4. Subtitute Teacher

781 54 0
                                    

MY NOT SO ORDINARY EX WIFE
book 2
BEWARE: THE QUEEN IS AWAKE

4. SUBTITUTE TEACHER

KHEN DOLLY

We won the prize. We've got sponsors at maraming gustong magfranchise sa coffee shop namin matapos ang naganap na exhibition. Nung araw din yon ay di na bumalik si Eros at tanging dalawang judge lang ang nakabalik pagkatapos ng kanilang pag uusap. Ira gave me a whole week day off dahil daw sobrang dami ko nang ginawa makalipas ang dalawang linggo.

No work with pay parin naman kaya tinanggap ko agad. Mas pinagtuunan ko naman ang pag aaral ko pati na si Lola na miss na miss ako.

Kanina ngang umaga ay tuwang tuwa ng maabutan akong nag aalmusal. Bihira kasi akong mag almusal nitong nakaraang mga linggo dahil sobrang aga ko rin kung pumasok. Pinugpog pa ko ng halik sa pisngi bago ako umalis para umattend ng klase.

She missed me a lot as I miss her. Naiintindihan naman ni lola ang ginagawa ko dahil para sa'ming dalawa ito ngunit wag daw sana sa puntong pinapatay ko na ang sarili ko.

"Good morning Kendall!" bati sa'kin ni Kate ng pumasok ako sa classroom. Nginitian ko ito bago ako dumeretso sa may lagayan ng phone at isinuksok kung san nandon ang apelyido ko.

Ang babaeng bumati sa'kin kanina ay nakaupo sa likuran ng upuan ko. At yung seatmate ko naman ay si Jerlyn, sobrang puti at maliit.

Nasa pangatlo sa hulihang row ang pwesto ko. Tabi lang ng pader at katapat lang ng aircon. Yung mga classmate ko na malapit sa'kin ay ang madalas kong kasabay sa recess at sa pag uwi.

"Goodmorning" bati ko sa mga kaibigan ko ng makaupo ako at mailapag ang bag ko sa sahig. Bawal kasing maglagay ng bag sa upuan, nasa protocol.

"Mukhang may maayos na tulog ka ah, hindi namimintog ang eyebags mo" nakangising sabi sa'kin ni Rea. Ngumisi rin ako at pinindot pa ang ilalim ng mga mata ko.

"May eyebags o wala cute parin ako" biro ko at nagflip pa ng buhok.

"Parang lumakas yung aircon"

"Payakap nga baka maging yelo ako"

"Imahinasyon mo Kendall"

Inirapan ko lang ang mga ito dahil sa mga komento nila kaya agad itong bumunghalit ng tawa. Ayaw lang nilang maniwala na cute ako eh.

Ilang minuto pa kaming nag kwentuhan bago tuluyang dumating ang teacher namin sa English. 1hr at 45minutes ang itinagal ng klase namin bago tumunog ang bell. Hudyat na recess time na at lipatan na ng classroom.

"San ka kakain Khen?" tanong sa'kin ni Yeri ng lumabas na ang teacher.

"Sa may Café malapit sa building ng Art and Design para di hassle pag pasok mamaya" sagot ko agad sabay sukbit ng bag sa'king balikat.

"Masarap ba dun?" si Gab, ang nagtanong.

"Oo naman, tsaka umorder ang Café na yon sa Coffee Shop ni Ira ng mga cake last week. May ilan dun na gawa ko, you could all try it if you want"

"Edi tara na, tatayo na lang tayo? Walang lakad? Pano tayo pupunta kung ganon?" hirit ni Raf. Sinuntok naman agad 'to ni Rea at tinulak para ito na ang maunang mag lakad.


"Inaantay ko lang kayo eh" si Caleb.

"Inaantay ko rin na may humakbang" si Jerlyn

"Inaantay ko lang talaga na may kumilos eh" si Quezy.














Notorious Queen (C)Kde žijí příběhy. Začni objevovat