Kabanata XVI

2.4K 61 19
                                    

Sa pamilyang Lafauci ay may dalawang binatang makikisig, kakaibang kaanyuan, matatalino at bulag sa kapangyarihan.

Sila ay sina Servou Epilo Acridtue Lafauci, ang panganay at si Felon Ejre Lacron Lafauci, ang nakababata.

Sila ang kilalang magkapatid na mahilig ipagkumpara. Sa mga magulang nila, si Fell ang paborito nila, dahil sa kagwapuhan, kakayanan, abilidad at pagkakaroon ng potential na maging Mafia Boss. Tila bang lahat ng gusto ng magulang sa isang anak ay na kay Fell lahat.

Si Seal ay kilala sa pagiging matalino, may angking talino na wala sa bunso niyang kapatid, mahilig siyang magdiskubre ng mga bagay bagay at dalubhasa sa pag-imbento ng mga armas at iba pang makinarya.

Akala ng lahat ay siya ang nararapat na maging Mafia Boss dahil siya ang unang anak ng Lafauci.

Madalas na nagkakaroon ng kompetensya sa pagitan ng dalawang magkakapatid, lalo na nung nalaman nila ang tungkol sa magiging tagapagmana o ang magiging susunod na Mafia Boss sa Eastern Mafia World.

Isang araw dumating ang isang babaeng mafia reaper sa pamilya. Siya ay si Hyur Erscret Lough, kilala sa pagiging ace na babaeng mafia reaper sa buong Eastern Mafia World.

Siya ay may kutis porselana, sa unang tingin mo pa lang siguradong matatamaan ka sa makamandag niyang ganda, at tulad rin ng mga tagapagmana ng Lafauci clan may kakaibang presensya siya na hindi maitatago.

Sa pagdating ni Hyur, napapansin ng magkapatid ang presensya nito. Di lamang ang presensya nito, namangha rin sila sa kakayanan na mayroon ang babaeng mafia reaper.

Di nagtagal, naging natatanging mafia reaper si Hyur ng dalawang magkapatid. Itinuring niya ang mga ito na bilang mga amo niya, na kung saan handa niyang isakripisyo ang kanyang buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang mga amo.

Nang tumagal, napapansin ng babaeng mafia reaper ang kakaibang pakikitungo ni Fell. Nagkaroon ito ng interes sa kanya, na kung saan ito ay isa sa mga taboo ng kanilang pamilya ang magkaroon ng ugnayan sa isang mafia reaper ng kanilang clan.

Pero sa huli, nagkaroon silang dalawa ng sikretong relasyon. Ngunit di nagtagal, nahuli sila ng magulang nito.

Napagdesisyunan na ng Mafia Boss kung sino ang magiging tagapagmana nung una, subalit nang dahil sa pangyayaring ito, binago niya ang paraan para matukoy niya ng buo ang susunod sa kanyang posisyon.

Ayon sa batas ng Lafauci, hindi maari magkakaroon ng relasyon ang susunod na tagapagmana dahil kailangan niya munang mapatunayan nito ang abilidad at kakayanan niya na kaya niyang pamunuan ang buong Eastern Mafia World bago iyon mangyari.

Pinaniniwalaan nila na ang pagmamahal ang siyang sisira sa lahat.

Napagdesisyunan ng pamilyang Lafauci ang isang laban. Laban sa pagitan ng dalawang binatang Lafauci, kung sino ang maiiwang nakatayo ay siyang magiging susunod na Mafia Boss sa buong Eastern.

Pinaliwanag ng magulang ng dalawang binata ang maaring mangyayari sa laban, ang kanilang paraan lamang ay harapin nila ang isa't isa.

Napagsang-ayunan na ang petsa, at sa araw na iyon mismo malalaman kung sino ang susunod na Mafia boss.

Tila bang natigilan si Hyur sa pangyayaring ito. Kung nanatili lamang siyang isang mafia reaper ng magkakapatid sana ay hindi nangyari ito. Hindi niya ibig na ipahamak ang dalawang amo niya.

Bilang isang mafia reaper ay nabigo siya sa kanyang tungkulin.

Nagpagdesisyunan niyang lumisan sa Lafauci, pero kailangan niya muna ang permiso mula sa kanyang mga amo. Kung nagpadalos dalos siyang umalis, maaring malagay siya sa blacklist ng clan na ito.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon