7. Histoire D'amour

662 44 2
                                    

7. HISTOIRE D'AMOUR

TRICIA

(A/N:Binalik ko na sa dati ang name niya since alam na niya na ang pangalan niya ay Tricia , please don't be confuse)

"Lola, you'll come with me.. Sa bago kong school, gusto niyo po ba yon?" pinantayan ko si lola, namumungay ang mga matang ngumiti ito sa'kin.

"Oo naman apo, basta kasama kita" sagot nito.

"Tara na po?" aya ko ng may ngiti sa labi. Tumango ito at humawak sa'king kamay. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa limousine na nasa harapan ng apartment. Bumaba ron si Jaylou at ito na ang umalalay kay lola. He's staring at her softly,

"Kayo po ba ang nag alaga kay Tricia magmula nung mawala sya?" he asked her softly ng makasakay na kami ng limo.

"Oo iho.. Aba eh napakabait naman kasing bata at lola talaga ang turing sa'kin eh"

Tito Victoire glance at me after hearing what she said. Nasa shotgun seat ito sa harap, katabi ng Driver.

"Nako lola, hindi talaga mabait yang si Tricia" pananabla ni Tito kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin.

"Anong hindi? Eh sya na nga ang nagtrabaho para sa'ming dalawa.. Alagang alaga pa ko"

Nginisian ko si Tito dahil sa isinagot ni Lola, may tagapagtanggol ako no, tagapagtanggol na nangungurot ng singit.

"Talaga po La? Tricia alaagaan mo naman ang puso ko oh" hirit ni Jaylou. Sinamaan ko lang ito ng tingin kaya't napahalakhak na lang ito. Naiiling na binaling ko ang atensyon sa labas ng bintana. Nakikipag usap ang dalawa kay lola, it made me calm na humahalakhak din si lola sa mga biro ng dalawa.

"San nyo po ba natagpuan si Tricia Lola..?" rinig kong tanong ni Jaylou.

"Sa may parke malapit sa'min.. Walang malay at kung ano ano ang nakakonekta sa katawan" sagot nito na nagpatigil sa'kin sa pagbibigay atensyon sa paligid.

Nakakonekta sa katawan ko? Hindi yon nabanggit sa'kin ni lola noon pa. Ang tanging alam ko lang ay sa parke ako nakita ni lola.

"Kagagawan yon ni Calum, Tricia's Father.. He revived her and now she's alive and kicking" si Tito.

So my father's name is Calum, what about my mom? And my father revived me? I was in my near death or I'm already dead when that happened?

Nagkwentuhan pa sila.. Hindi ko na lang pinakinggan at nadadagdagan lang ang kalituhan ko. Umangat ang sasakyan at dinala nun kami pataas.. Pataas sa isang isla na nakalutang, kung di ko pa nabasa ang pangalan ng eskuwelahan sa gate na sumalubong sa'min ay aakalain kong kastilyo iyon at hindi eskuwelahan.

"Nandito na tayo.. You ready?" Jaylou asked me as he trailed his fingers on the curls of my hair. I nodded and wait for the car to park.

When we went out.. The students gathered and bow down.

"Hail to the King of Three Islands"

"Welcome back King Jacob and Headmaster Rovanov"

Nilingon ko si Jaylou.. Hindi ito bumati pabalik at pinalibot ang braso sa bewang ko. We walked ignoring those suspicious stare given by us. Lola and Tito are still talking to each other.

"San tayo pupunta?" Tanong ko ng sumakay kami ng elevator.

"Sa unit niyo ni lola, mas maiging magpahinga na muna kayo. Bukas ka na pumasok tutal linggo naman ngayon" Jaylou answered.

Linggo pala ngayon.. Its the end of my leave sana kung hindi ako nagresign. Kahapon ay grabe ang iyak nina Ira nung malamang lalayo ako para mag aral sa isang boarding school. They said na mamimiss nila ko lalo na ang mga cakes na gawa ko.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now