sarili ko sa babae. "Anong ginagawa mo rito?" Napakunot ang noo ko.

"Kilala mo siya, Kill?" Tanong ni Soul.

Umiling ako. "Hindi, pero nakita ko siya sa silid-aklatan kamakailan lang." Hindi ako nagkakamali na ito yung babaeng pumasok sa silid-aklatan na may hawak na pistol.

Gulat na gulat niya kaming tinitingnan. "Nakita ko kasi siyang tumatakbo rin at muntikan na kaming magbanggaan kaya hinila ko siya kasama sa atin. May tinatakbuhan ka ba?" Tiningnan ni Soul ang mukha ng babae.

Tahimik lamang ito, kung yun ang desisyon niya, wala na kaming magagawa. Dapat hindi kami magsasayang ng oras ngayon dahil may naghahabol sa amin.

Nagsuhestiyon si Death na magpalit daw kaming tatlo damit. Ako ang punterya ng mga mafia reapers kaya mas mabuti na mailigaw namin sila sa pamamagitan nun.

Nagdadalawang isip ang babae na sumang-ayon sa suhestiyon ni Death. Buhay niya ang magiging nasa panganib kapag magpapalit kami.

Pero hindi kaya may humahabol din sa kanya? Kaya siya tumatakbo?

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now