Kabanata XXV

2.8K 55 2
                                    

KILL'S POV

Nalaman ko kung saan inilibing sila, magkatabi ang kanilang puntod. Mukhang hindi na sila pinaghiwalay ng kanilang mga clan hanggang sa kamatayan.

Nakarating na ako sa kung saan sila inilibing, nang makababa ako sa kotse ay nakita kong mayroong lalaki na nakatayo sa puntod nila.

Naglakad ako at pinagmasdan ang lalaking ito. Nakatayo siya sa harap ng puntod sa kaliwa, mukhang tanging ang puntod na iyon ang siyang sadya nito.

Naramdaman nito ang presensya ko at napalingon siya sa akin. Lumaki ang mga mata ko, siya yung lalaking nakita ko sa silid-aklatan na nagbabasa ng libro ukol sa mga listahan ng ordinaryong pamilya sa Eastern.

Tumango ito sa gawi ko, naglakad ito papalapit sa akin. Habang papalapit siya ay napansin ko na hindi ito yung nakita ko, wala siyang nunal sa ibaba ng mata nito.

Sa loob ng ilang buwan na iyon ay nagbago ang itsura nito? o hindi kaya mayroon itong kakambal.

"Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang heiress ng Eastern." Ani nito.

Tiningnan ko siya ng walang ekspresyon. "Anong ginagawa ng isang hindi taga-Eastern rito?" Hindi ito nagulat sa sinabi ko.

"Dinadalaw ko lamang ang isang kamag-anak. Hindi ako nakaabot sa libing niya nung nakaraang linggo dahil may inaasikaso ako. Sa tingin ko ang heiress ay may kinalaman rin rito." Napakuyom ang kamay ko.

"Ano ang pinupunterya mo?" Hindi ko mabasa ang lalaking ito.

"I was just saying that, what is happening around are meant to be happened. Sadyang nahuli ka na, sa tingin ko ay hindi ka pa handa na maging mafia boss." Sino siya at kung makasabi ng ganyan? Wala siyang karapatan, hindi niya na alam ang lugar na tinatayuan niya ngayon? Pagmamay-ari ng Lafauci clan.

"I suppose you didn't find the truth yet, do you?" Dagdag nito. Anong ibig niyang sabihin?

"I bet you were just trying to get away sa mundong binuo ng Ama mo para sayo. Kaso hindi mo pa alam ang layunin mo talaga sa mundong ito. If I were you, you should find the truth, only yourself can find it, everyone knows who you can be but you aren't. No one will help you and you must find it yourself." Biglang may lumapit sa kanya, mukhang mafia reaper niya ito.

"She escaped." Kahit ibinulong lamang ito, narinig ko ang sinabi ng reaper.

"I'll leave now, Trevor." Umalis ang mafia reaper nito at humarap muli sa akin.

"Then, I must leave. Sana sa susunod na pagkikita natin ay isa ka nang mafia boss na inaasahan ng lahat." Naglakad na siya palayo sa akin, tumungo ako sa puntod nina Death at Soul.

Binisita nito si Soul, kaano-ano ni Soul ang lalaking iyon?

Tiningnan ko ang kanilang mga puntod. Kahit kailan talaga ay hindi sila mahihiwalay.

Pagkatapos nun ay tumungo ako sa isang lugar na kung saan ay lagi kong tinutunguhan noong nakakulong ako sa mansyon.

Pagkarating koa ay naroon parin ang paborito kong tao sa lugar na ito.

"Kill! It's been a long time." Ani nito.

Ngumiti ako ng makita ko siya, ginulo nito ang buhok ko at tinuturing parin nito akong bata.

"Bakit naririto ka Kill? Mag-iisang taon ka na ring hindi pumunta rito." Tiningnan ko ang mga baril na nakasabit sa dingding.

"Marami lang akong ginagawa, sadyang hindi madali na ang takbo ng buhay ko ngayon. Kamusta ka na, Gun?" Si Gun ang nagturo sa akin paano gumamit ng mga baril simula noong bata pa ako.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now