Kabanata V

4.1K 92 5
                                    

Nakaraang sampung taon

Noon, mayroong dalawang batang babae na magkaibigan na tila di mo sila mapaghiwalay sa sobrang lapit nila sa isa't isa, naging magkaibigan sila simula nung kausapin ng batang Sylokin ang batang Lafauci dahil sa isang pagtitipon.

Di alam ng batang Sylokin kung bakit ang batang Lafauci ay seryoso palagi na tila bang walang emosyon sa kanyang mga mata.

Gumagawa siya ng paraan para mapansin siya ng kaibigan. Ngunit sa kabila ng lahat, di pala kaibigan ang turing ng batang Lafauci sa batang Sylokin.

May kapatid na lalaki ang batang Sylokin siya ay si Molvar Ekriquor Nom Sylokin. Gwapo ngunit masamang bata ang lalaking ito.

Nagkaroon ng interest ang lalaking Sylokin sa batang Lafauci, kaya lagi nitong iniyaya kung saan-saan.

Ngunit isang araw, biglang nawala ang lalaking Sylokin at ang batang Lafauci.

Hindi alam ng batang babaeng Sylokin ang gagawin niya, tinawagan niya ang kanyang Kuya pero di ito mahanap.

Nanghingi ng tulong ang batang babae na Sylokin sa kanilang Ama.

Nagpalabas ng mga Mafia reapers ang pamilyang Sylokin para hanapin ang lalaking Sylokin.

Di nagtagal, nakita nila ito sa kagubatan malapit sa kanilang mansyon na pagod at may mga galos.

Gayunpaman, ang batang Lafauci ay walang natamong kahit ano pero mayroong kakaiba sa kanyang mga mata. Galit. Ito ang sinisigaw nito.

Simula nung insidenteng iyon ay di na nakita ng batang babaeng Sylokin ang batang Lafauci. Nalulungkot siya sa biglang di pagpaparamdam nito.

Tinanong niya ang kanyang Kuya kung anong nangyari sa kanila nung nawala sila, 'wala lang' ang tanging sabi nito.

Sinubukang pumasok ng batang babaeng Sylokin sa mansyon ng Lafauci ngunit mali ang kanyang naging hakbang.

Agad na sumalubong sa kanya ang Ama ng batang Lafauci o ang kinikilalang Eastern Mafia Boss na pinagbabantaan ang kanyang buhay sa oras na humakbang pa ito.

Inutusan nitong wag nang bumalik kailanman at ipinagbabawal na lapitan ang batang Lafauci kundi kamatayan na ang sasalubong sa kanya sa susunod. Pati ang clan nito ay madadamay.

Masakit para sa batang babaeng Sylokin gawin iyon ngunit para sa kapakanan ng kanilang clan, susundin niya nalang ito dahil tutal hindi naman kaibigan ang turing nito sa kanya.

Ngunit isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa mansyon nila. May mga dayuhang sumalakay sa kanila kaya rinig na rinig niya ang mga barilan. Takot na takot siya dahil di siya sanay sa mga bagay na ito.

Nakaupo lamang siya sa gilid ng kanyang kama habang tinatakpan niya ang kanyang mga tenga.

Biglang pumasok sa kwarto niya ang kanyang kuya, at hinila siya palabas ng mansion.

Habang tumatakbo ang magkapatid na Sylokin ay di nila napansin ang biglang pagsulpot ng batang Lafauci.

Ang unang nakapansin ay ang batang lalaking Sylokin kaya napatigil sila sa pagtakbo at tiningnan ito.

May takot sa mga mata ng batang babaeng Sylokin nang makita nito ang biglang pagtutok ng baril ng batang Lafauci.

Tumayo sa harap ng batang babaeng Sylokin ang kanyang kuya kaagad. Walang takot sa mga mata ng kanyang Kuya niyang sinalubong ang bala na ipinutok ng batang Lafauci.

Sa isang segundo ay natumba ang lalaking Sylokin at nagulat ang babaeng Sylokin sa nangyari, kaya di parin siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

Tiningnan niya ang batang Lafauci na ngayo'y ay nakangiti at umalis na parang nagawa na niya ang dapat niyang gawin.

Napaluhod ang babaeng Sylokin dahil sa takot at panginginig. Nilapitan niya ang kanyang kapatid na ngayo'y naghahabol ng hininga.

Kahit sa huling hininga nito ay nagbitaw siya ng salitang na di maintindihan ng batang babaeng Sylokin.

"Patawarin mo ko, Kill."

Nawalan na ng buhay ang lalaking Sylokin. Humagulgol ang babaeng Sylokin at napatanong siya sa sarili niya kung bakit, bakit ginawa ng kanyang kaibigan na patayin ang kanyang kuya.

Dumating na ang kanilang magulang at inalalayan ang batang babaeng Sylokin. Nagwala ng husto ang batang babaeng Sylokin dahil sa di katanggap tanggap na pangyayari, yung buhay ng kapatid na minahal niya ng husto, nawala na parang bula mula sa kamay ng tinuring niyang kaibigan.

Simula sa insidenteng yun ay nagsanay na ang batang babaeng Sylokin dahil nangako ito na sa araw na magkikita sila ng batang Lafauci muli ay sisiguraduhin niyang maipaghiganti niya ang kanyang Kuya.

Makalipas ang ilang taon ay bihasa na ang dalagang Sylokin, naging matapang na ito at palaban, nag-imbestiga siya sa mga impormasyon ukol sa batang Lafauci ngunit ang kanyang nakalap na balita ay patay na ito, nagtaka ito kung bakit namatay ito.

Lumipas ang ilang buwan nang madiskubre ng isang Mafia reaper nila ang tunay na impormasyon ukol sa dalagang Lafauci.

Nalaman nito na nagtatago siya sa isang maskara na kayang itago ang kanyang pagkatao.

Ginawa lahat ng dalagang Sylokin ang planong pagpatay sa dalagang Lafauci.

Kahit sa mansyon ng mga Herriot ay sinalakay rin nila upang mahuli ang dalagang Lafauci, ngunit nabigo sila.

Kaya sa pangalawang pagkakataon ay nagpadala siya ng mga reapers at inatasan na sundin at kunin ito, ngunit tulad ng una nabigo rin sila.

Kaya ngayon naging mabusisi na ang dalagang Sylokin sa planong paghihiganti sa dalagang Lafauci, na siyang nagpatay sa Kuya niyang minamahal at sisiguraduhin niyang sa kanyang mga kamay mamatay ang dalagang Lafauci.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon