Kabanata 27

2K 96 4
                                    

This Kabanata is dedicated to JeramayJagonal, salamat po sa walang sawang pagbabasa at pag vote. Lagi po kayong laman ng Notifs ko maraming salamat po 🤗❤️

KABANATA 27

Chesire's POV (Tricia's Momma)

"Tingin ko, nakuha ni Jarod ang formula sa dating lab ko. Its a false formula at hindi ko akalain na kaya niyang gawing posible ay dati'y hula ko lang" mi Eros, Calum said.


"Jarod is too smart, idagdag pa ang asawa niyang si Luisa. Kaya posible talaga mi eros" saad ko. Bumuntong hininga ang asawa ko at yumakap sa bewang ko.


Yumukyok sya sa dibdib ko at mas hinapit pa ko sa kanya.

"I don't know what to do.. Kung di ko lang ginawa ang formula na yon ay baka normal na tao lang ang makakalaban natin" he murmured. Hinagod ko ang likod niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"Kung nagawa mo yung formula, makakagawa ka rin ng antidote."

Tiningala niya ko at nangungusap ang matang tinitigan ako.

"Di ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Je' taime Mi Reina"

"Je' taime"

Natulog na sya sa dibdib ko habang ako ay nakatulala lamang sa kisame. Tricia isn't normal too pero kahit may abilidad sya na imposible sa ordinaryong tao. Natatakot parin ako na mapahamak sya sa gera, lalo na't nasa tabi niya si Jaylou na alam kong nagpaplanong tapusin ang buhay niya..


Nalaman ko yun ilang araw matapos ang nangyaring pagtitipon. Sinabi sa'kin ng anak ko. Alam ko na tinanggap na niya na mamamatay sya pero kami ng pamilya niya ay hindi..


Baka mauna ko pang patayin si Jaylou kapag pinagtangkaan niya anak ko..

Tricia's POV


Bawat araw ay mas gumagaling ang mga estudyante. Tatlong linggo na ang pasok at mukhang masaya naman ang lahat sa resulta ng training at pag aaral nila. Kanina lang ay inilabas na ang grades at rank. I replaced, Jaylou as the Rank One pero sya parin ang emperor.

Pag nagpatuloy pa ang pagttraining, pwedeng walang malagas sa mga estudyante at mapagtatagumpayan namin ang gera.


Ngunit wala parin namang nagiging kilos ang kampo nina Tito Jarod. Naging tahimik ang kampo nila sa mga nagdaang buwan marahil siguro sa nangyari noon sa Ground Zero.

Iwinasiwas ko ang hawak kong kahoy na espada matapos kong talunin sa sword fight si Seniichi, hinamon niya ko kanina lang para siguro magpasikat sa lalabs niya si Mariko pero di naman sya umubra sa'kin.

Ibinalik ko sa lagayan ang kahoy na espada at nakapamulsang umalis ng battle arena. Yeah.. May battle arena na para sa'ming mga estudyante. Dun kami madalas maglaban sa kahit anong oras na gugustuhin namin.

Marami narin kasi kaming oras dahil seven and a half hour lang ang ginugugol namin sa pagpasok. Mas naging abala sa pagpapalakas at pag gala ang mga estudyante dahil may ipinatayo ring mall si Momma. Para daw habang abala sa pagpasok ay may may lugar na mapaggagalaan ang mga estudyante.

"Dapat pinadapa mo si Seniichi" bungad ni Mariko ng makalabas ako ng battle arena. Ngumiti lang ako at nilingon si Seniichi na may bangas na naman sa mukha.


"Maiwan ko na kayo, iniintay na ko ng boyfriend ko" paalam ko at inilingkis ang braso ko sa katawan ni Jaylou ng makalapit ako.

"Sige, sa mall lang kami"

Tumango lang ako at inaya na si Jaylou na magpunta sa botanical garden.

"Anong balita sa operasyon niyo?" tanong ko sa kanya ng makaupo ako sa swing. Idinuyan niya naman ako kaagad saka niya ko sinagot.

"Ganun parin, puro autopsy lang at puro pag iimbestiga." sagot niya. Tuwing sabado't linggo kasi ay umaalis ang House Of Cards para tumulong kina Momma sa pag iimbestiga. Nagpupunta sila minsan sa kuta nina Tito Jarod at palihim na kumukuha ng impormasyon.


