Kabanata II

7.4K 137 20
                                    

KILL'S POV

Gumising ako ng maaga ng di inaasahan, kasi may sumira ng pahinga ko, kay aga-aga nambubulabog kailangan ko pang i-scan kung sino man ang nasa likod ng aking pintuan bago siya makapasok sa condo ko.

High-securited ang condo ko baka kasi manakawan, salakayin, o kahit anong masamang maaring mangyari sa akin.

"Ano ba yan Kill, ang bagal! Bakit ba kasi naman high-securited ka? Marunong ka naman lumaban kung iisipin." Atat na sabi ng isa.

"Tumahimik ka nga diyan kung ayaw mo patayin kita diyan sa kinatatayuan mo." Access Scan Done, this is saved as your guest. Ani ng screen na matatagpuan sa pintuan.

"Ayan na pumasok ka na, kay aga nambubulabog." Bumalik ulit ako sa kwarto para maligo, mga ilang minuto ay tapos na ako at pinuntahan ang isa sa salas.

"Ano yan?" Tanong ko sabay turo sa dala niyang briefcase.

"Wag kang mag-alala di yan armas o kung ano man. Ito yung kasiyahan mo. Kung di mo kayang pumunta sa Southern, ito ang solusyon ng iyong problema." Ngumiti siya ng malapad na ikinataas ng kilay ko, iniabot niya sa akin ang bagay na dala niya.

"Kapag ang laman nito sa loob ay walang kwenta, lagot ka sa akin. Lalo na't ginising mo ako mula sa mahimbing kong tulog." Nilapag ko ang pistol ko sa tabi ko, agad namang pinulot ni Soul iyon at nilagay palayo sa akin

"Just incase." Nakangiti niyang sabi.

Binuksan ko ang briefcase at napakunot ang noo ko sa aking nakita?

"Ano ito?" Sabay taas ko sa mga yun.

"Hay naku Kill, akala ko ba matalino ka." Tiningnan ko siya ng masama.

"Alam kong ano ito, para saan naman ito?" Napabuntong hininga si Soul at napailing.

"Ayan yung The Destructive Mask/Mask 101. Ang mask na yan kayang itago ang pagkatao ng taong gumagamit nito kahit profile niya sa Mafia World ay di mahahanap, magsisilbi itong ibang identity o identity ng isang ordinaryo lamang. Pero gaya ng pangalan niya it can be destructive in its own way, depending sa user." Nagsmirk siya na parang tuwang tuwa sa pinapakita niya sa akin ngayon. Hindi ko alam na imbentor ang clan nina Soul ng gantong teknolohiya, akala ko ang Herriot clan lamang.

Tiningnan ko yung Mask. "Koreana? Ako ba pinagloloko mo? Isang koreana ang mask ko? Ano naman ang nainom mo at koreana ang pinili mo?"

"Actually, mas mabuti na yun kasi mapapagkamalan kang isang koreana na naging exchange student this school year. Ito diba ang gusto mo, maging ordinaryo kahit papaano? Alam kong pagod ka na sa Mafia World. Kaya ito na yung sign, wag mo na sayangin ang pagkakataon. Kung ayaw mo, babawiin ko nalang." Akma niyang kukunin ito pero pinigilan ko siya kaagad.

"Saglit, kukunin ko yan. Anong gusto mo?" Kahit alam kong bigay niya ito, sisingilin parin niya ako balang araw kapag may kailangan siya sa akin. Mabuti na ring maaga pa lang babayaran ko na siya.

Tumawa siya ng malakas. Baliw na ba tong si Soul? "Ikaw talaga Kill, ayaw mo talaga magkaroon ng utang na loob sa isang tao." Tiningnan niya yung mask at ngumiti sa akin ng nakakaloko.

"Ano?! Bilisan mo! Ayaw ko ng naghihintay, kung di ka makasagot ako na magdedesisyon sa bayad ko." Nagcross arms ako at tiningnan siya ng masama. Nagpaligoy ligoy pa siya.

"Befriend Death for me. Yan lang ang gusto ko." Ano daw? Nahihibang na ba siya? Ako? Makikipagkaibigan kay Death? Hindi ko maisip.

"Wala na bang iba? Kahit ano Soul, basta wag lang yan." Tiningnan lang ako ng seryoso ni Soul. Napasapo nalang ako sa aking noo. Seryoso talaga siya.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now