12. Acquintance Party

439 31 1
                                    

12. ACQUINTANCE PARTY

TRICIA

May napanigipan ako.. And I'm sure its part of my memory when I was a child. Inggit na inggit ako sa batang ako dahil nagagawa niyang makipaglaban. Kung hindi lang siguro nawala ang alaala ko ay baka malakas na malakas ako ngayon..

Hindi yung ganito.. Palagi na lang sa kama ang bagsak ko sa twing may nangyayaring hindi maganda. But then.. Mukhang eto lang ay may resultang nakakapag bigay sa'kin ng pag asa.

Pag asa na babalik na ang aking memorya..

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin.. I touched my face, I just hope you remember once again Tricia..

"You look so beautiful madamé" puri sa'kin ng babaeng inarkila nina Hana upang ayusan ako. "Salamat" tugon ko rito habang pinagmamasdan ang itsura ko. I'm wearing a light make up, kahit ganoon ay halos mapugto ang hininga sa sobrang ganda ng pagkakaayos sa'kin.

Iniwan na ko ng make up artist upang maisuot na ang damit ko. Hindi yun gown dahil hindi tutugma yon sa theme ng party kung sakali. Its a black seethrough long sleeves, then I have a black sando inside. My short is tight, revealing the good shape of my waist. I have boots na hanggang tuhod.

"Woahhh" nakangising usal ng anim na myembro ng House Of Cards nang lumabas ako ng kwarto. They are all wearing suits with different style and color. They look all handsome lalo pa't nakalabas ang mga noo nila na palaging nakatago sa ilalim ng bangs.



"Ba't ganyan?" binalingan ko si Jaylou na salubong ang kilay, pataas baba ang tingin nito sa damit ko.

"May problema ba sa damit ko? Maganda naman ah?" saad ko saka sinuot ang suit na kapartner talaga ng damit ko

"Oo nga naman Jaylou!"

"Ang sexy ngang tingnan ni Tricia eh"

"Shut up! Get the hell out of here!" sigaw ni Jaylou, narinig ko pa ang pagsipol at tawanan nung anim bago sila lumabas ng unit ni Tito.

"Magpalit ka Tricia, I can't let-


"No, kung ayaw mo sa damit ko. Hindi na lang ako magpupunta sa party" pagputol ko sa sinasabi niya. Bumuntong hininga sya at nahilot ang kanyang sentido.

Wala akong ibang damit na akma sa theme ng party tapos papalitan pa 'tong natatanging damit na akma don? Edi di na lang ako pupunta kung ganon, kahit pa magpeperform kami nina Snow.

"'Kay fine, suotin mo yan basta wag kang aalis sa tabi ko" nakukunsumeng pagpayag niya bago hinapit ang bewang ko. He's wearing a gold suit matched with his gold hair.

"Kelan ka nagpakulay?" tanong ko habang papalabas kami.

"Kanina lang, dare lang 'to sa'kin nung anim kaya napilitan akong magpakulay.. Ikaw? Nagpakulay ka ulit ng black?"

Tumango ako.

"Masyado akong magmumukhang maputla kung platinum white ang kulay ng buhok ko. Baka mapagkamalan pa kong bangkay na nakatayo sa tabi mo" sagot ko. I heard his chuckled, I felt his fingers playing with my earrings.

"Kahit maputlang maputla ka pa, bagay ka parin sa'kin" saad niya.

"Maganda ako eh"

"Lakas ng hangin, wife" natatawang saad niya.


Its already 7:30pm when we arrived at the venue. Mula sa labas ay rinig na rinig na ang tugtog. The venue is in Mall of Asia, may mga outsiders na pwedeng makapasok upang panuorin ang nagaganap na party. Ang alam ko ay karamihan don ay fans ng Six Core na ngayon ay Nine Core na kung tawagin. May mga pamilya rin don na gustong makiparty. Masyadong malayo ang Acquintance na ito sa normal.


