Kabanata 22

2.5K 103 0
                                    

KABANATA 22


Dalawang oras ang itinagal namin sa submarine bago kami tumigil sa Ground Zero. Hindi na namin ginamit ang invisibility coats and boots dahil wala narin naman kaming pagtataguan. My momma told me na hindi na namin kailangan pang magtago. She declared a war kanina lang hapon. Hindi na raw niya nagugustuhan ang mga nangyayari lalo pa't may umatake na naman pala kagabi sa CU.

Dormitories naman ang mga nasira ibig sabihin pati ang unit namin ay nadamay. The CER are totally cancelled. Hindi na itutuloy dahil nalaman narin ng ibang school ang nangyaring pag atake kaya't maraming nagback out, mga takot madamay ang mga eskuwelahan.

Akala ko ay hindi na namin itutuloy pa ang pagbuntot kay Chirphin pero ang sabi ni Momma ay si Chirphin lang ang susi para malaman namin kung sino talaga ang tunay na kalaban.

Ngayon ay nasa mansyon na kami ni Hana. May malaking rancho rin sya at maraming tumatakbong kabayo at may mga kalabaw din. May palayan at may ilog na malapit.

Maganda rito kahit pa maraming patayan na nangyayari sa islang 'to. Kaya ito tinawag na Ground Zero ay dahil gabi gabi ay may namamatay pero hindi umaabot sa lima o apat ang mga namamatay, karaniwan ay mga isa hanggang tatlo lang.

"Ang laki laki ng mansyon mo tapos hindi ka madalas rito?" tanong ni Yorun kay Hana, gising na gising ang matanda ngayon. Marami sigurong tulog.

"Dito ko nalang pinapatuloy yung mga trabahante ko kaya may tao parin naman kahit wala ako rito" sagot ni Hana.

"Trabahante?"

"Nag ririce milling at nag susugar milling si Hana dito para iexport sa ibang bansa. Sa azucarera at palayan niya nanggagaling ang mga may kaledad na asukal at bigas na nasa Pilipinas" si Inada ang sumagot.

"Eh mukhang nag aaral ka pa" si Jimuel.

"Pinagsasabay ko para pag nagkaanak na ko hindi sila mag hihirap di tulad nang pinagdaanan ko" pilit na ngumiti si Hana.

Hana is an orphan. Wala siyang nakagisnang pamilya kundi ang mga nasa ampunan. She's 20years old at umalis sya sa ampunan noong 13years old sya. Nakilala ko sya at naging kaibigan, pinasok niya ang clan namin para kumita ng pera at ng makaipon ay bumili sya ng lupa rito sa Ground Zero. Hindi ko lang talaga inakala na ganito kaganda ang kalalabasan ng pinaghirapan niya.

Inihatid na kami ng katulong sa mga kwarto namin. Katabi ko ng kwarto si Jaylou at magkadugtong ang cr naming dalawa, kaya hindi na ko nagtaka nung makita ko syang pumasok ng kwarto na tinutuluyan ko at tinulak ako pahiga sa kama. He lay down and hug me tight.

"Payakap saglit wife, mamaya aalis na naman tayo eh.."

Napapailing na hinayaan ko na lamang ito. I brush his soft locks while humming a song.

Pag nakapagpahinga na kami ay agad naming pupuntahan mamaya ang lokasyon ni Chirphin. Kailangan na naming tapusin ang misyon dahil bukas na bukas din ay magtitipon na ang lahat ng mafia clan na kaalyansa ng eskuwelahan.

"Wife, kinakabahan ako para bukas"

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"Why?"

"Bago ko sagutin yung tanong mo may isang bagay na gusto kong malaman mo"

"Ano yun?"

"I'm the King of Three Islands, do you still accept me kahit marami na kong napatay makuha lang ang trono ko?"

Natahimik ako, medyo gulat sa nalaman ko pero hindi ko rin maiwasang mapaisip kung sasabihin ko kung sino talaga ako at kung gano ako kabrutal.

"You're making me more nervous.."

Notorious Queen (C)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora