Kabanata XIV

2.6K 61 24
                                    

KILL'S POV

Sa sobrang bilis ng panahon di ko namalayan na disyembre na pala at mamaya na ang christmas ball ng paaralan.

Normal lamang ang takbo ng pang-araw araw ko noong nakaraang buwan at kalahati. Napapansin ko na wala nang nagmamasid na mafia reapers sa akin.

Nakakapasok ako ng paaralan ng matiwasay, pero nakakapagtataka kung bakit nawala ang presensya ng mga mafia reapers na iyon.

Ano ba talaga ang pakay nila?

Nandito ako ngayon sa hotel ni Soul na nakaupo lang, kung saan nag-iisip na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gagawin.

Nagtext sa akin si Death na sasama daw ako sa kanya papuntang mall para bumili ng dress sa Christmas Ball namin.

Ang text na iyon parang hindi na ako pinapapili pa. Sasama ako sa kanya kahit sa ayaw ko o hindi.

Simula nang malaman ni Death na ako ang nasa likod ng maskarang iyon. Mas lalo niyang inilapit ang sarili niya sa akin.

Kahit anong taboy ko talaga sa kanya, ayaw niya lumayo.

Naramdaman kong tumunog ang celpon ko at tiningnan ito.

From: Death
Kill, ano na?

Napairap ako. Habang iniisip ko ang irereply ko sa text ni Death may pumasok sa aking kwarto.

"Ano ang plano mo, magmumukmok ka nalang ba diyan talaga?" Si Die, lagi siyang pumupunta sa kwarto ko kada oras. Parang takot na makawala o makatakas ako ulit sa kanya.

Hindi niya ba alam na lugar ko ito at kaya kong gawin ang gusto ko. Di tulad noong nasa bahay kami niya na tila bang kung kaya niya akong i-kulong habang buhay gagawin niya.

Magkatulad talaga sila ni Ama.

"Wala ka nang pakialam doon." Hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tinuro niya ako tapos yung pintuan. Umiling ako.

"Kung ayaw mong lumabas, hindi na ako magdadalawang isip na kakaladkarin ka palabas." Sa nakaraang isang buwan at kalahati, kahit hindi parin ako kampante kay Die. Kahit papaano, nagagamit ko siya ayon sa gusto ko.

Siya yung taga-luto, taga-hugas ng plato, parang lahat ng gawaing bahay ginagawa niya. Kung ayaw niya mawala ako sa paningin niya, mas mabuti nang ganyan siya.

Alerto parin ako ukol kay Die kasi hindi ko parin alam ang takbo ng iniisip niya. Pero si Soul, nagawa niyang kaibiganin ang isang ito kaagad.

Hindi parin ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Makalapas ang ilang minuto, gumalaw na si Die at lumapit sa akin, seryoso ata siya sa sinasabi niya.

Agad naman akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

"Kill, pumunta nalang ako rito kasi di ka nagrereply." Ani ni Death, narito pala si Soul at Death.

"Kill! Kamusta? Maiwan kami dito ni Die sa hotel, kami na bahala magbantay rito. Take your time sa pagshopping." Kinindatan ako ni Soul at inirapan ko siya. Sa tuwing naririto si Soul, umiingay ang paligid ko.

"Halika na Kill, alam kong wala ka pang dress." Bakit kasama ako? Hindi ako pupunta sa ball na iyon.

Sa huli, sumama nga ako kay Death.

Nang makarating kami sa mall, pumasok kami kaagad sa isang kilalang boutique.

"Ann, anong klaseng dress ang gusto mo?" Pinakita niya sa akin ang kulay na pink at yellow na dress.

Kasulukuyan ring suot ko ang maskara, kahit wala na masyadong gumagambala sa akin kailangan na mas maingat na rin ako dahil maraming posibilidad ang mangyayari kapag nakita nila ako.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon