20. The Epilogue

641 35 0
                                    

20. EPILOGUE


“I waited for this night.. For me to claim you fully..” Jaylou said while staring at his beautiful wife, who's now sleeping beside him. Naked.

(A/N: Bawal pa magsulat ng sexy scenes si Author five days pa para maging legal hehe, pero soon kapag tinahak na ang wild genres)

They just finished making love, both exhausted after giving their selves to each other. Mas napagod nga lang si Tricia dahil nakipag buno pa ito sa bagong tatanghaling reyna ng tatlong isla.

Tradisyon iyon kapag naikasal ang dating reyna. Ngunit kapag may papalit agad. Dahil nung ikasal si Cheshire kay Calum ay di naman ito nagbitiw sa kanyang tungkulin.

Dinampian pa ng halik ni Jaylou ang mga labi ng asawa bago nakangiting niyakap ito.

Sobrang saya niya ngayon. Makakasama na niya habang buhay ang pinaka minahal niyang tao sa mundo. He felt so happy and contented pero alam niya na mas sasaya at mas makukuntento sya kapag nagkaroon na silang dalawa ni Tricia ng sariling anghel. Anghel na binuo nila gamit ng labis na pagmamahal sa isa't isa.

“I'm the luckiest guy.. Luckiest to the point that I want to shout who made me so lucky.” usal niya bago ipikit ang mga mata upang matulog. Dala rin ng kapaguran ay agad itong nakatulog.

Dumaan ang ilang buwan at nabalita sa buong asya ang pagdadalang tao ni Tricia. Sino nga bang mag aakala na ang bunsong anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa mundo ay pinakasalan ang isa sa pinakasikat na grupo sa buong asya.

Maraming nag sasabi na napakaswerte nila sa isa't isa. Lalo na at magkakaanak pa sila.

Parehong lampas sa ekspektasyon ng mga tao ang kanilang mga itsura. Pano pa kaya ang kanilang supling na pagkatapos ng siyam na buwan ay isisilang na.

May mga tao talaga sa mundo na nakararanas na magmahal kahit nasa murang edad pa lamang. Maraming tao ang nababaliw, nasasaktan at umaasa sa pag ibig. Ngunit ang tunay at purong pag ibig ay tulad ng pinakita ng ating mga bida.

Nagkahiwalay man sila ng ilang taon. Nagalit man ang isa at ginustong gumanti ay nagbago dahil sa pag intindi at pag unawa sa taong mahal nila. Inakala man ng isa na tuluyan na silang pinag hiwalay ng kamatayan ay naging matatag ito at di nawalan ng pag asa na makakapiling pa ang minamahal.

Sa kwentong ito, natunghayan natin ang pagmamahal na kahit panahon, oras at kamatayan ang humadlang, magkakaron parin tayo ng rason upang maniwala at patuloy na mahalin ang taong mahal natin.

Wala yan sa tagal ng pagsasama sa isang relasyon. Wala yan sa mga temptasyon. Wala yan sa inggit at pag seselos. Nasa pagtitiwala sa minamahal natin maipapakita kung gano katindi ang nararamdaman natin sa isa't isa. Sinusubok tayo ng iba't ibang bagay pero lagi nating tatandaan na may mayayakap at mahahalikan tayong minamahal na laging andyan para samahan tayo sa pagsubok na yan.





















FIN

A/N:

Bakit ganto ang naisip kong ending. Gusto ko lang ipunto ang mga lesson na nasa storyang ito na hindi masyadong halata. And please lamang po wag po kayo sanang maapektuhan sa mga patayan at paraan ng pagpatay sa kwentong ito. Wag nyo po sanang isabuhay dahil labag yon sa batas ng tao at batas ng diyos.

Love each other and value each other. Always be happy and love your family. Love God above all.

Kung single ka katulad ko.

Just wait, makikita rin natin ang taong nakatakda satin. Hindi man ngayon pero balang araw.

Sana nasiyahan kayo sa istoryang ito na kahit korni ay may mga eksena namang masaya at nakakaiyak. Ewan ko lang kung ganon naramandaman niyo. Haha

Maraming salamat sa inyo na patuloy itong binasa hanggang sa pagtatapos nito. Kita kita tayo sa mga susunod pang mga istorya na ilalahad ko para sa inyo.

donec iterum ..
vale

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now