Kabanata XXX

77 1 0
                                    

KILL'S POV

Nalaman kaagad ni Felix ang pagkatalo ni Die.

"Nagwagi ka, sana ay hindi mo pinagsisihan ang ginawa mo." Ani niya.

"Hindi ko kailanman pagsisihan ang desisyon ko, lalo na kung ito ang nararapat na gagawin ko ng walang alinlangan." Ngumiti siya. Agad niyang ipinulot ang isang spada na tumalsik kanina mula kay Die at naglabas ng M4 sa kabilang kamay niya.

Ngumiti ng nakakaloko si Felix at di na siya nagpaligoy ligoy pa na umatake.

Habang tumatakbo siya ay nagpapaputok ito ng M4 sa direksyon ko habang sa tuwing na malapit siya sa akin, ang spada naman ang ginagamit niya.

Sa malayuan M4 ang gamit niya sa malapitan spada naman ito. Maganda ang stratehiya na ginamit niya.

"Mapapasaakin din ang posisyon na Mafia Boss sa Eastern, ako ang nararapat at hindi ikaw." Kasulukuyang nakadepensa ako sa atake ng spada niya at itinulak siya ng malakas para kumawala ako.

Iniiwasan ko rin ang mga atake niya mula sa M4 nito, gamit rin ang spada ko dinedepensahan ko ang mga bala na tumutungo sa akin.

"Kapag mapapasaakin na ang Eastern, ang Western na ang susunurin ko. Sasakupin ko ang lahat ng Mafia world at tanging ako lamang ang magiging Mafia boss sa buong bahagi nito. Ako lang ang magiging makapangyarihan at malakas." Sa bawat atake niya, sumisingit rin ako ng aking mga atake. Inuna ko ang baril na hawak nito, kapag natanggal ko na ito hindi ko na iisipin ang pagdedepensa.

"Tingnan natin, sa tingin ko ay dito pa lamang mabibigo ka na. Ihahatid kita sa iyong kamatayan." Ani ko na ikinagalit ni Felix.

Buong lakas niya na akong inaatake, sunod sunod, malakas at napakabilis, habang sinusubukan kong iniiwasan at dinedepensahan ang mga atake niya, napatingin ako bigla sa kwintas na suot niya.

Napangiti ako. Ngayon, napagdugtong ko na ang aking plano.

Agad akong tumakbo palayo at nagtago. "Hindi tayo naglalaro ng tagu-taguan, Kill. Hindi mo ako malinlinlang katulad ni Die." Agad na umakyat ako sa container ng tahimik at nang nakatalikod si Felix sa direksyon ko, agad akong tumalon sa kanya.

Nakasakay na ako ngayon sa leeg niya, papuputukin niya sana ang M4 sa direksyon ko nang inikot ko ang katawan ko sa harapan niya at buong bigat kong hinila pababa si Felix para matumba siya.

Sinipa ko ang M4 niya kaagad at nabitawan ito. Agad akong lumayo sa kanya bago niya matamaan ako ng spada.

"Not bad." Komento niya. "Nasaan ang spada mo, Kill?" Agad akong tumakbo sa pinanggalingang container kanina bago ako tumalom sa kanya at hinila ang spada mula sa itaas nito.

May nilabas siya sa kanyang bulsa, ito yung likido na ginagamit ni Felix nung unang laban namin. Ibunuhos niya ito sa spada.

"Isang hiwa lang nito sayo, ilang segundo lang ay kamatayan mo na." Napamura ako sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na gagamitin ito ni Felix. Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol rito.

Umatake na muli siya, ginagawa ko ang lahat na maiwasan ang spada dahil sa isang galos lang nito sa akin mapaparalisa ako. Todo buhos ang ginagawa niya hindi siya natatakot na umatake ng umatake.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن