Kabanata XIII

2.9K 66 22
                                    

Makalipas ang isang buwan at kalahati,

Sa isang hatinggabi may mga taong tumungo sa isang magarbong mansyon, mansyon na ngayon lamang nadiskubrehan.

Sa pagpasok mo palang ng teritoryo, mararadaman mo na ang tensyon sa pagitan nilang lahat. Sa dami ng mga imbitado parang may isang importanteng pagtitipon ang gaganapin.

Ang mga tauhan ay nagmumula sa iba't ibang bahagi ng Mafia World. Mula sa Northern, Western, Southern at Eastern.

Nang makapasok sila sa loob, napamangha sila sa ganda nito na tila bang masasabi na parang isa itong palasyo sa kalagitnaan ng kawalan.

Mayroong kinakailangang kulay at klase ang susuotin sa pagtitipon na ito. Ang mga lalaki ay nakatux na itim habang ang mga babae naman ay nakaitim na dress.

Ang buong silid na ginamitan nila ay nagliliwanang at nagniningning sa ginto, ang tanging nag-agaw ng pansin sa lahat ang pinakamalaking chandelier sa kalagitnaan ng silid na gawa sa ginto at dyamante.

Seryoso lamang ang atmospera ng lugar sadyang madadama mo na ang mga naririto ay hindi basta basta na mafia clan.

Nasa kanilang sari-sariling mundo ang mga ito. Ang mga clan lamang na magkaalyansa ang siyang nagpapalitan ng salita.

Lahat sila ay alerto at hindi nila hinahayaan na balewalain ang presensya ng isa't isa dahil ang lugar na iyon ay parang isang lungga ng mga leon na naghihintay na umatake sa kanyang mabibiktima.

Nag-iba ang takbo ng atmospera nang may lumabas mula sa itaas ng grandeng hagdan. Lahat sila ay nagbigay galang dahil ang pangunahing tauhan na hinihintay nila ay naririto na.

Bumaba ang pangunahing tauhan sa hagdan, ang lahat ng naroroon ay di nila matanggal ang tingin mula sa kanya. Ang kanyang perpektong kaanyuan at presensya ay siyang nagpapahiwatig na siya ang pinakamataas sa lahat.

Nang dumating siya sa pinakababa ng hagdan, tumungo siya sa isang kulay itim na sofa na may disenyong ginto sa pinakadulong bahagi ng silid na iyon.

Umupo siya roon at ang lahat ng naroroon ay yumuko bilang pagpugay sa kanya. Itinaas niya ang kanyang red wine na baso bilang pagtanggap sa kanilang pugay.

Pagkatapos nun, bumalik na ulit sa dati ang atmospera. Mayroong sumubok na kumausap sa pangunahing tauhan ngunit di sila nagtatagal kausapin ito.

Mayroong nagmamasid at tinitingnan ang pangunahing tauhan, sinusubukang kilalanin ito. Pero wala ni isa sa kanila ang makakuha ng impormasyon mula sa kanya.

Hindi basta basta ang pangunahing taong ito.

Biglang may lalaki na nasa edad 40 ang dumating sa silid, lahat ay naalerto sa presensya nito. Tumayo ang pangunahing tauhan mula sa sofa nang makita ito at ngumiti sa lalaking bagong dating.

Niyakap nila agad ang isa't isa, doon napansin ng lahat na magkahawig ito.

Kinuha ng lalaking bagong dating ang mikropono. Inanunsiyo nito ang planong matagal nilang binuo, ang huli at ang siguradong plano na maisasagawa nila para sa kanilang tagumpay.

Ang pagkuha ng kanilang nararapat na kapangyarihan at pagbagsak sa natatanging heiress ng Eastern, gamit ang kanilang sariling mga kamay.

"Let's cheers for the new upcoming next Mafia boss in Eastern." Lumingon ang lalaking ito sa pangunahing tauhan ng pagtitipon na ito.

Nagsipalakpakan ang lahat, simula na ng kanilang pagpapakilala sa heiress ng buong Eastern Mafia World.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now