Kabanata VIII

3.6K 82 12
                                    

KILL'S POV

Umakyat kaagad ako sa condo ko at agad kong dinaial ang numero ni Soul.

"Hello?" Si Death ang sumagot.

"Ano na ang kalagayan ni Soul?" Diretsong tanong ko.

"Wag kang mag-alala, okay na siya." Mabuti naman at naagapan ang sitwasyon ni Soul.

Atsaka nakaligtas ako kay Death din kanina. Mabuti nalang at hindi pa niya nalalaman na ako ang nasa likod ng maskarang ito.

"Mabuti, I'll hung up." Pinutol ko na ang tawag bago pa may sasabihin si Death.

Nagshower na muna ako bago magpahinga. Magpapahinga sana ako nang may narinig akong isang pagsabog mula sa sala.

Agad akong kumuha ng baril base sa maabot ko. Nakarinig ako ng mga yabag. Lumapit ako sa pintuan at sumilip.

Natigilan ako sa aking nakita, "Ama." Si Ama ay naririto kasama ang mga Mafia reapers namin, ngayon ang araw na napagdesisyunan ni Ama na pabalikin ako sa mansyon.

"Umuwi ka na sa mansyon ngayon din!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Ama sa buong condo ko.

Sinara ko ang pintuan at nilock ito. Kailangan kong mag-isip ng ruta palabas.

"Wag na wag mo akong susuwayin, Kioreen. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas muli!" Tumungo ako sa cr at sinara ang pintuan. Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa aking kwarto.

Pinagbabaril na ng mga mafia reapers namin ang pintuan ng kwarto, napatingin ako sa bintana ng cr.

Nabuksan nila ang pintuan kaagad, ito lang ang tanging daan na makakapaglabas sa akin. Binaril ko ang bintana at nabasag ito.

Bago mabuksan ng mga mafia reapers ang pintuan ng cr, tumalon na ako sa bintana at agad na hinagis ang harness wire sa pwesto na maaring magpapalambitin sa akin at di makatamo ng pinsala sa akin sa pagbaba.

Nang makababa ako, akala ko ay makakatakas na ako, nang makita ko ang nasa kapaligiran ko——nakorner na ako nina Ama. Tsk. Planadong planado ni Ama ang lahat ng ito.

Maraming mafia reapers ang nakapaligid sa condominium at mayroong mga snipers sa di kalayuan.

Kahit ayaw kong aminin,

nahulog ako sa patibong ni Ama.

Wala akong laban sa lakas ni Ama, ibinaba ko ang baril na hawak ko at itinaas ang dalawang kamay ko.

Lumabas si Ama sa condominium at seryoso itong nakatingin sa akin.

"Umuwi na tayo, ngayon din!" Utos niya. Agad na gumalaw ang mga reapers. Pumasok na siya sa kotse niya at hinila ako ng mga mafia reapers namin papasok sa isang SUV.

Nakaupo ako ngayon sa loob ng SUV at napapaligiran ako ng mga mafia reapers. Kung magpaplano man ako ng kilos na maaring gagawin sa pagtakas habang sa biyahe na ito, parang pinaparating ni Ama na mabibigo lamang ako dahil sa sobrang higpit ng pagbabantay nila.

Nakarating na kami sa territoryo ng Lafauci, napansin kong maraming mga reapers, guards, robotic reapers at snipers sa paligid ng buong territoryo. Humihigpit na ang depensa at opensa ng teritoryong ito.

Huminto kami sa harap ng pintuan ng mansyon. Unang bumaba si Ama bago kami'y sumunod.

"Kill, anak." Salubong sa akin ni Ina kasabay ang pagyakap sa akin.

"Hell, dalhin mo iyang anak mo sa kanyang kwarto at wag mong hahayaang makatakas ulit iyan." Naglakad na si Ama papasok ng mansyon.

Pununta na sa kani-kanilang pwesto ang mga reapers.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now