11. Queen

475 29 1
                                    

11. QUEEN


TRICIA

"Rive hurted you but you didn't bother to tell me?!" bungad sa'kin ni Jaylou ng pumasok ito sa kwarto. Lola is beside him at halatang naguguluhan. Bumangon naman ako sa kama saka nag unat unat bago pa sumagot.

"It doesn't matter anyway.. Mas malala pa ang ghouls kesa sa kanya" sagot ko saka umalis sa kama. Nakangangang tinitigan niya ko na tila ba di kapani paniwala ang sinabi ko.

"You're unbelievable" he tsked and left after that.

Wala ako sa mood ngayon na makipag usap ng matino kaya't yun na lang ang sinabi ko. Kakagising ko lang at wala sa plano ko ang mag isip ng palusot dahil tinamaran rin ako ng katamaran, idadag pa na mukhang alam narin niya.. Bakit pa ko magpapalusot di ba?

"Anong ibig sabihin ni Jaylou apo? Sinaktan ka nino? Ituro mo at papaluin ko ng dos por dos" umupo sa kama ko si lola habang sinasabi yon. Natatawa ako kung gano kacute ang reaksyon ng mukha nito.

"Wag na po kayong mag alala lola.. Okay lang po ako, sa susunod po na tangkaing saktan ako ng clown na yon, ako na po ang papalo sa kanya ng dos por dor" tugon ko saka naglalambing na yumakap sa kanya.

"Nako wag lang talagang magpapakita sa'kin ang nanakit na yon sa'yo apo. Ibabato ko sa kanya yung oven na nasa kusina"

Pareho kaming natawa ng sabihin niya yon. Ang lola ko talaga.. Kaya mahal na mahal ko 'to eh..








"This is Hana 'Snow' Tozakaki and Inarine Dariun Kim, sila yung dalawa pang member namin pero nauna silang makagraduate" pakilala ni Snow sa dalawang babae na nakatitig sa'kin.


Ngumiti ako sa kanilang dalawa saka inilahad ang kamay para makipag shakehands. Lumayo naman sa'min ang anim na naupo sa may sulok ng music room at nagsimula nang magsikain.

"Ikaw yung Hana na kasama ni Jaylou nung Cake Exhibition at ikaw Inarine.. You look familiar.. Actually dalawa kayong pamilyar sa'kin. Ako nga pala si Trija-

"Trijara Cialine Siviore Rovanov De Luca, youngest daughter of Cheshire Siviore Rovanov De Luca and Calum Dustin De Luca.. I'm Hana, nice to meet you again.. our queen.." putol ni Hana sa pagpapakilala ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ang lahat ng sinabi niya.

Kaming tatlo na magkakalapit lang ang siguradong nakarinig non. She know my parents' name and she called me Queen..

"We know you.. Queen. Buti at ligtas ka saka buhay na buhay.. Ako nga pala si Inarine Dariun pero ang pinalayaw mo sa'kin ay Inada.." pakilala naman nito.

Ilang beses akong napakurap habang inaanalisa ang mga sinabi nila.. Ngunit di pa ko nakakapag isip ng ilang segundo ay sumigid agad ang sakit sa ulo ko.

"Queen!"








THIRD

14years ago..

"Seniichi, you sure pwede na tayo rito sa Gangster Stadium?  Ten palang tayo baka pag tripan tayo ng mga unggoy na yan dito" tanong ng sampung taong gulang na si Tricia sa kanyang bestfriend na si Seniichi.

Nag aya kasi ito na bisitahin ang Gangster Stadium na kasalukuyang may nagaganap ng Gang War between two gangs.

"Di yan.. Baka nga ikaw pa ang mang trip sa kanila eh" sagot nito habang hila hila ang kamay niya. Naiiling na nilibot na lamang ni Tricia ang kanyang paningin ng madako ang pansin niya sa dalawang babae na pinagpapasa pasahan ng isang grupo ng mga gangsters.

"Seni.. Pinagtitripan sila oh" tawag pansin niya kay Seniichi sabay turo sa kinaruruonan ng dalawang batang babae.

"Madadamay tayo kung lalapit tayo sa kanila, ayaw mong mapagtripan di ba?" tugon nito. She shooked her head at inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Seniichi.

"Tricia! Come back here!" tawag nito sa kanya ngunit di niya ito pinansin. Dinampot niya ang isang sirang upuan sa sulok at walang pag aalinlangang binato yun sa grupo na agad na nahinto sa pagpapasa pasa sa dalawang bata.

Tinakbo niya ang distansya sa grupo bago pa mapansin ng mga ito na sya ang bumato. Inihakbang niya ang paa sa isang upuan na may kaunting distansya sa mga ito saka mabilis na tumalon paupo sa balikat ng isa.

"Tang ina" mura ng ng lalaking inupuan niya ng balikat.

"Masama ang paglaruan ang mga bata ng walang kalaban laban.. Mister" malamig niya saad at walang pag aalinlangang nilaslas ang leeg nito gamit ang gintong punyal.

"Jester! Tang ina, patayin niyo yang bata!" sigaw ng malaking lalaki hudyat na kumilos ang mga kasama nito. Umalis sya sa lalaking matutumba na at mabilis na pumunta sa likuran ng malaking lalaki na huli nang makapagreact ng saksakin niya ang likuran nito kasabay ng pagpilipit sa leeg nito.

"L-leader" halos hindi makagalaw ang mga lalaking kasama ng malaking mama na ito. Hindi makapaniwala na ganun lang kadaling binawi ng isang bata ang buhay ng pinuno nila.

"Run.." nakangising usal niya.

Nagtakbuhan naman agad ang mga ito palayo sa kanila.

"Ayos lang ba kayo?" malambing na tanong niya sa dalawang babae na kapwa gulat sa nangyaring pagpaslang sa harap nilang dalawa.

Idagdag pa na kaedad lang nila ang gumawa nun.

"Don't worry.. Hindi na nila kayo gaganunin. I'm Trijara Cialine, by the way" nakangiti parin niyang pagpapakilala. Kumaway pa sya ng marahan bago tumalikod at pupunta sana sa pwesto ng bestfriend niya ng tawagin sya ng dalawa.

"Trijara Cialine, We want to be like you!"



Back to present

"Hana.. Tama na ang iyak" pag aalo ni Yorun kay Hana na hindi parin tumitigil sa pag iyak. Nang mawalan ng malay si Tricia sa sobrang pag sakit ng ulo ay tinawagan ng dalawa ang House of Cards at pinaalam ang nangyari. Kanina pa iyak ng iyak si Hana dahil sa naramdamang sakit ng makita na nasa ganuong sitwasyon si Tricia.

"She's really important to us, Yorun.. Lalo na kay Hana kaya ganyan sya. Hayaan mo lang muna sya Yorun" malungkot na pagkausap ni Inada kay Yorun.

"Hey.. " tawag ni Jigs sa kanyang kasintahan na halata ring apektado sa nangyari sa kanilang kaibigan.

"I'm fine.. Hon, I'm just worried don't give me that look" pilit ngiting sabi ni Inada kay Jigs at marahan pang pinisil ang pisngi nito. Nakangusong yumakap naman si Jigs..


"I miss you.. May isang buwan rin kayo sa New York" bulong ni Jigs rito.


"I miss you too" tugon ni Inada at niyakap ito pabalik habang nakatitig parin sa walang malay na si Tricia.

Notorious Queen (C)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora