Kabanata 14

3K 120 1
                                    

KABANATA 14

→Next Day←

I didn't expect that the school will be chaotic like this, every student exept for the house of cards and me, have leave the school for their safety. Maraming nangyari kahapon at kahit na marunong makipaglaban ang mga estudyante ay hindi naman nila kayang tapatan ang mga bomba. Dumating kaninang madaling araw si Seniichi, Inada at Hana dahil si Mama ay gustong lutasin ito ng mas madalian. At ngayon nandito kami sa unit ni Jaylou na kalapit lang pala ng unit ko. Ang building kasi kung nasan ang mga unit ay wala namang sira at natamong pinsala.

"Before I introduce you to each other, First I want you to know your upcoming mission" panimula ni Tito. Tumango naman kaming lahat sa sinabi nito.

"Two days from now, ipapadala namin kayo sa Underground Island. Tricia will accompany you there so as this three," isinenyas nito sina Seniichi. "Nalaman namin na nasa Underground Island ang kuta ng puno't dulo ng lahat ng ito. Alam lang namin ang lugar munit kung sino ay hindi namin alam kaya't mas makabubuti kung mag handa kayo" pagpapatuloy ni Tito

"Bakit kasama si Tricia, headmaster. New student palang sya at baka mapahamak-

Pinutol ni Seniichi ang sinasabi ni Raven.

"Hindi sya isasama kung hindi niya kaya Mr. Montevista" malamig na turan nito. I rolled my eyes secretly. Naglalamig lamigan na naman ang hinayupak.

"Seniichi is right, Raven. Wag kang masyadong mag alala. The owners of the school are the one who trained her since she was a child. At malaki ang maitutulong niya lalo pa't kabisado niya ang pasikot sikot pati na ang secret path na meron ang Underground Island" si Tito, his voice sounds so proud.

Tiningnan ako ng pito samantalang ang apat ay pangisi ngisi lang sa tabi ko.

"You didn't tell us" nakangusong sabi ni Jigs.

"Di rin naman kasi kayo nagtanong" sagot ko. Napapailing ngunit napapangiti ang mga ito.

"I want you all to move in Siviore Mansion. Matututukan kayo ng mga kapatid ni Tricia dahil madalas din sa mga misyon ang mga kapatid niya. And please Jaylou.." Tiningnan ni Tito si Jaylou na agad na napatingin sa kanya. "Wag mong papasukin ang kwarto ni Tricia tulad nitong mga nakaraang araw kung gusto mong sikatan ng araw"

"W-what? Pinapasok mo ang kwarto niya Hakob?!" Bulalas ni Hostine, he's one of the House Of Cards at sa pagkakatanda ko ay sya ang primary offense ng grupo.

Tumango lang si Jaylou na parang simpleng tanong lang ang tinanong sa kanya. Nakakangangang nilingon ako ni Seniichi. I raised my hand in surrender.

"Ayos na kami, chill ka lang" pilit akong ngumiti dahil nakita ko ang saglit ng pagdilim ng mukha nitong si Seniichi.

"As I was saying lilipat kayo sa Siviore mansion for a two days preparation. Kahit wag na kayong magdala ng damit basta isama niyo ang sarili niyo. Maliwanag ba?"

"AYE AYE!"

-

Pagkatapos ng meeting ay napag pasyahang naming magkanya kanya muna. Binigyan ng tig isang mga unit sina Inada. Si Jaylou naman ay sumama sa'kin pabalik sa unit ko.

He's surfing in netflix while i'm doing my best to cook. Pagprito kasi ay wala akong talent pero kapag yung ulam na may sarsa or kung korean food ay madali na lang sa'kin. I'm cooking some japchae. Dinamihan ko din dahil dadalhan ko ang mga kasama namin sa kanilang mga dorm.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now