Kabanata III

5.8K 113 13
                                    

KILL'S POV

Di na ako natutuwa.

Bakit ngayon pa kasi yung unang pasok ko sa paaralan? Dapat ay gagawa ako ng paraan tungkol sa Sorrow Rose ngunit naudlot dahil sa araw na ito.

"Kill! Sigurado akong masaya ka ngayon, kasi papasok ka na sa ordinaryong paaralan, for the first time! Hindi ka na mag-aaral tungkol sa nakakabagot na Mafia World." Asar ni Soul.

Tama ang nababasa niyo, ito ang kauna-unahang pasok ko sa ordinaryong paaralan. Ang magaling na Soul, mismong nitong oras lang sinabi sa akin na ngayon ang unang araw ng pasukan.

Noong nasa mansyon pa ako hindi lamang impormasyon ukol Mafia World ang pinapaaral sa akin ni Ama, pati na rin ang pagpapahasa sa kakayanan na mayroon ako bilang susunod na Eastern Mafia Boss.

Sinusubukan kong intindihin si Ama kung bakit niya ako kinukulong sa mansyon ngunit habang tumatagal di ko na mawari ang dahilan. Kung magiging Eastern Mafia Boss man ako, bakit sa loob lamang ng mansyon ang gamay ko na tila bang limitado lamang ang aking maabot?

Tumigil ako sa pag-iisip ng may naalala ako. "Wag mo akong tawaging Kill, di ako si Kill ngayon Soul." Pagbabanta ko kay Soul.

"Chill lang Kill. Anong kotse ang gagamitin mo?" Tanong niya.

"Yung natatanging kotse na mayroon ako." Tinaas niya yung kilay niya sa akin. May gana pa tong lalaking to taasan ako ng kilay.

"Di ka naman makikilala nila niyan sa likod ng maskara mo ah. Atsaka yung paaralang papasukan mo ay ordinaryo lamang, kaya wala kang dapat ipag-alala." Nagcross arms ako. Kahit nakamaskara ako, hindi parin sigurado na ligtas ang kapakanan ko dahil simula nang makatakas ako sa mansyon ay maraming gulo na ang lumalapit sa akin.

Atsaka dapat ipag-alala? Neknek niya kamo, wala akong pinag-aalala. Dapat sila ang mag-aalala.

"Ako'y naninigurado lamang Soul, atsaka bakit mo pa pakikialaman ang gusto kong gawin? Hindi porke't sayo galing tong Mask na ito ay gaganyanin mo na ako. Baka nga walang kwenta tong Mask na ito." Pagbibiro ko sa kanya.

"Trust me kill, matagal na kaming expose dito sa ordinaryong bahagi." Sige, ipamukha mo sa akin na isa akong kulong sa mansyon. Malalagot ka sa akin Soul, may araw ka din sa akin. May kinuha siya sa bag niya.

"Sinisigurado ko lang na maayos tong binigay mo sa akin." Ani ko. Kinuha niya yung laptop niya at umupo.

"Gusto mo try ko? Wala ka talagang tiwala sa akin Kill kahit kailan." Hinarap niya sa akin ang laptop niya at diretso nitong scinan ang itsura ko.

Processing...........

Dbddkfofncnslannsflflrepfbfs

Absndjdkekfncbfnrkfflsbakapa

Kdkdlrorrjfbdlswkkdsnakalf

Jdjdodorjejeoirfjejblqpaapbeebf

Dnddjdkdkeowokddbfnwkdldndn

Ssnsndlldodkdsnkslslslssnsnnssksl

Ang lumabas sa screen ng laptop niya ay UNKNOWN.

Ito ang detalye, yung litrato na pagkatapos ako'y i-scan ay matatagpuan sa gitnang taas na bahagi. Habang ang nakasulat naman sa baba nito ay:

NAME: UNKNOWN

POSITION: NONE. NO CONNECTIONS OF THE MAFIA WORLD.

"Magaling Soul, magaling. Pero di parin dapat ako makampante, kasi di natin alam ang naghihintay para sa akin. Tama na ang kakadakdak at kailangan na nating pumasok, malalate na tayo." Agad na akong sumakay sa aking kotse pagkatapos makita ang resulta.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Where stories live. Discover now