Kabanata 28

2.1K 92 5
                                    

KABANATA 28


Isang araw ang lumipas at natuloy na nga ang CER. Nasa iba't ibang uri ng entrance ang mga grupo. Halata sa mga ekspresyon ng bawat estudyante ang kagustuhang manalo at tumaas ang kanilang ranggo.

Nasa dulong bahagi ng maze ang grupo ng ReDeath. Grupo na pinamumunuan ng pinakamakapangyarihang babae sa tatlong isla. Seryoso ang mga mukha ng mga kagrupo niya ngunit halatang minamaliit lamang nito ang maze. Para sa mga ito ay wala nang mas nakakatakot pa sa galit ng kanilang pinuno.

"READY"

Pumosisyon na silang anim, mahigpit na hawak nila ang mga sandata. Ang kaninang seryosong mga mukha nila ay agad nawalan ng emosyo.

"GO"

Dali daling tumakbo papasok ang anim sa maze. Their senses are alert, kahit anong kaluskos ay pinatatamaan nila ng kanilang sandata.

"Let's go to the west" utos ni Tricia, nagpatiuna namang tumakbo ang lima at nagpahuli si Tricia. Nagmamasid habang nagmamadali sa kanilang pagtakbo.

"Duck!" sigaw niya kaya't sabay sabay na nagpadulas payuko ang lima, ganun din ang ginawa niya pagkatapos at sinaksak niya ng katana ang makina ng laser na dapat ay hihiwa sa kanilang parte ng katawan.

Nagpatuloy sila sa pagtakbo at napahinto lang ng bumungad sa kanila ang napakalaking aso. Matatalas ang kuko, mahahaba ang pangit at apat na doble ata ang laki sa pangkaraniwang aso.

Kulay pula at nanlilisik ang mga mata nito.

"Inada, Mariko, Hana... Go behind the dog. Eros and Seniichi let's go and attack in front"

"Aye aye!" mabilis na umaksyon ang tatlong babae. Dali dali silang tumalon pataas at nagpunta sa may likuran ng aso na agad namang naalerto. Nauna namang sumugod paharap ang mga lalaki saka sya kumilos.

She took out two arrows and immediately shot the eyes of the dog by the bow. Her club is archery, she's required to used bow and arrow as a weapon unlike the five who chose their own.

Kumuha pa sya ng isang palaso na bomba ang dulo tsaka pinatamaan ang bibig ng aso ng tumahol ito. Napaatras ang tatlong babae munit ng senyasan na niya ito ay agad na itong umatake.

Si Eros ay dinedepensahan na sya kaya patuloy lang sya sa pagpapatama ng palaso. She's a sharp shooter, walang pumapalya sa mga tira niya.

Sina Inada ay inatake ang likurang bahagi nito gamit ng mga espadang hawak. Pinaatake niya na rin ang dalawang lalaki at pinatapos na sa mga kasama ang nanghihinang aso.

Nang matalo nila ito ay naging maliit itong tuta, napangiti sya at dinampot ito. Mukhang maamo naman ang tuta, kulay itim at brown ang kulay nito.

Inilagay niya sa kanyang balikat ang tuta saka sila kumilos papunta sa panibagong lilikuan. Munit hindi na ito isang aso o anumang hayop.

Kapwa na nila estudyante at ito ang grupong nangharang noon kay Tricia. Ang mga estudyanteng matataas ang tingin sa sarili.

"The bitch is here" ngumisi ang babae sa unahan. Walang anu ano'y umatake na ang mga kasama nito. Walo sila sa grupo at puro lalaki ang myembro.

"Kami na ang bahala rito Queen" usal ni Seniichi, ngumiti lang si Eros at humanda narin sa pakikipaglaban.

"Ang panget na yon ang puntiryahin niyo wag yung uod niya!" sigaw ng babae ng makipaglaban ang grupo niya kina Seniichi, silang apat na babae ay umupo lang sa likuran ng dalawang lalaki at pinanuod ang laban.

"Ang gwapo naman uod ni Eros" bulong ni Mariko.

"Mukha nga syang langaw" si Hana

"Kala mo naman ikinaganda niya yang pink na buhok" si Inada. Napapailing nalang sya sa sinabi ng mga kasama.

Mabilis na natalo nina Seniichi ang grupo na yon kaya agad silang nagtungo sa kanang bahagi. Naglalakad na lamang sila, pinakikiramdaman ang pag galaw ng bawat nilalang sa loob ng maze.

"Fvck!" mura ni Hana ng may humila sa kanyang paa. Napatingin silang lahat rito , may galamay na humihila kay Hana pailalim sa maze. Tinira ni Tricia ng palaso ang galamay at agad na hinila pataas si Hana.

Dahil sa nangyari ay mas rumami pa ang sumulpot na galamay. Nagkatinginan silang anim bago sabay sabay na tumalon pataas. Tinira niya yon ng palasong may bomba kaya't isa isa silang napatalsik sa impact.

Bumagsak sya sa isang parte ng maze na maraming bulak. Nilinga niya ang paligid at di maiwasang mapamura ng mag kahiwa hiwalay sila.

"Wrong move talaga ang bomba" she muttered at tumayo na.

Sa kabilang banda ng maze ay malapit na sa kalagitnaan ang grupo ni Jaylou. Agad na nasambot ni Jigs ang bumulusok pababa na si Inada.

"Aww" nakagat ni Inada ang labi sa sakit ngunit agad syang tumayo ng mapagtanto kung saan sya dinala ng pagsabog.

"Jigs?" usal niya, ngumiti lang ito at inalalayan sya tumayo.

"Anung nangyare?" tanung sa kanya ni Jaylou. Halata ang pag aalala sa mukha nito.

"Masyadong malakas ang bombang palaso ni Que-ni Tricia, talsik ang grupo namin. Di ko alam kung san na napunta ang iba" nakangiwing sagot niya.

"Ayos lang ba sya?"

"Di ko alam pero tingin ko ayos lang, si Tricia naman yun"

NAGLALAKAD na papunta sa kung saan si Tricia, wala pa syang dead end na napupuntahan kaya sigurado sya tama ang dinadaanan niya.

Pag may kalaban syang nadadaanan ay agad niya tinitira ng palaso. Awtomatiko rin namang nalalagyan ng palaso ang lagayan kaya't di naman sya nauubusan.

Tiningala niya ang board na nasa itaas ng maze, grupo na lang niya, ni Jaylou at isa pang grupo ang nasa maze. Marami narin syang nakalap na points sa pagpatay ng mga hayop at paglampas sa mga patibong.

Nangunguna ang grupo nina Jaylou sa mga individual points, pumapangalawa ang grupo niya. Laking pasalamat na lang talaga niya at wala pang nababawas sa grupo niya dahil malaking kawalan yun kapag  may nabawas ni isa sa grupo niya.



"This will be long, I just hope..na wala sanang kampon ni Jarod ang sumira sa paligsahan" bulong niya hangin

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now