9. Remember

697 36 2
                                    

9. REMEMBER

TRICIA

Inaasahan ko na makikita ko ang mga magulang ko sa oras na magising ako. But I'm wrong.. Ang tanging kasama ko ay ang House Of Cards na natutulog sa iba't ibang parte ng kwarto. Si Jaylou ay narito sa gilid ng kama at nakayukyok habang hawak ang kamay ko. Si Raven at Jimuel ay magkasandal na natutulog sa gilid ng bean bag , si Johanne ang nakaupo ron nakangangang natutulog. Si Jigs, Yorun at Hostine ay nakahiga sa sahig saka magkakayakap.

"You're finally awake" humihikab pang usal ni Jaylou nang mapansing gising na 'ko.

"Yeah.. What happened after I passed out?" I asked, letting him sit beside me.

"We killed some of the Ghouls na hindi natunaw, the other one.. Nakatakas, pagkatapos ay dinala kita rito sa Unit kung san nag istay ang uncle mo, mag aalala kasi si lola kung makita kang walang malay kung dun kita inuwi sa inyo" mahabang sagot nito saka sumandal sa balikat ko.

Kinuyom ko ang mga palad ko bago muling magsalita.

"Hindi ba.. Hindi ba pumunta ang mga magulang ko para tingnan a-ako?" halos masamid ako sa sarili kong laway matapos kong itanong yon.

May parte sa'kin na nadidismaya at di ko man lang nakita ang mga magulang ko.. Apat na taon akong naniwala na wala akong magulang na nag aalala sa'kin.. Apat na taon akong naniwala na si lola lang talaga ang nagbibigay halaga sa'kin.


"They came pero umalis sila agad.. Your mother, Tita Cheshire called me when Tito Calum, your father said that you're in danger. Don't make that look as if they didn't care about you, Wife.. "

Pinilit kong ngumiti rito, may kaunting bigat na nawala sa dibdib ko ng marinig ko yun.

May pakialam parin pala ang mga magulang ko sa'kin..

"I'm sorry, if we're late.. Wife" sunod niyang saad. "It's fine, Jaylou." sagot ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.






"I'll go now, fox. Be safe" saad ni Tito saka ginulo ang buhok ko. Dahan dahan akong tumango at sinara ang pinto ng lumabas na ito. Hinatid ako ni Tito pabalik sa unit ko, Jaylou and the other House of Cards have a sudden mission ordered by my mother.

I wonder If gagawin ko rin ang mga misyon pag nakaalala na 'ko.

"Apo?" tawag sa'kin ni lola na nasa receiving area. Yumakap ako rito pagkalapit ko bago ko palitan ng indoor slippers ang sapatos ko.


"Good afternoon Lola, nagmerienda na po ba kayo?" malambing na tanong ko habang inaalalayan ito papuntang living room. Bakas ang pag aalala sa mukha ni Lola nang pagtuunan ko ng pansin ang bawat reaksyon sa mukha niya. She look stress din at halata na kulang sya sa tulog.


"Nagmerienda na ko apo.. Tsaka bakit ngayon ka lang ha? Hindi ako naniniwala na may project ka ginawa kasama ang mga kaklase, kakaumpisa palang ng pasok mo"

Muntik ko nang maihilamos ang kamay ko sa mukha ko ng sabihin ni lola yon, Sino naman kaya ang nagpalusot ng ganun at yun pa talaga?

"Lola.. Kalagitnaan po kasi ng Sem kaya nagkaron agad ako ng project kahit new student ako, sorry po kung nag alala kayo" pagsisinungaling ko..

Baka lalo lang maistress si lola kung sasabihin ko ang totoo. Mas maigi nang dagdagan ko na lang ang palusot na yun.

"Talaga? Nakakain ka naman ba?" nag aalala paring tanong nito.

"Oo naman po, masarap nga po yung kinain ko nung kaninang tanghalian" nakangiting sagot ko kahit ang totoo nakakasawa na yung kinain ko kanina.

Masarap naman kaya lang di talaga ako magtatagal kung puro lugaw lang ang ipapakain sa'kin. Nakakasawa eh..