"May improvement naman ba?"

Tumango sya.

"Meron, sa mga bangkay na nakukuha namin ay kumukuha ng blood sample si Tito Calum, yung mga bangkay na bago palang namatay. He's making an antidote pero mas epektibo daw yun kung isang buhay na sample ang kukuhanan niya. Nagpaplano na nga sina Tita kung pano manghuhuli ng buhay na hybrid para magawan ng mas epektibong antidote"

"Para san naman ang antidote?"

"Hindi ko rin alam, para mapigilan siguro ang plano ni Jarod"

"Hmm.. Mag iingat ka lang palagi kapag nag iimbestiga kayo.. Mainit din ang mga mata ni Jarod sa'yo at baka kunin ka nila sa'min"

"Mag iingat ako.. At kung mahuli man ako, hindi ko hahayaan magamit nila ako."

"Wag kang magpapahuli, gigilitan talaga kita pag nahuli ka"

He chuckled. "Oo naman, takot ko lang sa'yo no"

We talked and stayed in the Botanical Garden hanggang sa abutin kami ng paglubog ng araw.  Sunset were there, looking at us and cherishing our smile and laugh together.

I just wished na sana pag natapos ang gera ay magbago pa ang isip ni Jaylou. Hangga't maaari sana magbago dahil gusto ko pa syang makasama ng matagal, mapakasalan at bumuo ng pamilya.

Kung normal lang siguro ang buhay namin at wala sa bokabularyo namin ang pagpatay edi sana ay puro puso na lang namin ang problema.

Kinabukasan ay agad kaming nagpunta sa auditorium. Ngayon na iaanunsyo ang pagsisimula ng CER. Katabi ko ngayon ang mga kagrupo ko. Sina Seniichi, Inada, Hana, Mariko at Eros. Makakalaban na naming ang grupo nina Jaylou, ang House Of Cards..

"Goodmorning Ladies and Gentlemen! Ito na ang araw ang pagsisimula ng labanan ng bawat grupo. Excited na ba kayo?!

"YEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH"

"HOUUUUSSSSEEEEE OOOOFFFFFF CAAAAAARRRRDDDDDSSSSSSSS"

"CHAAAAAAAAOOOOOSSSSSSSSSSSSSS"




"CHAAAAAAOOOOOSSSSSS UNIVVVVVEEEERRRRRSSSSIIIIIIIIDDDDDAAAAADDDD CHAAAAAOOOOOOSSSSSSS UNIVVVVVVVEEEEERRRRRRSSSSSSSIIIIIDAAAAAAADDDDDDDDDDDDDDDDDD"

Nag sigawan na ang mga estudyante at masayang kinanta ng paulit ulit ang 'Chaos Universidad'

"Okay.. Chill lang muna.. Ipapakilala pa namin ang mga grupong lalahok sa CER"

"HOOOOOOOUUUSSSSSSEEEEEEE OFFFFFFF CAAAAAARRRRRRDDDDDDDSSSSSS"

"RRRRREEEEEEEEEEEDDDDDDEEEEEEAAAAAATTTTTTTHHHHHHHHH"

Malakas na sinigaw ang mga pangalan ng grupo namin ni Jaylou. Ang House Of Cards at ReDeath.

"Kilala niyo na ata eh"

"DDDDDDDIIIIIII PAAAAAAAAAA"

"Okay okay, mamaya na ang cheer masyado kayong hyper naloloka ako" natatawang pigil ng host.

"Please welcome House Of Cards!" nagsitayuan ang sina Jaylou at umakyat sa stage.

"ReDeath!" umakyat narin kaming anim. Inirapan ko pa si Jaylou na ngumingisi pa sa'kin. Pinaakyat narin ang apat pang grupo na kasunod namin.

"Long time, no see emperor. Anong pakiramdam na makakabalan mo pala ang girlfriend mo?"


Ngumisi muli si Jaylou at ang ang loko loko ay nagflying kiss pa bago sumagot sa tanong ng host.

"Masaya at the same time natatakot. Malakas kasi ang girlfriend ko at baka hindi ako makahalik sa kanya kapag napasama ang atake ko"

Sinamaan ko sya ng tingin. Masusuntok ko talaga sya mamaya.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now