KABANATA 8

5.1K 167 3
                                    

KABANATA 8

My goal is to kick Jaylou out of his title as well as his rank. Pero pano ko magagawa yun kung peke naman pala yung pababagsakin ko? I hate him and I despised him pero.. May parte sa'kin na gustong malaman kung bakit niya ko iniwan noon. And my heart is aching for explaination.

Nakakatawa lang dahil naguguluhan ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nanunuot yun sa ugat ng buong sistema ko.

"Ayos ka lang? Tulala ka?" Tanung ni Raven na nasa tabi ko. Umiling ako at pilit na ngumiti.

"I'm fine, may iniisip lang ako"

"Just tell me if may gumugulo sa'yo. Iisip ako ng paraan para mawala yan" rinig kong sabi niya. Tumango ako at itinuon ang atensyon ko sa notebook ko.

Wala ako halos naisulat sa pagkakatulala ko kanina. Nilingon ko ang notes ni Raven at lahat ng chemical formula ay nakasulat na doon.

"Pahiram ako ng notes pag tapos ng klase" saad ko.

"Ako na ang bahala sa notes mo. Ibibigay ko bukas" he said at kinuha ang notebook ko kahit hindi pa ko nakakasagot. Nanguso naman ako..

"Wag kang ngumuso, tatawanan pa kita pag may tumuka niyan." Nakangisi niyang usal. Natakpan ko naman agad ang bibig ko.

"As I said, ako nang bahala sa notes mo. You look stress, magbawas ka at ng makapagfocus ka sa mga klase mo"

Tumango ako sa sinabi niya.

-

"After midterms, magsisimula na ang tunay na laban. Kaya pag igihan mo ang pag aaral mo Tricia. Hindi nakakatuwa yung performance na ibinibigay mo sa mga teachers mo. Malabong makatuntong ka sa Chaos Emperial Ranking kung hindi mo maipapasa ang midterms mo." Sermon sa'kin ni Tito. Napanguso naman ako agad at nainom ang kape sa ibabaw ng desk ni Tito.

"Ang akala ko ay puro laban lang at pagpapalakas ang tinuturo dito. Dinudugo na ang ulo sa mga lectures at discussion na ang hirap intindihin" reklamo ko naman.

"Hindi ka magiging magaling na pinuno kung walang laman yang ulo mo." Asik nito. I blinked

"May laman kaya ulo ko" sagot ko, napataas naman agad ang isang kilay ni Tito.

"Ano?" Taas kilay niyang tanong. Nakangiting pinoint ko ang daliri ko sa sentido ko.

"Utak" sagot ko kaya napapalatak si Tito at mukhang hindi na alam ang gagawin sa'kin.

"Ewan ko sa'yong bata ka, oh. Asikasuhin mo yang rules tingnan mo kung babaguhin ka pa" nawawalan na ng pasensya niyang sabi. Tumango ako at isa isang binasa ang nasa papel.

"Mag uuniform kami after ng midterms?" Tanung ko ng mabasa ko yun. He nodded, napanguso naman ako at ginuhitan yon ng pula.

"Ayoko ng uniform, mas usto ko suotin yung kumportable ako" usal ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"PDA isn't allowed." Sinulatan ko ng isn't yung isa pang rule. Andami kasing naghaharutan ang sakit lang sa mata. After nun ay wala na kong binago..

"Bago ka umalis, please remember na kailangan mo kong samahan sa meeting. Magiging kinatawan ka ng Unibersidad kaya wag mong kakalimutan" bilin pa nito bago ako lumabas ng opisina niya.

Nakausap na rin ako ni Momma tungkol don dahil agad akong tumawag nang mareceive ko ang imbitasyon. Its a meeting slash party ng mga University Headmasters at kailangan na may kasamang isang estudyante bilang kinatawan ng unibersidad. Kawalan ng respeto sa iba pang headmasters kapag walang dalang estudyante ang isa sa mga myembro.

Kaya wala akong magagawa kundi umattend at baka magalit pa si Momma sa'kin pag umayaw ako.

"San ka galing?" Tanung sa'kin ni Raven ng pumasok ako sa BioLab.

"Sa HO may pinagawa sa'kin si Ti- Headmaster" sagot ko at naupo na sa tabi niya. Tumango tango sya at hinila ang kamay ng isang lalaki. Maliit ito at singkit ang mata..

Mukhang tuta..

"Eto pala si Jigs, kaibigan ko.." Pakilala ni Raven sa mukhang tuta.

"Hi Jigs na kaibigan ni Raven" bati ko. Ngumiti ang tuta kaya't nawala ang mga mata.

"Nice to meet you Trijara.. Handa akong mamatay para sa'yo.. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Dire diretso niyang sabi

I glance at Raven na tinguan ako.

"You're ready to die for me? Really..?" Usal ko.

"Oo! If you want I can protect you too!" Masiglang sagot niya

"Okay.. You'll be one of my friends, puppy." Nakangiti nang sabi ko.

-

"Marami kami Tricia, mga pito ata kami. Basta marami kami pero magkakaiba kami ng kinuhang subjects kaya magkakahiwalay kami. Buti na lang at nagbiology din pala si Raven" kwento ni Jigs

"Talaga?"

"Yup! Di ko nga alam na kakilala ka pala ni Raven kung ako yung nauna edi sana-

Naputol ang pagkukwento ni Jigs ng sinalpakan ni Raven ang bunganga nito ng kalahating apple.

"Masyado ka nang madaldal" nilingon ako ni Raven "Pasensya ka na kay Jigs ah? Madaldal talaga 'to eh"

Ngumiti ako.

"Okay lang ang cute nga eh.. Para syang nagsasalitang tuta" saad ko na ikinasimangot ni Jigs.

Natawa naman si Raven sa sinabi ko.

"Kwento ka pa Jigs tungkol sa circle of friends niyo.." Nakangiting sabi ko.

"You look so interested Tricia" puna ni Raven. Malungkot ako ngumiti sa kanya..

"I just missed my circle of friends .. May dalawang linggo narin nung huli ko silang makita" sagot ko.

"You have circle of friends too?" Jigs asked.

"Yep. I have, apat kaming magkakaibigan at limang taon narin kami. Eto yung pinakamatagal na nahiwalay ako sa kanila kaya namimiss ko na sila"

"Para di mo na sila masyadong mamiss, kukwento pa ko!" Sigaw ni Jigs at itinaas pa ang kanyang kamao sa ere. Binatukan naman agad sya ni Raven kaya napaayos ito.

"Eto na nga, pito kaming magkakaibigan. Kilala yung grupo namin sa tawag na House Of Cards dahil mahilig kaming lahat sa card games. Libangan namin yun pag nagsasama sama kami." Kwento pa nito.

"What kind of Card games?"

"Poker, UnoCards at IceBreaker pero mas madalas kaming maglaro ng Poker" sagot niya naman agad

"Buti pa kayo may libangan na normal" pumangalumbaba ako.

Pagkasi magkakasama kami ni Inada ay nagsisilbing bonding namin ang pagpatay o kaya ay suntukan. Our bonding isn't normal like playing poker or any card games.

"Bakit?" Usisa ni Raven.

"Wala kasing normal sa'ming magkakaibigan. Lahat kami abnormal" sagot ko na lang.

-

Si Jigs Mirage naman ang nameet nyo..

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now