We slowly went inside, I'm partnered with Jaylou.. While Inada is with Jigs then Hana is with Yorun. Yung ibang myembro ng Nine Core ay hindi namin kasabay ngayon pero sa loob. Napadako ang tingin ko sa mga staff na pari't parito sa pagdaan.

May mga food at drinks din para sa mga outsiders. Wanna know what's the theme of the party?

Awarding theme.. Kaya payag silang may mga outsiders para mapanuod ang mga pagtatanghal. At kasama ang grupo ng Nine Core at House Of Cards ron. I'm kind of nervous dahil ito ang unang beses ko na magperform sa ganito karaming tao.



"Magkatabi ng table ang House Of Cards at Nine Core. Magtabi tayo ron sa may bandang pagitan" bulong sa'kin ni Jaylou bago ito umakyat at iwan ako upang makuhanan sila ng litrato bilang grupo.

Agad namang nagsilapitan sa'kin ang Nine Core na mukhang busy rin ang mga partner nila.


"You look all beautiful tonight girls" nakangiting puri sa'ming walo ni Snow. Kumapit ito kay Nuxia na nasa pictorial area ang atensyon.



After a minute ay kami naman ang pinapunta ron. Most of the fans are cheering when they see us but others are whispering why they have another one member which is me.

"Don't mind them" bulong sa'kin ni Hana. Tipid lang akong tumango at ngumiti sa camera ng senyasan na kami.



AFTER the picture taking ay itinuro na ang pwesto namin. Magkalapit nga lang kami ng seat ng grupo nina Jaylou at dun sya umupo sa upuan na pinakadikit sa'min.



“Jaylou..” tawag ko rito ng makaupo ako. Kausap kasi nito si Raven at mukhang seryoso ang usapan nila dahil sa ekspresyon nila sa mukha. Agad namang naalis ang seryosong ekspresyon ni Jaylou ng lingunin niya ko.


“Antagal nung picture taking niyo ah..” usal nito saka ipinulupot sa bewang ko ang braso niya. He's holding a wine on his empty hand while staring at my face, not minding the other people around us.

“Marami kasi kami and tinanong pa kung bakit ako ang pinakahuling pinakilala..” sagot ko at medyo inilayo ang katawan sa kanya. He pouted when I move away but eventually smiled when I pinched his cheek.

“too much PDA”, nakasimangot kong usal saka kumuha champagne sa waiter na dumaan.

“but I love doing PDA with you..” rinig kong bulong niya sa'king tenga kaya't napangiwi ako.

“Privacy is still important” giit ako saka sumimsim ng kaunti sa champagne glass. He heaved a sigh and stare at my eyes intently. He's eyes were full of many emotion I can't distinguish.

“you're so beautiful..” he whispered and gave me a lop sided smile bago sya tumingin sa stage. Naiiling na inilagay ko rin ang atensyon ko ron. May mga pinakitang serye na talagang nakakatawa, mga serye na aksidenteng nagagawa ng mga estudyante sa araw araw na pagpasok sa eskuwelahan.

At syempre kasama na yung nangyari sa pagitan namin nung Rive ilang araw na ang nakalipas.


“I want to rip her head off” gigil na turan ni Hana na nasa kabilang gilid ko. Ramdam na ramdam ko ang galit niya pati na ni Inada na rinig kong gusto nang puntahan si Rive at kaladkarin ngunit napipigilan lamang ni Peachy.



“Easy girls, she'll get what she deserve” makahulugang saad ni Snow sabay lingon sa pwesto ni Rive di kalayuan sa'min. Alam ko na nakatitig ito sa'kin o sa'min ni Jaylou dahil ramdam ko yun.

Sa ganong distansya ay ganun na kasharp ang senses ko na palala pa ng palala bawat araw.





“You have a plan to that ugly clown?” tanong ni Diane rito. Nakangisi namang tumango si Snow habang pakaway kaway pa kay Rive na may plastik ring ngiti.




“No one should go away after hurting one of our members, they'll pay big before getting away,” saad pa ni Snow.












“You'll see the fun later, just wait and watch..”

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now