"Buti naman kung ganon.. Grabe ang pag aalala ko sa'yo kagabi apo, wag mo nang uulitin yon.. magpaalam ka ha? Alam mo naman siguro ang nangyari sa apo kong si Kendall"

"Oo naman po lola" tugon ko.

Kitang kita ko sa mukha ni lola na nangungulila parin sya kay Khen kahit matagal na itong wala. Parang pinaalala ko tuloy sa kanya ang nangyari sa tunay niyang apo na bigla na lang di umuwi ng bahay at ng matagpuan sa gilid ng ilog ay puno na ito ng saksak ang katawan at walang saplot.

Malinaw na ginahasa ang apo ni Lola pero wala naging aksyon dahil walang sapat na pera si Lola pambayad ng abogado. Parang nilangaw na tuloy ang kaso ng apo ni Lola ng walang hustisyang nakukuha.




"Hindi ko na po yun uulitin, lola.." dagdag ko pa sa tugon ko at hinalikan ang noo nito.





"Acquintance Party?"


"Yay!"

"I'm excited"


"I will surely choose the best gown!"



Yon ang narinig kong usapan ng dumating ako sa classroom. Inilapag ko ang gamit ko sa sahig saka kinalabit ang seatmate ko na si Ria. Nakangiting binalingan ako nito habang ngumunguya ng pringles na kalat na kalat sa gilid ng labi niya pati na ang ngipin niyang nagkulay brown dahil don.

"May acquintance party?" tanong ko.

"Oo! Nakakaexcite nga eh, eto raw ang unang beses na may Acquintance party na mangyayari sa kasaysayan ng Chaos University!" she excitedly answered.

"Kailangan bang pumunta?" nag aalangan kong tanong. Kung required ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, wala akong magarbong gown na masusuot dahil puro dress lang ang meron ako.


"Yup! Since ito ang unang AP natin, required sya according to Headmaster" sagot muli nito sabay subo ng panibagong pringles saka binalingan ang isa pang kumakausap sa kanya.


Parang gusto ko na lang lumubog sa lupa.



Mabilis na tumakbo ang oras at lunch time na. Mag isa lang akong pupunta sa cafeteria ngayon since wala naman akong makakasabay, may kanya kanyang grupo ng kaibigan ang mga kaklase ko at masyado silang immature kung kumilos saka magsalita kaya hindi talaga ako makakasabay.



Kung nandito lang sana ang mga kaibigan ko sa GU, malamang palaging masaya ang lunch time ko.










"Steak with mashed potatoes and water for drink please" I ordered when I went to the counter. Kinuha ko ang card sa wallet ko at yun ang ginamit ko pang bayad.

Tito said that I have much money on my credit card since para talaga sa pang gastos sa school ang laman non.

"Here ma'am"

Binigay ng babae ang tray kasabay ng credit card ko. I bid a silent thank you before turning my back. Nag hanap ako saglit ng table at nung makahanap ako ay agad akong naupo saka nagsimulang kumain.


I ate in silence.. Enjoying the wonderful taste of the steak matched with mashed potatoes. I love the blending of flavors on my mouth. The water washed away everytime I chugged it kaya parang panibagong tikim ulit kapag sumusubo ako.


"Ikaw ba si Trijara Cialine Rovanov"

Natigilan ako sa pagsubo ng huling karne ng steak ng may babaeng lumapit sa table ko. She have this heavy make up on her face matching with the bright colors of her clothes.


Hindi ba sumasakit ang mata nito sa sobrang liwanag ng damit niya?


"Ako nga" sagot ko saka sinubo ang huling piraso. Iinom na sana ako ng tubig ng bigla nyang hilahin ang batok ko at hinampas ang ulo ko sa mesa.

I groaned in pain.. Parang namimintig ang ulo ko idagdag pa ang pagkakasabunot nito sa buhok.




"Wag na wag kang lalapit pa kay King kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Hindi lang 'to ang aabutin mo pag naging pasaway ka" nagbabantang saad nito saka malakas akong tinulak papunta sa glass wall ng cafeteria saka ako malakas na sinampal.




Hindi pa ko nakakabawi ng agad niyang sundan ng suntok sa tiyan ang sampal niya sa'kin.
















"Remember the name Rive, Trijara.. Don't fvcking mess with me" saad pa nito saka ako marahas na tinalikuran.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now