Kabanata 23

2.6K 111 14
                                    

KABANATA 23


'Tricia, humiwalay ka sa kanila kapag nakauwi na kayo. Kailangan mong magpakita sa pagtitipon bilang nagmamay ari ng trono'

Hinilot ko ang sentido ko ng maalala ko na naman ang text ni Momma. Bago pa kami makasampa sa submarine ay tinext niya na ko para ipaalala ang dapat na gawin ko. Ano namang palusot ang sasabihin ko para makaalis gayong kakadaong lang ng sinasakyan namin.

"Tara na wife" aya ni Jaylou at hinawakan ang pulsuhan ko. I sighed at nagdesisyon lumabas na ng submarine.


Agad kong natanaw ang sasakyan ko sa di kalayuan. Katabi nun ang van na dapat na sasakyan ko kasama sina Jaylou.

"Hubby.. Hihiwalay na muna ako sa inyo, may importante lang akong gagawin" saad ko bago pa ko hilahin nito papasok ng van. Kumunot ang noo niya at muling bumaba.

"Bakit?? Mas importante pa ba sa pagtitipon ang gagawin mo?"

Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Mas importante, hindi ko rin pwedeng ipagpaliban dahil baka wala na kong abutan"


Bumuntong hininga sya at pinatakan ng halik ang labi ko saka ako niyakap.

"Basta mag ingat ka" he muttered.

"Oo mag iingat ako, ikaw rin. Goodluck sa pagtitipon okay?"



He hummed at sumakay na muli ng van. Kumaway pa ko bago niya isara ang pinto tsaka ako naglakad palapit sa sasakyan ko. Naramdaman ko pa ang nakasunod na tingin ni Jaylou na para bang inihahatid ako patungong sasakyan.

Binuksan ko ang pinto ng Bugatti Veyron ko at kinuha ang susi sa bag ko na palagi kong dala. Naunang umalis ang van at sumunod narin ako. Mabilis ang pagmamaneho ko at ng makita ko ang shortcut ay pinaharurot ko pa ang kotse ko para malampasan ang van.

Kailangan kong mauna sa kanila dahil maghahanda pa ko para sa pagtitipon.

Jaylou's POV

Some of us were stunned nang magawa kaming lampasan ni Tricia ng ganun ganun lang at mabilis ring nawala ang sasakyan nito sa paningin namin. Dapat akong mag alala dahil higit 140kph ang pagpapatakbo niya ngunit di ko maiwasang mamangha dahil ang astig tingnan.

Kung di ko lang siya kilala ay mapagkakamalan ko syang drag racer na naligaw ng ruta at malupit kung magpatakbo ng sasakyan. Idagdag pa na sports car ang bugatti.

Huminga ako ng malalim at itinuon na lang sa labas. Kinakabahan ako na baka biglang magising si Kyle dahil sa galit namin kay Queen baka kung ano na lang ang hakbang na gawin niya.

I want to be strong like my wife, gusto kong makontrol ang persona ni Kyle. Kung kay Tricia na may apat na persona ay kayang kontrolin malamang ay kaya ko rin. Isa lang si Kyle at nabasa ko na kung malakas ang main persona ay walang talab ang other persona.

It may be difficult pero kakayanin kong pigilan si Kyle pati na ang sarili ko sa pagtangkang pagpatay sa Queen.

"Andito na tayo"

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking dome. Sinulyapan ko ang mga kasama ko, seryoso ang mga mukha at di mo mahahalatang kinakabahan.

Pumasok na kami, iginaya kami ng isang babae sa isang mahabang mesa ng ilang tao ang pwedeng pumwesto. Umupo na kami sa upuan na nakaassign sa'min at inintay na magdatingan ang iba pa.

Napapalunok pa ko sa twing may papasok na mga mafia clan, mga clan na naitala na pinakatuso at makapangyarihan sa buong mundo. At ang De Luca Clan ang pinakamakapangyarihan, pinakatuso at pinakamagaling sa larangan ng pakikipaglaban at negosasyon.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now