Kabanata XXIV

2.3K 54 0
                                    

KILL'S POV

Nang makalabas kami sa gusali ay nilamon na ng apoy ang kabuuan ng gusali.

Tinawagan ko ang mafia reapers namin, ito lamang ang paraan na magagawa ko, dahil ngayon sarili ko nalang ang naiwang nakatayo sa aming apat.

Dumating kaagad ang mga mafia reapers ng clan namin. "Paki-linis ang kalat na naririto." Kumilos kaagad ang mga mafia reapers pagkatapos kong ibigay ang utos nito.

Kahit tumakas ako sa mansyon, ako parin ang susunod na tagapagmana ng clan namin at ng buong Eastern. Susunod at susunod parin sila sa utos ko kahit namumuno parin si Ama.

Ibinilin ko rin sa mga na naroon ang katawan ng tagapagmana ng Herriot at Lascott, kung mayroon man silang makukuha na katawan, i-cremate ito at ibigay sa kanilang mga clan.

Kinuha ng ibang mafia reapers si Die, ipinasok sa ambulansya at dinala papunta sa ospital. Kailangang gamutin si Die kaagad dahil malubha din ang tama na nakuha niya pero kahit papaano ay buhay parin ito.

Inisip ko ang nangyari kanina, mukhang alam ni Felix na titira ako sa direksyon niya at sadyang hinagis ang granada na hawak nito na siyang sumabog kaagad nang tamaan ko ito.

Kaya napuruhan lalo sina Soul, Death at Die. Siguro nakita ako ni Felix at nadiktahan ang atake ko. Napakuyom ang kamay ko.

Naglakad ako sa paligid, nagbabasakali na baka may naiwang ebidensya sa paligid na maaring magbibigay ng impormasyon sa akin na kung saan nagpunta si Felix o maari ko pa silang mahabol.

Sa kakalibot ko sa buong bahagi ng lugar na ito, wala parin akong nakukuhang kahit ano man. Nakatakas na naman si Felix sa amin.

Tumungo ako sa kotse ni Die at nagmaneho pabalik sa hotel.

Hinagis ko ang susi sa gilid ng higaan at humiga sa kama. "Tsk." Hindi ko parin natatapos si Felix.

Isang Lafauci talaga siya, sigurado ako, parehas kaming Lafauci na mahirap patumbahin.

Masyadong pinaghandaan ni Felix ang lahat ng ito.

Papasok ako sa paaralan kinabukasan, ang paghuli kay Venus ang magtuturo sa akin kay Felix.

Gagawin ko ang lahat para makuha ang impormasyon mula kay Venus, kung magmamatigas siya, ako na ang kukuha ng kabuuang impormasyon mula kay Felix mismo.

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa mafia reaper na nagdala kay Die na nasimulan nang gamutin ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata, andaming nangyari ngayong araw na ito.

Kinabukasan, pumasok ako sa paaralan ayon sa plano ko.

Nang makarating ako sa silid aralan at nagsimula na ang klase, hindi pumasok si Venus sa araw na ito, mukhang alam nito ang gagawin ko sa kanya at iniwasan ito kung maari.

Pinatuloy ko nalang pumasok, hanggang sa matapos ang klase.

Tumungo ako sa ospital para tingnan si Die, tinanggal ko rin kaagad ang mask at nagpalit.

Ang ospital na kung saan dinala si Die ay may koneksyon kay Ama, kaya mabilis lang ang proseso sa pagpasok kay Die at pagtago nito. Tinago ko ang pagkatao ni Die para hindi magkaroon ng kumplikasyon.

Inatasan ko rin ang mga mafia reapers na bantayan si Die dahil maari itong tumakas at mawala.

Nang makarating ako sa entrada ng ospital, sumalubong sa akin ang isa sa mga mafia reaper na nagbabantay. "Ano ang kalagayan ng pasyente?" Tanong ko.

"Matagumpay ang paggamot sa kanya, nagpapahinga na siya ngayon sa kanyang silid." Sagot nito, tumango ako at bumalik na ito sa kanyang pwesto.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now