Kabanata XVIII

2.4K 56 2
                                    

Sa isang transaksyon sa pagitan ng Northern at Eastern.

Naunang dumating ang taga-Eastern, nakakalat sa paligid nito ang mga mafia reapers at nananatili sa bahagi ng Eastern binabantayan ang kanilang amo.

Makalipas ang ilang minuto dumating ang panauhing hinihintay na mula sa Northern.

Bumaba siya sa kanyang saksakyan at sinalubong ang pagdating nito.

Bumaba din ang panauhing ito sa sasakyan at masayang sinalubong ang taong ito. "Maligayang pagbati sa iyo." Pagsisimula nito dahil ito ang pagkakataon na muli sila'y nagkita.

"Fell, alam mo naman na hindi mo na kailangang maging pormal sa akin. Nasaan ang anak mo? Bakit hindi mo siya kasama?" Agad na inuyuko ni Fell ang kanyang ulo.

"Ipinagpaumanhin ko na hindi siya makakarating ngayon." Tumango ito.

Dinala ng mga alagad ng panauhing ito ang maraming kahon mula sa kanilang sasakyan. "Narito ang mga kagamitang kinakailangan mo. Alam mo naman ang relasyon natin sa isa't isa, narito akong tutulong sayo basta't gawin mo lang ang ipinangako mo sa akin."

"Ako'y nagpapasalamat sa iyong tulong. Kung hindi dahil sayo, hindi ako makakarating sa aking kinatatayuan ngayon." Ani ni Fell.

Biglang natigilan ang lahat sa pagdating ng isang presensya na hindi nila inaasahan.

"Mukhang narito siya." Lumingon si Fell, napangiti nalang ito sa kanyang nakita.

"Patawarin niyo po ako at ako'y nahuli sa pagtitipon na ito. Mayroong misyon akong isinagawa, ang simula ng aking plano ay nagtagumpay. Masisigurado kong hindi pa tapos ang labanang iyon at patuloy akong magwawagi sa aking mga plano." Inuyuko niya ang kanyang ulo bilang paggalang rin sa panauhing ito.

"Akala ko ay nabigo ka sa iyong unang plano base sa aking nakita, mukhang nakaligtas ka ng buhay mula sa dulo ng kamatayan." Napangiti nalang ito kay Fell.

"Ama, ako ay isang Lafauci, hindi basta basta natatapos ang buhay ng isang katulad natin." Pumalakpak ang panauhing ito sa sinasabi nito kay Fell.

"Tama, hindi ko kayo inaalagaan na maging mahina lamang. Sa kapangyarihan niyo ngayon, kaya niyo nang tapatan si Seal pati ang tagapagmana nito." Tumango sila bilang pagsang-ayon.

"Gagawin namin ang lahat para matupad ang ipinangako namin sayo." Taas noong sabi ni Fell.

"Hindi ko na kailangang kumilos pa ng sobra sobra dahil nariyan kayo para gawin ang aking layunin. Hindi katulad noong nakaraang sampung taon, nasa kamay ko na ang tagumpay ngunit bigla itong nakatakas sa akin at nabigo ako. Kaya aasahan ko ang inyong magandang balita balang araw." Tumalikod na ang panauhing ito at naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.

Umalis na ito at tiningnan nila ang sasakyan hanggang sa nawala na ito sa kanilang paningin.

"Pakilagay ang lahat ng kagamitang ito sa sasakyan ngayon din." Utos ni Fell na agad namang sinunod ng kanilang mafia reapers.

Hinarap ni Fell ang kanyang anak. "Ano ang balita sa tagapagmana?"

"Kahit papaano ay napuruhan ko siya ngunit alam kong buhay parin ito. Hindi parin ako tapos Ama. Hahayaan muna natin sila isipin na ako'y patay na. Nasagawa ko naman ang aking unang plano ng matagumpay sigurado ako sa susunod na ako'y magpatuloy sa aking mga plano, ako parin ang magwawagi." Tinapik ni Fell ang balikat bilang pagsaludo sa ginawa ng kanyang anak.

"May tiwala ako sayo, Felix. Halika na at hinihintay ka na ng iyong kasintahan sa mansyon." Sumakay na sila sa sasakyan at bumiyahe na pabalik sa kanilang mansyon.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang