KABANATA 6

5K 180 0
                                    

KABANATA 6


Tatlong araw bago pumasok sa mga klase ko. Tinamaan ako ng katamaran kaya mga tatlong araw ang pagkukulong ko sa kwarto at puro tiktok lang ang inatupag ko. And now, naglalakad na ko sa corridor na andaming estudyante na nakakalat at kung anu anong kababalaghan ang ginagawa.



May mga tumitingin sa direksyon ko. May mga naghahalikan at mga humaharot sa sulok sulok. Its kinda disgusting, sana magdikit ng matagal ang labi nila at di na matanggal pa. Ang haharot eh.



Pagdating ko sa classroom ay ibinato ko papunta sa likod na upuan ang bag ko at lumapit sa may locker ko. Pagbukas ko ay kung anu ano ang laman.



May threats, love letters , pagkain at patay na daga. 



Kinuha ko ang trashbin at pinagtatapon ang lahat ng laman ng locker ko.



Ngayon ang unang araw ko pero nakatanggap agad ako ng mga ganun. Hindi nakakatuwa.. Pano nila nabuksan ang locker ko? Pano nagkasya ang mga pinaglalagay sa makipot at maliit na locker ko?


Padabog kong ibinalik ang trashbin sa kinalalagyan nun at sinara ang locker ko. After that umupo na ko sa upuan ko dahil dumating na ang Lecturer.


Agad na nalaglag ang tingin sa'kin ng Lecturer pagkapasok palang nito. Parang bugnot na bugnot ng masilayan ang taglay ng kagandahan ko. I manage to stare back at him kaya mas nakita ang iritasyon sa mukha nito.


Inggit ata sa fezlak ko.


"May napakabait pala akong student na ngayon lang pumasok, right. Miss Siviore?" He said directly looking at me. Calling me in my mother's middle name.


I used my mother's middle name so no one would think that I'm related to them.



Mapang asar akong ngumiti at nakapangalumbabang sumagot sa Lecturer na 'to.

"I'm sorry for being kind Mr. Grim" sarkastiko kong sagot. Halatang nagulat ito sa isinagot ko ngunit agad na nagsalubong ang kilay nito.

"Are you being sarcastic to me, Miss Siviore?" Inis nang sabi niya at halatang gusto na kong lapitan.

"If that's what you think, Mr. Grim then I'm being sarcastic to you" I gave him an annoying smile.

"I'm serious, Miss Siviore. Hindi ka umattend sa mga klase mo ng tatlong araw. You're just a weak transferee. Wag mo kong bastusin kung gusto mong manatiling mapayapa ang pananatili mo sa eskwelahang ito" he said with an annoyed tone. I smirked at him..

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now