14. Protect

431 30 0
                                    

14. PROTECT

TRICIA

Abala ako sa pagkain habang nanunuod ng mga performances. Hindi mapagkakailang magagaling ang iba pang grupo, idagdag na mas kaunti sila kesa sa'min. Pinakahuli kami mamaya na magpeperform. Sa kadahilang 'N' nagsisimula ang pangalan ng grupo namin.

"Wife" tawag sa'kin nito at inabot sa'kin ang blueberry cheesecake. "Thanks" I uttered at inilapag yun sa mesa. He finished eating at nanunuod na lamang sya.

Tinapos ko na lang rin ang pagkain ko pati na yung bigay niya ay inubos ko saka ako sumimsim ng kaunting champagne.

"Si Rive na at ang mga chaka niyang kagrupo" rinig kong saad ni Inada.

"Wait for my gift, siguradong magugulat ang lahat" natatawang saad naman ni Snow.


Malamang ang may pinaplano talaga ito sa Rive na 'to. Kung ako sa kanya ay dapat kanina pa niya itinuloy nung entrance palang para di na nagpakita parito.

Sa totoo lang.. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko. Katangahan ko rin kung bakit ko nalimutang kaya kong magpaluhod ng kahit na sinong tao..

Tiningala ko ang babaeng mayabang na nasa gitna ng stage. Nakangisi ito habang nakatingin sa'kin na tila ba minamaliit ako..

Tingnan nalang natin kung may magagawa yang yabang mo pag nasaksak ko tong wine glass na hawak ko sa leeg mo..

Tinaasan ko ito ng kilay at nangmamaliit na pinasadahan 'to ng tingin muli ulo hanggang paa. Tsaka rin ako mapang asar na ngumisi at sumandal pa kay Jaylou.

"Tired?" tanong agad sa'kin ni Jaylou ng sumandal ako. Ngumiti ako ng malapad saka umiling.



"I just want to lean on you hubby" sagot ko, I felt him stunned. Tila gulat na gulat sa itinawag ko sa kanya.

Bumalik naman agad ako kay Rive, nakasimangot na ito at masamang masama ang pagkakatitig sa'kin habang sumasayaw at kumakanta ang ibang kagrupo niya.

Muntik pa kong matawa ng muntik na syang malaglag sa stage dahil hindi man lang niya binibigyang atensyon ang nasa paligid niya.

Pathetic..

"you c-called me hubby" naramdaman ko ang pag hawak ni Jaylou sa kamay ko. Nanginginig at nanlalamig yon. Nilingon ko sya saka sinapo ang kanyang pisngi.

"I'll make it up to you later.. All the years we've been away from each other." saad ko saka kusang pinatakan ng halik ang kanyang nakaawang na mga labi.


"BITCH!" sigaw ni Rive. Pasugod itong pupunta sa'kin ngunit agad itong napahinto ng malaglag sya sa isang hole ng punong puno ng brown colored material.

"tadan!" natutuwang pumalakpak si Snow, parang nanalo ito sa lotto at nagsasayaw pa.

Rinig ang halakhakan sa buong arena, pati ang mga outsiders ay natawa dahil kitang kita sa VCR ang pagkalaglag niya ron. Idagdag pa na inislow mo iyon ng paulit ulit.

"Fvck you!" sigaw ni Rive, naiiyak itong bumaba ng stage na hindi man lang tinulungan ng mga kagrupo niya dahil halos mamatay ito sa tawa.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now